Chapter Three: Arcade

515 39 21
                                    

Chapter Three
Arcade

Won:

Hails, Chloe and I are going out. Gusto mong sumama?

'Pagtapos basahin ng text, dali-dali kong tiningnan ang kalendaryo sa phone ko para tingnan kung anong meron.

Napakagat ako ng labi saka nagtipa ng reply.

Ako:

Okay lang ako. Go ahead, Won. Magkakape rin kami ni Dad sa labas.

Nag-reply naman siya kaagad.

Won:

Alright. Take care, Hails. Ikumusta mo ako kina Tito.

Napahiga ako sa kama ko at napatitig sa kisame. Ginulo ko pa ang buhok ko.

Just when will I get over this?

Maya-maya rin ay naisipan kong tumayo at lumabas ng kwarto kaysa magmukmok. Sinilip ko ang kwarto ng mga magulang ko pero wala sila roon. Sinunod ko ang opisina nila at nadatnan silang nag-uusap habang may ginagawa.

Kumatok ako kahit bukas ang pinto. My parents do not like me going inside their office without their permission. Everything here is important and confidential, na kahit ako bawal pumasok ng basta-basta.

Nang makita at tanguan lang ako ni Dad ay saka ako pumasok. Hindi naman ako napansin ni Mom dahil abala sa kakalipat ng pahina ng ilang papeles.

"Harper, you know how busy we are so we can't really call it a break," she told him.

Mom was on her desk parallel to Dad's. Nanonood si Dad sa ginagawa ni Mom sa desk niya habang hawak-hawak ang tasa ng kape. Tumango siya sa sinabi ni Mom.

"I know," Dad responded. "Maiintindihan 'yon ni Mama, Lucy."

Napasandal ako sa pader sa gilid ko, walang alam sa kung anong pinag-uusapan. Lumingon sa'kin si Mom ng saglit nang mapansin ang presensya ko. Bumalik din muli sa ginagawa.

"Anyway, if Hailey wanted to, she could go. Matagal-tagal na rin simula noong huli siyang nakita ng Lola niya."

Nagpalitan ang tingin ko sa kanila. Dad must have seen my curious interest in the topic.

"Your grandma, Hailey," panimula niya. "Nag-imbita para magbakasyon sa kanila sa Hong Kong. Kaya lang may kaso pa akong hawak ngayon." Tumingin pa sa direksyon ni Mom. "Ang Mom mo rin meron."

Tumango ako sa sinabi. Hong Kong sounds good for vacation. Si Lola Hildana, Mama ni Dad, ay doon nakatira kasama ang asawa at isa pang anak niya.

It'll be nice to see Lola Hilda dahil matagal ko na rin siyang hindi nakakasama. But if Mom and Dad won't be able to because of work, it might not be more enjoyable. Hindi ako dependent sa magulang pero mas gugustuhin ko namang kasama sila kapag umalis.

"Do you want to?" tanong sa'kin ni Dad. "That'll be a good break. Panigurado ring matutuwa ang Lola mo kapag nakita ka."

"We can't really spend full time on you too, anak," Si Mom. "Baka kung naroon ka, mas mag-eenjoy ka."

Ngumiti lang ako. "Don't worry so much about me. Okay lang naman po ako rito."

Kumbinsidong tumango si Mom doon. "Kung sabagay, nandyan naman si Zywon at mga kaibigan mo."

Just by hearing Zywon's name from Mom made my heart pound. Napakagat ako sa labi habang kaswal na umiiwas ng tingin.

Mom, why remind me of him? Sinusubukan ko ngang huwag isipin ang lalaking 'yon at ang date nila ngayon!

I Brought My Heart To Hong KongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon