Chapter Thirty-Five: Welcome

267 18 0
                                    

Chapter Thirty-Five
Welcome

"Nasaan ang sasakyan mo?"

Naupo ako sa couch at inilapag ang bag ko. Pinagpatuloy ko ang pagsuklay sa basa kong buhok dahil kakaligo ko lang. Hindi ko inaasahang pumunta si Won sa bahay. He's already in his uniform and is about to go to school too.

Normally, hindi kami nagkikita bago ang klase. He'll pick Chloe up, ihahatid niya, tapos derecho na siya sa school. Since Jayden always picks me up, hindi na rin ako sumasabay sa kaniya tuwing umaga. Madalas ay sasabay lang ako sa kaniya kapag uwian; kapag late ang uwi ni Jayden.

Pero ngayon nandito siya at pinuntahan ako ngayong umaga. I haven't even heard his car beeped outside. Bigla niya lang nabanggit na wala ang kotse niya.

"I had it repaired again," he said and scoffed. "May nakabangga."

I gazed at him worriedly. "Kailan?"

"Nung Sabado."

Inalala ko kung anong meron noong araw na iyon. My forehead creased when I remembered it was the same day we went to Makati. It was the same day na sabay sila ni Chloe umuwi dahil galing kami sa galaan.

Mabilis kong tiningnan si Won. Sumeryoso ang mukha niya habang sumasandal sa couch sa tabi ko. I shifted my gaze to face him, my eyes squinting in suspicion.

"Huwag mong sabihing-"

"Don't worry. No one got hurt," he assured.

Umawang ang labi ko. "Kasama mo si Chloe nang nangyari 'yon?"

Tahimik siyang tumango. I didn't wait for it. Kaagad kong hinablot ang bag ko at hinampas siya mukha.

"Aray!" reklamo niya.

Sinangga niya ng isang beses pero inulit ko. Magpasalamat siya at isang libro lang ang dala ko!

"Kasama mo si Chloe pero hindi ka nag-iingat!"

He blocked my bag using his arms and attempted to steal it from me. "It was an accident!"

"Ganyan mo ba gustong magpaalam?!"

Dahil nabanggit ko rin, naalala kong sa susunod na linggo na ang alis niya. Chloe was busy tending to her documents but she promised me that we'll meet each other once more bago siya umalis.

Sabi ko pa nga ay  ihahatid ko siya sa airport, pero sinabi niya lang na huwag na raw akong mag-abala pa. Friday pa naman din daw ang flight at may klase kami ni Jayden pareho.

"Hailey."

Won caught me off guard. Nagulat ako ng maabot niya ang bag ko kaya hindi ako nakapag-react kaagad.

"Give me that!" I shouted.

Tumayo ako para abutin dahil itinaas niya pero tumama ang binti ko sa binti niya kaya bigla akong bumagsak. Patayo rin sana siya nang mawalan siya ng balanse dahil sa pagbagsak ko. Bumagsak siya sa couch; bumagsak din ako sa ibabaw niya.

I blinked.

Kaagad akong umatras at tumayo. Napahawak ako sa braso niya. He looked away immediately and gave me back my bag.

I Brought My Heart To Hong KongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon