Chapter 20

65 1 1
                                    

Mabilis lumipas ang seven best days ever. Sa loob ng mga araw na iyon, iba't ibang masasaya at memorable memories ang ginawa namin.

Nakikita ko ang dami ng taong namamaalam sa mga taong mahal nila sa buhay na paalis ng bansa. Yung mga pamilya nila na maiiwan dito umiiyak, yung iba naman masaya sila.

Ano bang mga dahilan ng pagalis nila? Para mabigyan ng magandang buhay ang mga mahal nila sa buhay, mabisita ang ibang lugar o maninirahan ng tuluyan sa ibang bansa?

So, this is it.

"Oh babe wag kang iiyak" sabi niya habang nakayakap ako sa kanya. Siguro mga ilang minuto na din kaming ganito.

Kasama ko ang pamilya at ibang kaibigan ni Louie sa paghatid sa kanya sa airport. 3:30 pm ang flight niya.

"Di ako iiyak. Bakit naman kita iiyakan?" sinungaling ka Paula. Anong hindi ka iiyak? Bakit may luha ng namumuo sa gilid ng mata mo?

"Shhh" niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit tapos hinalikan niya ang buhok ko. Binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.

"God. Paano ako aalis nito? Ngayon pa lang namimiss na kita" this time umiiyak na din siya ngayon.

"Pwede bang huwag ka na umalis?" pabulong ko sabi sa kanya.

"Pangako babalik din ako" hinawakan ko ang mukha niya.

"Wag kang mangako, gawin mo. Maghihintay ako. Dito lang ako basta wag kang bibitaw huh?" isang paniniguradong sagot ang gusto ko marinig sa kanya.

"Oo, hindi ako bibitaw. Be a good girl habang wala ako. Lagot ka sa akin kapag may nagsumbong sa akin" pinitik niya yun noo ko.

"Aray" reklamo ko. Hinimas ko yung noo ko.

"Oo brad kami ng bahala diyan kay Paula babes mo. Basta yung deal natin" sigaw ni Nikko mula sa likuran namin.

"Anong deal yun huh?" tanong ko sa kanya.

"Bro's codes babes. Pagdating ko mag oonline ako agad okay? I love you forever. I will miss you so much. Ingatan mo yung sarili mo and wait for me"

"Of course I'll do it. Sobrang mamimiss kita and take care of yourself. I love you so much." hinalikan ko siya pero smack lang.

"Pabaon ko yan plus itong powerhug" niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Maya maya ay naramdaman kong yumakap na din ang buong tropa.

"Naku malalate na si Louie sa flight niya" kailangan pa niya magcheck in two hours before his flight.

Nagpaalam na din ang pamilya niya sa kanya sunod ang mga kaibigan namin. Lahat kami malungkot sa pag alis niya. Hinila na niya yung maleta niya at kumaway sa amin.

Hindi ko mapigilan umiyak. Ganito pala yung feeling na iiwanan ka ng taong mahal mo. Yung buhay mo mawawala. Sa huling pagkakataon, pwede bang gumawa ng eksena?

"LOUIE!!" lumingon siya. Tumakbo ako papalapit sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

"Ni hindi pa ako nakakapag bye bye sa iyo"

"Sigurado kang yun lang?" ngumisi siya na nakakaloko.

"Oo yun lang. Ano pa bang inaasahan mo? Oh goodbye" sabay suntok ng mahina sa chest niya. Woah ang hard. Shems paano na lang kung may koreanang makasuntok dito. Nah di ko maimagine.

"Sadist. So see you then. I'll be back. It's just quick as a blink of an eye. Don't forget to send me pictures alright" tumango lang ako at ningitian siya.

"Got to go. Take care of yourself. Saranghaeyo" tapos nagform pa siya ng heart shape. Yiiee so kiligs. Di pa din ako umaalis sa puwesto ko kahit hindi ko na siya maaninag. Mali eh, tulala ang tamang term.

"Anak" naramdaman kong niyakap ako ni Tita Isabel, mommy ni Louie.

"I know it's hard and tough. Tatagan mo yung sarili mo for him. I knew ikaw lang ang gusto ng anak ko. Kahit wala si Louie, you're always welcome sa bahay and get togethers. Focus ka na muna sa pagaaral okay?"

"Aww thanks po tita" niyakap ko ng siya ng mahigpit. Ang swerte ni Louie dahil may ganito siyang nanay hindi sa naiinggit ako dahil mahal ko din si mama, iba iba kasi yung pagmamahal ng nanay sa mga anak nila.

"Paula, anak kaya natin to. You're part of the family now. Wag lang gumawa ng kalokohan si Louie dun, tiyak pauuwi ko yun dito. Aba walang nagpapaiyak ng babae sa lahi namin" sabi naman ni tito Rudy, father ni Louie.

Kahit wala na siya, masaya akong nandito sila, ang pamilya niya. Kahit papaano mababawasan ang takot at pagaalala sa kanya.

"Friend" sabay lapit nila Aica sa akin. Niyakap nila ako.

"Oh tissue baka kailangan mo" inabot sa akin ni Vannezza ang isang roll ng tissue.

"Salamat"

"Wag ka na umiyak girl. Hindi ka pagpapalit nun sa mga magagandang retokada. Iba pa din ang natural beauty te" sabi ni Aica.

"Oo nga. Tama na ang drama di bagay sa atin" si Kate.

"Eh paano ako wala ba akong hug?" si Nikko.

"Tse. Ayan, si Aica yayakapin ka" sabi ni Charmaine.

"Like eww. PDA besides di ko pa boyfriend yan kaya wala siyang karapatan dikitan ang balat ko" pag-iinarte niya.

"Oh girls, di porket wala na si Louie ay malungkot tayo. Tara kain tayo sa dampa, alam kong nagugutom na kayo"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The 11 Painful ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon