Chapter 18

61 0 0
                                    

I promised to myself that night na bibigyan ko siya ng 7 best days ever. I have one week para makasama siya. Para kahit malayo siya, maalala lang niya yung best days ever para di na siya malungkot.

Day 1

"Louie! Dito tayo" hinila ko siya sa mahabang pila ng Space Shuttle.

The way to make him fall in love with you even deeper, is to date him at an amusement park.

Nabasa ko yan sa isang article sa internet. Why amusement park? Kasi dito nailalabas ang adrenalin rush ng isang tao, because of that rush mas lalong bibilis ang tibok ng puso mo.

Ngayon ko lang nalaman na you can do whatever you want him to do but not riding on "deadly rides". I just laughed on him nung muntik na siyang magwalk out nung malaman niyang sa Enchanted Kingdom kami pupunta.

"Babe kain muna tayo. Nagugutom na ako" sabi niya.

"Palusot mo. See, we are halfway there. Bawal na umatras. 30 minutes na tayong nakapila dito"

"Yun na nga eh. Kaya ayaw kong sumakay dito ang haba ng pila"

"Chill lang. Promise masaya to" nagulat siya nung biglang may sumigaw. Sigaw nung mga taong nakasakay sa Space Shuttle.

At last!

"Can we back out now?" sabi niya nung nakaupo na kami. Pinili ko talaga sa pinakadulo para mas exciting.

"Don't tell me na naduduwag ka?" I put on my parang seatbelt and inayos ko yun.

"Ako?! Pssh rides lang yan. Gutom lang talaga ako" sus ang yabang ever.

"Yabang. Let's see" then the coaster went slide upward. Yung iba sumisigaw na pero yung katabi ko sobrang tahimik.

I can feel the cold breeze and I can see from here the sites of Sta. Rosa, Laguna.

"Oy wag kang pumikit. Walang thrill yan" maya maya ay mabilis na dumausdos pababa yung coaster. Talagang mapapatili ka pagbaba. Feeling ko naiwan yung kaluluwa ko sa taas.

All I can hear is shout from other people. Lalo na sa katabi no kanina pa sumisigaw at nagmumura.

"Fuck! Fuck! AYOKO NA!" one of the example. Pero sa lahat ng sinigaw niya, it's like one of my favorite soundtrack.

"I LOVE YOU PAULA BIANCA PABUNA!!!" imbis na matakot ako dahil sa rides, mas umiral ang kilig sa katawan ko. Wala akong pakialam kung umiikot na kami pabaliktad or ano yung itsura ko sa picture, basta makita ko lang si Louie, ayos na sa akin yon.

"Oh bakit tahimik ka? Wag mong sabihin mas natakot ka pa sa akin?" payabang na sabi niya habang tinatanggal yung seatbelt.

"Asa ka! Sino ba yung mura ng mura dyan?"

"Okay fine. Tara nagugutom na ako"

"Later na. Jungle log muna tayo" and I saw his jaw fell down. HAHA genius to man! Isang pamatay na rides na naman to.

Sumakay kami sa Rio Grande, Flying Fiesta at kung saan saan pa. Siguro naka thousands na mura si Louie sa tuwing sasakay kami ng rides.

Last na sinakyan namin ang Ferris Wheel. Siguro ito yung rides na hindi nakakatakot for him. Sakto at may fireworks display ngayon.

"Woah! Ang ganda!" namangha ako sa iba't ibang kulay ng mga fireworks. Parang magic. Napalingon ako kay Louie na kanina pa tahimik.

"I wish we could stay like this, forever" tumabi ako sa kanya at niyakap siya.

"We can. Madami namang ways" I want this time to be stronger. Kasi kapag ganitong drama, iiyak na ako. It's totally unfair. Weeks pa lang kami pero maghihiwalay kami.

"Kapag nandun na ako, I can't hug you like this"

"Five years is not long enough to wait, Louie. As long as we are holding on to each other, di uubra ang sumpa sa long distance relationship"

"Promise me one thing, kahit wala ako dito keep yourself happy. Don't think too much of me baka sa mental na kita dalawin" binatukan ko siya ng sobrang hina. Ang yabang!

"Promise. Basta wag mo akong ipagpapalit sa mga koreana dun. Masasapak talaga kita"

"I won't. Never"

Magkabilang Mundo

by Jireh Lim

♪♫

Dito ay umaga at diyan ay gabi. Ang oras natin ay magkasalungat. Aking hapunan ay iyong umagahan

♪♫♪

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanta niya. Onti na lang iiyak na talaga ako.

♪♫♪

Ngunit kahit na anong mangyari, balang araw ay makakapiling ka

♪♫

Balang araw, makakapiling ka. Balang araw, isang langit na lang ang makikita nating dalawa.

The 11 Painful ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon