Chapter Thirty-Six: Talk

263 20 2
                                    

Chapter Thirty-Six
Talk

"Babalik ka ng dorm?" I asked Calli, my classmate and first friend in college, while I put my things back inside my bag.

Tumango siya. "Oo, luluwas na ako ngayong gabi."

Ngayon ay Biyernes at ang next class, sa Monday pa. Taga-Quezon Province si Calli at kadalasang lumuluwas kapag ganito.

Sabay kaming lumabas ng classroom, pababa ng building. We're done for today's class and just got dismissed from our last subject.

Sinulyapan ko kaagad kung may naka-park na kotse sa harap ng building dahil sabi ni Won, susunduin niya ako gayong nabalik na ang kotse niya sa kaniya.

"Nandiyan na sundo mo?" tanong ni Calli nang makita ang pagsulyap ko sa may gate.

Umiling ako.

"Hintayin muna natin," aniya at naupo sa isang kiosk malapit sa entrance gate. Naupo ako habang nananatili ang titig sa labas.

"We're dismissed 30 minutes late," I commented. "Bakit kaya wala pa?"

"Baka na-late lang din?"

I nodded at her response. "Pwede ka nang mauna sa dorm mo, Calli. Dadating na rin siguro siya mamaya."

"Sigurado ka?"

"Oo. Mahaba pa biyahe mo, mauna ka na."

"Sorry, Hails. Sige mauuna na ako."

She gave me a back hug.

"Ingat ka, okay? Mag-message ka pag pa-biyahe ka na."

She gave me a thumbs up before she headed outside the gate. Sinundan ko siya ng tingin bago ako tumutok sa phone ko. I tried to call Won. It was ringing but he wasn't answering. Siguro nga ay nasa klase pa siya kaya pinili ko na lang na maghintay.

To kill some time, I decided to go over the book we were told us to read. Pero hanggang sa ma-bored ako, hindi pa rin dumating si Won. I can't message Jayden. May klase siya hanggang mamayang gabi.

Tumayo ako at ibinalik ang book sa bag ko. Hindi pa ako nakakalabas ng gate nang makasabay ko sa paglalakad si Kingsley. I blinked surprisingly. Binilisan ko at paglalakad ko hangga't nagpo-phone siya para hindi niya ako mapansin. Sana lang hindi niya ako makilala kapag nakatalikod.

"Hailey?"

Napapikit ako.

"Your backpack looks familiar."

Wala akong nagawa kundi ang lingunin siya sa gilid ko. Sinabayan niya akong maglakad.

"Hello," bati ko.

"Dismissal mo?"Tumango ako. Nakalabas kami ng gate. He was about to turn left nang harapin niya ako. "Punta kang Engineering?"

"Ha?"

"I thought you're gonna check on your boyfriend?"

"May klase pa."

"Uuwi ka na?"

Nagkibit-balikat ako. "Siguro kapag wala pa si Zywon."

I Brought My Heart To Hong KongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon