Chapter Thirty-Seven: Fight

224 17 2
                                    

Chapter Thirty-Seven
Fight

It wasn't right to just leave like that. Pero kung ganoon lang din ang maririnig ko sa harap ng hapag, mas maigi nang umalis na lang.

Being unable to defend Jayden and his family from what came from Kingsley's parents made me disappointed with myself. But I know better than starting an upheaval with people I'm not familiar with.

Hindi naman kasinungalingan ang utang. But the things they said about Chloe and Jayden, they sound like downgrading them. Hindi ko nga alam kung bakit concern nila ang problema nila Jayden. What a typical Asian family... always gossips about other people's business.

"Dito na lang po."

Pinara ko ang taxi at nagbayad. Minadali ko talaga ang pag-alis at sumakay agad sa unang taxi na nasa taxi bay ng hotel. Inaasahan ko na agad na pag-iinitan ako ni Lola sa ginawa kong pag-alis.

I could have let the taxi drop me off by our house pero mas pinili kong magpababa sa bahay nila Jayden. I want to blow off steam. I didn't like what I heard from Kingsley's parents. I'm not blaming him though. In fact, I was brushed of the way he warned his parents midway.

Tiningnan ko ang oras mula sa relo ko. Jayden must be out of school now. Nanatili ako sa gate nila nang hindi niri-ring ang doorbell. Madilim ang buong paligid ng bahay kaya baka pauwi pa lang siya.

I looked at a window on the second floor. I suddenly thought about Chloe and the things said about her. Totoong umalis siya pa-New York pero hindi nila kailangang pag-usapan na para bang napilitan at kawawa siya sa pag-alis. Chloe went there to pursue her dreams too. She won't lose on that.

"Almira?"

Jayden's voice came out from nowhere. Mabilis ko siyang nilingon nang marinig siya. Nakatayo siya sa hindi kalayuan. Nakauniporme pa kaya alam kong kagagaling lang niya sa school. His backpack is even hanging on one of his shoulders.

Mabilis ko siyang nilapitan at niyakap. He was caught in surprise. Hindi ko iyon pinansin at hinigpitan pa ang yakap sa kaniya. There's still that subtle scent of grapefruit in him. Ang bango pa rin kahit patapos na ang araw. Ako nga itong nag-dinner lang pero halos magmukha nang patulog.

"Ganda mo," bigla namang niyang sabi.

Namula agad ang pisngi ko.

"Na-miss kita," tanging nasabi ko.

I heard him chuckle. Hinaplos niya ang buhok ko. I moved back so I can see more of him. He held the side of my waist and stared at me innocently.

"Tapos na ang dinner?"

Tumango ako. Pinagmasdan ko ang madilim na bahay sa loob. "Can I stay with you for a while?"

Tumagal muna ang nag-iisip na tingin ni Jayden sa akin bago siya nagsalita.

"Tayo lang dito. Gusto mo pa rin pumasok?"

"Bakit hindi?"

He pressed his lips firmly. Biglang umiwas ng tingin bago inakay papasok sa loob ng bahay nila. Pagkarating sa loob, naupo ako sa may sala habang nagpaalam siyang magbibihis lang saglit sa taas.

I Brought My Heart To Hong KongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon