Chapter Six: Book

456 28 15
                                    

Chapter Six
Book

What did I do in my past life to be this unlucky in the present?

Hindi ako makapaniwalang isasama ko talaga sila sa bakasyon ko! Kung ganoon lang din naman pala, sana hindi na ako umalis.

The only thing that stopped me from not going is the fact that Mom already booked a flight. Charged to her account without the means to get a refund! Kung mayroon man, may additional fees na! Iga-ground niya lamang ako sa bakasyon at babawasan ang allowance ko sa pasukan kapag sinayang ko ang pagkakataon!

Tinawagan ako ni Chloe isang gabi matapos ang pag-uusap namin ni Mom at Zywon. Nabanggit niyang nagkabati na sila ni Won at nasabi na rin sa kaniya ang tungkol sa planong bakasyon.

Nagulat siya pero dahil sinabi ni Zywon na magkakasama naman kami ay naging okay sa  kaniya. Kung nagkataon talagang sinabi kong kami lang ni Zywon ay malamang hindi niya iyon magugustuhan.

"My parents don't really mind it." Ngumiti siya nang sabihin niya iyon. "Ang gusto pa nila, isama si Jayden. They'll be out of the country in the next few weeks."

Napa-awang ang labi ko sa kaniyang sinabi.

Sasama si Jayden? Anong buhay ba 'to!?

"Sila Dad din aalis," I chose to say.

"Ang alam ko, Hails, sila-sila rin ang magkakasama. Is it the conference in Malaysia?" tanong niya na kaagad kong sinagot ng oo. "Dad said he was invited by Tito Harper. 'Yung friend na lawyer daw kasi ni Tito wanted my Dad to facilitate the building ng firm nila."

"Oh," tanging nasabi ko.

Hindi ko alam kung maganda bang desisyon ang lahat ng ito. Deep inside, I was already thinking of ways to bear with all these. I can't have it cancelled out lalo na ngayong aalis rin pala ang mga magulang ko at wala akong kasama rito. Not to sound dependent on them but as they value my safety, gusto nilang doon ako sa may kasama.

That's the thing that makes me push through Hong Kong. Well, apart from my feelings for Zywon.

I switched the topic to the booking issue. Nabanggit ko kay Chloe ang pagbu-book ni Mom na for 2 persons lamang. Siyempre nahiya pa akong sabihin dahil baka sabihing niyang para lang talaga sa dalawa ang planong bakasyon. Mabuti na lang talaga at hindi ganoon ang inisip ni Chloe.

Mom said she'll bear the travel expenses in exchange for the trouble she caused Won and Chloe. Kaya bukas, pupuntahan ko si Chloe para i-settle ang booking kasama siya lalo na at dalawang ticket pa pala ang ibu-book ko.

Sa kasamaang palad, habang papunta ako sa kanila kinabukasan ay nag-text si Chloe na nasa clinic siya kasama si Tita Chanel. Nakasakay na ako ng tricycle, saka ko naman nabasa.

I groaned shortly. Dapat pala chineck ko muna bago ako umalis.

Huli na dahil tumigil na ang tricycle sa tapat ng bahay nila. Masuwerte na lang at nadatnan ko ang isang matangkad na pigura na palabas ng bahay para bukas ang gate nila.

It was Jayden.

Hinawakan ko ang laptop bag na nakasukbit sa balikat ko bago lumapit sa gate nila at tinawag siya. Binati niya ako ng malamig na titig.

"Hi," bati ko.

Kunot-noo niya akong binabaan ng tingin. Hindi siya sumagot at bumalik ang tingin sa sasakyan niya.

Wow, para namang hindi kami nag-arcade noong nakaraan.

Pansin kong medyo nakabihis siya. He's wearing a white shirt under a thin brown denim jacket as he paired it with skinny bottom pants and a white slip on. He must be going somewhere at inaabala ko ngayon.

I Brought My Heart To Hong KongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon