Chapter 7 Part II

447 10 0
  • Dedicated kay Khimberly Jhein Catapang Atienza
                                    

“Uy may hindi ba kami alam?” tanong ni Kate. Sabay sabay  silang lima tumingin sakin. Yung matalim na tingin. Basta pag chismis hay nako mas mabilis pa sa alas kwatro.

“Ano ibig sabihin nun friend?” Charmaine. Tapos kinulit na nila ako ng kinulit. Actually di kulit ee kundi pangbubully.

" Hehehe we're friends. Again?" normal kong sabi. Wala naman siguro akong ikabahala kasi yun naman talaga yung totoo.

"Weh friends lang daw" Vannezza. Tignan mo tong mga to tanong ng tanong ayaw naman maniwala.

“Or more than friends? Gosh Paupy totoo ba to? May himala!" singit naman ni Charmaine. Bago pa bumanat ang dalawang natitira na sina Aica at Christine dahil sa walang ending to

“Okay tama na mga chismosa wala naman akong dapat iexplain sa inyo eh. Balik kami ulit sa dati. Ok satisfied na ba kayo?” halos magusok ang ilong ko sa sobrang high blood sa mga to. Kasi feeling ko lang talagang ipipilit nila kahit wala. Maissue sila.

"Anyare? Di ba last time sobrang scary pa niya sayo?” tanong ni Aica.

“Ang weird niyo talaga. LuPa” Christine. Ayan na naman siya sa "Couple Code" daw namin. Ang chaka lang talaga pakinggan.

"Basta! Long story yun, tinatamad ako magexplain. Ang mahalaga ngayon back to normal na ang lahat" kahit naman ako di pa din makapaniwala. Like parang kahapon lang iba yung trato niya sa akin. Di ko alam kung may lahing bipolar yun.

And that's it. Uwian na. Yun lang naman yung dahilan para pumasok kami ngayon eh. Limited stock lang daw yung kit. Ang daming alam.

Habang nagaayos ako ng gamit, may humigit ng kamay ko at walang santong kinaladkad ako palabas.

“Yah! Saan ba tayo pupunta? Bitawan mo nga ako ang sakit kaya” Pero hindi umiimik ang loko. Patuloy pa din siya sa paghila sakin este pagkaladkad sakin. Ano ba kasi problema nito buti na lang nakuha ko yung bag ko. Hindi pa din niya ako binibitawan hanggang sa sumigaw na ako

“ANO BA?! SAN MO BA AKO DADALHIN?” galit na ako swear. Masakit sa kamay yung ginagawa niya

“Basta. Just follow me, can you?" okay this is a scene. Nasa gitna kami ng catwalk at napatingin yung ibang studyante.

“Oo na" hindi pa din niya ako binitawan pero ang the best dun, hinawakan niya yung kamay ko. Halos manigas na lang ako dun. Hanggang sa natanaw ko na yung University garden.

Walang gaanong tao ngayon dahil may klase pa yung ilan. Masarap talagang tumambay dito. Dinala niya ako sa ilalim ng puno.

Naupo na lang ako sa tabi niya. Kinuha niya yung gitara niya at isang music notebook. Nagsimula siyang magstrum at hindi ko alam yung tinutugtog niya.

I dunno kailan pa natutong tumugtog to. Nakita ko yung song sheet niya tapos may title na “I do, I love you” inlove siguro tong mokong na ito.

Sulat bura ang ginagawa niya. Hmmp di man lang ako kausapin ng isang to. Bahala siya, bored na ako eh. Kinuha ko yung phone ko at sinalpak ko yung headset ko.

“Here I am again tonight. Forcing laughter, faking smile. Same old tired lonely place. Walls of insincerity shifting eyes your -“

Bigla niyang hinablot yung headset ko.

“ANO BA PROBLE---“ pinutol niya yung dapat sasabihin ko

“Ang ingay mo. Nadidistract ako sa boses mo”

“What?! FYI hinila mo ba ako dito para titigan lang yang ginagawa mo? Ugghhhh for God’s sake"

"Hindi ba babawi ka pa sa akin” bumulong siya sa tenga ko. Napalingon ako sa kanya. Shemay,ang lapit na ng mukha ko sa kanya.

The 11 Painful ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon