Chapter Fourteen
CuteI was sure helping Jayden that way wasn't the smartest move but I also do appreciate him for thanking me. Hindi naman niya inisipan ng masama. Maybe it was the adrenaline that made me settle in a stupid move in a haste.
May mga pagkakataong talagang hindi mo maiiwasang hindi mag-isip ng tama. Lalo na kapag nagmamadali at nagpa-panic. Kaya siguro nasabi kong boyfriend ko kasi Jayden kahit hindi naman. At least, without Al seeing, I was able to shove girls away from the love of her life.
That's right. That's just about it.
It's been two weeks since our stay in Hong Kong. Finally, I was able to convince Won to go to the Oceanpark. Nakapagpaalam na rin ako kay Lola. She did agree but she insisted on having Kuya Gerard drop us off and pick us up from the park.
"Hello, Al!" bati ko sa kabilang linya. "We're here!"
Iniharap ko ang phone ko sa entrance ng Ocean Park. Sobrang lawak nito at may magkabilang post sa gilid. Sa entrance pa ng park ay may malaking signage na Ocean Park.
Ngayon na nandito na kami, naisipan kong tawagin si Al para kumustahin. Mukha ring wala siyang ginagawa ngayon kasi madali ko siyang na-contact. Ipinakita ko sa kanya ang labas ng Ocean Park. Madaming turista ang nagsisidatingan at nag-aalisan.
"Ang ganda," aniya nang makita ang paligid.
"Keep in touch. Igagala kita."
Hindi ko binaba ang videocall at hinayaang makita ni Al ang view.
"Let's go inside." excited na sabi ni Chloe at inilapit ang mukha sa screen ng phone ko. Inilapit ko ang speaker ng earphone ko sa bibig ko. "Pasok na tayo, Al."
Sabay-sabay kaming pumasok. Mahaba-haba rin ang pila papasok. Nahirapan pa kami. There are checkpoints we must go through before we could finally settle in.
"Where's the map, Hails?" tanong ni Zywon.
I motioned my bag to him at tumalikod ako para siya na ang kumuha para sa akin. Nang magtama ang tingin namin ni Al sa screen ay kinindatan niya ako.
"What?" I asked.
"Nothing."
Tumawa siya. I rolled my eyes at nagpatuloy sa paglalakad.
"Almira, watch your step."
Dahil na din sa pagkatutok ko sa phone muntikan na akong makabangga ng tao. Buti na lang at nahila ako kaagad ni Jayden para makaiwas.
"Sorry." Napakamot ako ng ulo. "Thank you."
"Tumingin din kasi sa dinadaanan, Hailey," sermon ni Chloe.
Tumawa lang ako sa sinabi ni Chloe at naunang maglakad.
"Si Jayden ba 'yong tumawag sa'yo ng Almira?" biglang tanong ni Al.
Tiningnan ko siya mula sa screen. "Ah, oo."
"I see." Tipid itong ngumiti. "Okay, you should enjoy your trip, Hails!"
Based on how she sounded, she didn't like what she heard. Tinanaw ko sina Won sa likod ko na abala sa pagtingin sa paligid. Si Jayden naman, nakatingin ng diresto sa harap kaya nang lumingon ako sa likod, nagtama ang paningin namin. Umiwas agad ako ng tingin.
I wanted to tell Al not to give a meaning about it pero natatakot din akong baka tanungin niya kung bakit parang guilty ako. Kaya sa dulo nagpasalamat na lang ako bago niya ibaba. Tinext ko rin si Al na makikibalita na lang ako ulit. We proceeded with the day.
BINABASA MO ANG
I Brought My Heart To Hong Kong
Aktuelle LiteraturHailey Fajardo only wanted to go to Hong Kong to spare some time for herself while she moves on from her feelings towards her bestfriend, Zywon. The plan just seemed to backfire when she's forced to go with him, together with his girlfriend, Chloe...