tiktok
tiktok
tiktok
tiktok
Ang tagal naman ng oras as usual nasa boarding house ako ngayon at walang kasama. Ang hirap kapag walang kasama sa kwarto.
Panis na nga ang laway mo at ang worst dun mababaliw ka na.
Graduate na kasi si ate ko kaya ako na lang magisa dito sa kwarto. Sayang naman yung pera ko pamasahe at hassle ang biyahe kung uuwi ako sa Batangas.
Namimissed ko na sina nanay, tatay, si bunso at sila Potpot at Winter.
Bakit kasi dalawang araw lang yung pasok sa school tapos Wednesday at Saturday pa ang schedule. Nganga sa ibang araw pero ayos lang naman kasi may OJT pansamantagal muna ako magtitiis.
Sayang wala sina Vanezza at Paula kasi umuwi sila sa kanila. Kaya tengga muna dito hindi makapag-gala. Sana may OJT na para hindi everyday lonely.
Sino naman tong nagtext?
One Message Received
From: 0917******
labas ka. andito aq sa lbas ng boarding house mo :)
Teka sino ba to? Unregistered number eh. Saka paano niya nalaman na nasa boarding house ako? Baka naman isang kidnapper to?
O di kaya rapist?
O di kaya serial killer?
O di kaya ?
Takte walang pangransom sila tatay. Ano na lang ang sasabihin nila? Baka ibenta na ni inay yung baboy niyang alaga.
Tsaka hindi ko pa nakokolekta yung happy meal na Hello Kitty sa Mcdo. Ang cute pa naman nun.
Hindi ko matiis kaya tinignan ko muna siya mula sa bintana for sure mas safe dito kesa sa pintuan ko siya salubungin di ba?!
Eh ?! May cute na nilalang sa baba ahihihi.
Joaquin San Juan lang ang outfit kaya lalo siyang naging cute. Okay alam ko mas bata sya at baka mabantay bata 163 ako
18 still in TEEN kaya exempted pa din ako.
"Pssssstt" sitsit ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at ningitian ako.
"Tinay !" ehh yan tuloy lalo siyang nagiging cute. Yung dimples niya ? Ahihihi
Nagayos muna ako ng mukha at nagbihis ng maong shorts with matching loose shirt na may smiley yung design tapos a pair of red keds.
Hassle naman kung magusap kami ng ganung setting noh? Rapunzel lang ang peys. Bumaba ako at tumambang sa akin ang cute na nilalang na ito.
"Hi" he said to me with his cutest smile. Medyo nahihiya pa siya.
Shiyet I need CPR from him?! Syempre joke lang yun.
"Uy ano ginagawa mo dito ? Saka paano mo nalaman na dito ako tumutuloy?"
"Google? FB? Twitter? Place? Hehehe" he said habang nagkakamot ng ulo.
"Hay nako Darrel ikaw na madaming alam. Bakit ka nga pala naligaw dito? May kelangan ka ba?" Yes he is Darrel James Villamor. 16 years old. Like I told you mas bata siya sa akin.
Sabi niya liligawan daw niya ako kaso ang awkward kasi mas bata siya sa akin so feeling ate lang. Age is just a number. Mas mature siya sa akin at gusto ko ang pagiging music lover niya. Ka schoolmate ko siya dati at kilala siyang Cassanova kaya naman nagdadalawang isip pa ako.
"Surprise I t-think?" sus kinabahan pa.
"All the way from Batangas lumuwas ka pa dito para surpresahin ako?" halos malalag ang panga ko sa sinabi niya, pero counted ang effort niya. Lupet man !
One point for that. Aba hindi biro tong ginagawa niya. Ibig sabihin seryoso siya ? No way !
"Ayaw mo ba? Orayt uuwi na lang ako" malungkot niyang sabi tas tumalikod siya.
No! No! I mean hindi yun ang ibig kong sabihin hehehe" pinigilan ko siya. Nakita ko sa mukha niya ang disappointed.
Ayaw ko talaga siyang nandito kasi naman baka maligaw to dito at ako pa may kasalanan T.T Lagot ako sa nanay niyan kasi mawawala pa ang unico hijo nila.
"I guess pede ka ngayon lumabas?"
"Uuhm" napaisip muna ako. Nahihiya din naman ako sa kanya kahit papaano.
"Ang cute ng ribbon sa ipit mo bagay sa buhok mo at bagay sayo. Sana kahit tayo bagay din sa isa't isa" sabi niya.Nakuha pa niyang maging cheesy aah.
Feeling ko namumula na ang pisngi ko sa sinabi niya. Eehh ayaw ko ng ganung feeling.
"Aahh. Uhhmmm sige alis tayo basta treat mo" para akong bata biglang sumukbit sa braso niya.
"Sure" and then he smiled. I smiled back. Ang cute po niya talaga.
Yeah that smile the reason para mainlove din ako sa kanya. There is a feeling of falling in him pero I need assurance. Asset niya ang smile niya kaya baka isa to sa mga ninja moves niya.
Saka masyado pa siyang bata kahit anong sabihin natin. Mamaya niyan asarin ako ng PINKAM.
Paalis na kami ng biglang,
"Christine !" napalingon kaming dalawa ni Darrel sa tumawag sa akin.
"ERICK?!!" Ano ginagawa niya dito? Teka nagoogle din ba niya ang boarding house ko?
Erick Asuncion ?
And now I'm stuck with these two lovely boys.
BINABASA MO ANG
The 11 Painful Things
Romance11 painful things 1. bringing back the feeling you've learned to forget 2. reminiscing the good times 3. trying to hide what you really feel 4. loving someone who loves another 5. having a commitment with someone you know would not last 6. shielding...
