Chapter 17

79 0 0
                                        

Gusto kong sabihin na Sir shit ang gwapo mo po.

"Hoy Ivan wag mong daanin sa paganyan ganyan mo si Paula. Bata pa yan, bawal yan" sabi ni Mam Ana. Binaba niya ang kamay niya at nagkamot ng ulo.

"Sus nagpapakilala lang. Saka dapat ganun medyo formal, di ba Paula?" tapos kinindatan niya ako.

"Ah eh opo Sir" hindi ako makapagsalita ng maayos. Bwisit naman kasi ito bakit ang gwapo. Yung kagwapuhan niya nakakadistract.

"Wag ng sir halos magka edad lang tayo. Pats na lang para mukhang close"

"Hay nako De Vera tigilan mo nga yang baby namin" Sabi ni Sir Ivan Galang pagpasok niya ng office.

"Wala namang masama dun eh halos araw araw kasama ko na siya dito"

"Tigilan niyo na nga si Paula nadidistract siya sa inyo. Sige na anak pagpatuloy mo na yan para matapos agad" sabi ni Mam Ana.

"Opo Mam" pinagpatuloy ko na lang yung ginagawa ko kanina.

Hindi ko namalayan uwian na pala. Ang saya sa office namin. Parang barkada lang ang turingan sa isa't isa. Hindi sila nauubasan ng kwento. Tama yan para hindi boring. Nalaman ko din na dalawang Ivan meron sila.

First, si Sir Ivan "IVAN" Galang. The first one I've met. The professional look one.

Sir Ivan Patrick "PATZ"  De Vera, liason officer siya ng Medicare (Health Insurance). The chic that everybody is talking about. Mas gwapo at manly tignan si sir Patz

Alam mo yung puro trashtalks ang usapan nila tapos may moment na ang korni ng mga jokes. Sa sobrang saya nga hindi ko namalayan ang oras. Mukhang mageenjoy ako dito.

*bzzzzt*

one message received

from: Louie <3

Nandito ako sa isang tea house sa tapat ng hospital :)

"Tara na nandyan na si Louie eh" yaya ko sa kanila. You know girl thing, bago umuwi nagaayos muna sa rest room.

"Where?" palinga linga si Aica nung nakarating kami sa may entrance ng hospital.

"Dyan sa tapat. Mauna na ako sa inyo" pero biglang hinawakan ni Aica yung kamay ko.

"Kajima (Don't go) Kailangan ko ng buong info para sa-" tinakpan ni Christine yung mukha ni Aica. Sapul men!

"Hep hep! Hoy Cundangan! Kailangan nila ng some sort of privacy you know" tinulak ako ni Christine palayo sa kanila.

"Ara (I know) ang kontrabida mo talaga. Walang habas mo pang ginahasa ang aking mukha" tapos inayos niya ang mukha niya.

"Whatever! Sige na Paupy hinihintay ka na ni Louie. Kwentuhan mo na lang kami bukas" tumawid ako tas sila naman sumakay na ng jeep.

Nakita kong nakapuwesto si Louie malapit sa counter. He's wearing black V-neck fitted shirt at checkered shorts. Binati ako nung guard nung makapasok ako sa loob.

"Hoy" medyo nagulat pa siya nung tinapik ko yung likod niya. Umupo ako sa tapat niya sabay tingin ng masama sa kanya. Ninguso lang niya yung cake at milk tea sa harapan ko.

"Kain ka muna" he said.

"Fine. You talk"

Huminga siya ng malalim. Tinititigan niya ako para sigurado siyang kinakain ko yung cake.

Leche Blueberry Cheesecake kaya ito! Favorite eh. Sumubo ako ng isa tapos nagsalita na siya.

"Babe kasi di ko naman talaga ineexpect na makakapasa ako. Tinry ko lang pero matagal na yun. H-hindi pa tayo nun. Gusto kong sabihin sayo pero humahanap pa ako ng tyempo nun and ayun nga sorry dahil sa ibang tao mo pa nalaman. Pero kung ayaw mo, then I'll turn down the offer"

The 11 Painful ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon