Chapter Fifty-One
BackParang ilang taon ang tatlong araw simula noong umalis si Jayden pa-New York. Sa sobrang pagka-miss ko nga, sa condo niya palagi ako natutulog kapag gabi.
Ngayon, bumisita lang ako sa bahay nila dahil nag-imbita si Tita Chanel. Gusto ko ring i-discuss ang plano sa leasing at advertisement na bubuksan ko na sa mga lessees sa susunod na buwan.
"Law school will be hectic," Tita Chanel commented. "Mas lalong magiging mahirap para sa'yo kung isasabay ang pagma-manage sa property."
Tumango ako.
"So I suggest you hire a leasing agent," she recommended. "Someone who can represent you so you won't have to be around all the time."
"I'll consider it, Tita. Kung hindi babawiin ni Lola ang property sa'kin," banggit ko at mahinang tumawa.
Kung makaabot kay Lola ang tungkol sa'min ni Jayden, iniisip ko na agad ang posibilidad na magalit siya at ang pagbawi niya sa pagmamay-ari niya.
Tita Chanel looked at me apologetically. "I'm so sorry, Hailey."
Mabilis akong umiling at ngumiti.
"Wala po kayong kasalanan," paninigurado ko.
The property is given to me for free, anyway. Maaaring makakatulong nga sa'kin pero walang kaso kung kukunin din. It's not even something I couldn't live without. Hindi rin naman ako inobliga ng magulang ko na kunin.
Kung sa palagay ko raw ay sobra at hindi ko kayang i-handle, pwede ko rin naman daw tanggihan. Okay lang rin naman talaga kung bawiin man sa'kin. Sa ganon, makakapag-focus ako sa law school.
Ayoko nang may magamit pa laban sa'min ni Jayden kaya kung sa palagay ng Lola ay utang na loob ang ginawa kong pagtanggap doon, ibabalik ko iyon sa kaniya.
Tumango si Tita Chanel. Ngumiti rin sa'kin.
"Saan ang tuloy mo ngayon?" pag-iiba niya.
"Sa condo po ni Jayden," sagot ko.
When Jayden left three days ago, I really went to his condo and spent my nights there. Hindi naman tumutol ang mga magulang ko dahil malaki na ako.
"Bring some snacks. I baked some cookies."
Tumayo si Tita Chanel saka kumuha ng microwaveable container para paglagyan. Kinagabihan, dumiretso ako sa condo ni Jayden.
The unit is very neat and new. Ang sabi niya kailan lang niya ito nakuha at kadalasanan pa ring sa bahay nila siya nananatili. I somehow thought it's because he wanna make up to his mother for being unable to spend some of his times with her.
Wala pang gaanong laman ang mga cabinets. Nag-grocery lang kami bago siya umalis para raw may magagamit ako. He installed appliances for my use. He even upgraded his television area to a home theater style para kung gusto kong manood, dito na lang.
Nahiga ako sa kama niya pagkarating dahil sa pagod. It just smelled like him. Minsan nga, mahihirapan pa akong magising sa umaga kasi parang katabi ko siya.
I took a long hot bath after resting. I filled the tub with warm water and scented body wash before I soaked myself in. Pati sa banyo, nilagyan niya ng maliit na television kaya doon ako nanood imbes na sa home theater niya.
I was in the middle of a romantic scene and indulging in the hot bath when my phone rang. Nakalagay iyon sa bathroom vanity sa gilid ko.
Hindi ako naghinay-hinay at sinagot kaagad. At this late night, there's only one person who'll want to talk to me and I'll want to answer. New York's twelve hour difference with Manila time didn't hinder him from calling me.
BINABASA MO ANG
I Brought My Heart To Hong Kong
Ficción GeneralHailey Fajardo only wanted to go to Hong Kong to spare some time for herself while she moves on from her feelings towards her bestfriend, Zywon. The plan just seemed to backfire when she's forced to go with him, together with his girlfriend, Chloe...