Chapter Twenty-Two: Happy

305 25 18
                                    

Chapter Twenty-Two
Happy

It was Lolo Edward and Tito Crimson who arrived after a few minutes. Balisa si Tito Crimson nang marinig ang balita, nag-aalala ng sobra sa asawa niya.

Katulad din ng paninigurado ni Jayden, walang nangyaring masama at ligtas ang panganganak ni Tita Erine. It gave me a sense of relief when the doctors said it themselves. She was able to safely give birth to my cousin, Jianelle.

A thorn was removed from my spine after the good news. That's just what I wanted to hear after lodging in the hospital for almost two hours. Hindi man ako pinapasok nang matapos, hindi na rin ako nagpumilit pa.

"Take my granddaughter with you, Jayden," utos ni Lolo matapos umalis ng doktor.

Kaagad ring bumaling sa akin si Lolo at niyakap ako. Naramdaman ko pa ang pagtapik niya sa balikat ko.

"Everything's fine now, hija. Your Tita Erine is all right because of you. Magpahinga ka na muna at alam kong pagod ka. Bibisita ulit tayo bukas."

Tumango ako at nagpaalam na rin. Si Tito Crim pa lang ang pinayagang pumasok sa loob. Uuwi rin si Lolo kapag dumating na si Lola Hilda na abala pa sa hotel.

Sabay kaming umakyat sa hagdanan ni Jayden nang makauwi. Nasa likod ko siya at tahimik na nakasunod. I wouldn't be out of shock if it wasn't because of him. Baka hanggang ngayon, tulala pa rin ako kung hindi lang niya ginawa 'yon.

Kaagad nag-init ang pisngi ko nang maalala. Damn, he did that. He stole a kiss from me; on the tip of my nose! Napahawak tuloy ako sa tungki ng ilong ko.

Ang sabi niya kalimutan kong umamin siya. Tapos ngayon, hahalikan niya ako sa ilong! How can I forget his confession when he kissed me?

Nakakainis ka, Jayden Parker!

Hindi pa man ako nakakapag-isip ng tama, may humawak na agad sa braso ko. Huminto ako sa paglalakad dahil sa hablot ni Jayden.

"Baka lumagpas ka na naman," paalala niya.

Lumakas ang tibok ng puso ko. Still, I acted casually. He ruffled my hair and turned his back to me.

"Magpahinga ka na. Maaga ka pa bukas."

I nodded like an obedient kid.

Pinanood ko siyang maglakad palayo habang nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto ko. The night is quiet. Tapos kami lang dalawa ang nasa hallway.

"Jayden," mahinang tawag ko.

Tumigil siya at nilingon ako. Nang nagtama ang paningin namin, gusto ko na lang tumakbo palayo. Pero ayokong sayangin ang pagkakataong nasa harap ko pa siya at hindi umiiwas.

What if he felt embarrassed that he kissed me and wanted avoid me again?

"You stole a kiss from me," I said straightly. His lips parted. Na parang siya rin ay hindi makapaniwalang nagawa niya 'yon. "Gusto mong kalimutan ko rin?"

He blinked in surprise. Napakamot ako sa ulo. I want to thank we're a few distance apart because he might hear my heart beating rapidly.

"Ang gulo mo rin kasi. You told me to forget your confession. Tapos bigla mo akong... hahalikan? Kahit sabihin mong sa tungki lang ng ilong ko."

I Brought My Heart To Hong KongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon