Chapter 5

531 10 0
                                        

Hindi ako makatulog kakaisip dun. Shit! Shit talaga! Anong ibig sabihin nun? Kalandian niya si Jeric Rama, HRM student at very well known bilang rich kid.

Break na ba sila ni Louie or sadyang two timer lang siya? Baka break na sila pero bakit ganun di ko alam. Well bukas na bukas sasagap ako ng balita. Ang kapal ng mukha niya para gawin at lokohin si Louie.

Gusto ko siyang saktan dahil ganun ang ginawa niya sa taong minahal ko, di deserving kay Louie yon. She can toy anyone. Alam na kaya ni Louie to?

Binabasura lang ng iba ang siyang pinapangrap ko.

Nagkasalubong yung landas naming dalawa. Okay lang naman sigurong tarayan ko siya dahil in the first place di naman niya ako kilala.

Mukha siyang matabang linta kung makasumbit sa suspected jowabells niya habang sweet na sweet! Leche sarap nilang pagbuhulin. Mukha naman isda yung lalaki. Walang sinabi kay Louie.

"Honey bili mo ako ng ice cream coz I want something sweet besides from you" with her flirty tone! Kung alam lang ng isdang yan na may boyfriend #1 pa si Faith.

See mukang mabait sa pangalan pero ang pangit ng ugali. Sarap niyang sampalin from East to West!

"Oh sure honey basta may kiss ako mamaya ah" hay nako kung alam mo lang FRIENDLY USER YAN !

"Surething honey" Leche ice cream lang pala ang halaga mo. Ang landi lang ni ate. Ang bitter o epal kong tignan noh pero nakakainis lang talaga. Wala ng paglagyan ang inis ko.

Kanina pa ako paikot ikot sa kama, hindi ako makapali. Iniisip ko pa din yung nakita ko kanina.

"Ugh!" sabay takip ko ng kumot. Anak ng tinapa oh! Hindi mapakali ang brainy ko. Hinanap ko ang phone ko at 3:47 am na pala. Problema ko ba yun para isipin ng ganito. Alam ba ni Louie yun or ang masama dun hindi niya alam.

Ang dami talagang unexpected at expected things at first day.

"Arrrr ano ba yan bakit ka ba isip ng isip dun? Pero baka broken hearted na siya" sabay tadyak sa hangin tas takip ulit ng kumot.

"Ano ba yan Pau? Kung may problema ka mabuti pa itulog mo na lang yan. Ang gulo gulo mo hindi tuloy ako makatulog sa iyo" angal ni ate Crystal kahit hindi ko nakikita nakasimangot na yun for sure.

"Sorry po" ginaya ko pa yung boses ni Chichay! Oo nga bukas malalaman ko din yun lahat.

Thursday Morning

Nasaan ako? Nasa heaven na ba ako kasi maulap tapos puro puti lang yung background. Mamemeet ko na ba si San Pedro yung may dalang manok pero iba yung nakita ko eh isang lalaking nakatuxedo.

Nakatalikod siya sakin at may dalang roses. yiiee sweet naman ni kuya. Mukhang may hinihintay siya aah. Siguro ako yun kasi kami na lang naman yung nandito. Harrooooo kilig much ako.

Nilapitan at kinalabit ko siya pero

♪♫♪keudaeneun nae mame onjongil noga naerin somsatang gata keudaeneun nae mame nunbushige dagaon mujigae kata naegeman deullike talgomhan moksoriro yaegihaejullae cheoeumbuteo keudae maeumdo everyday Loving me saranghae Just be my love ♪♫♪

Kinapa ko ang phone ko at sinagot ang tawag

"Oh bakit?" tinatamad kong bungad. Ang aga aga pa kasi may nangungulit na agad. Wag na kayo magulat kung walang "Goodmorning"

"PAAAAAAAAAAAAAAUUUUUUUUUUUUUULAAAAAAAAAAAAAAAA!" sigaw ni Kate sa kabilang linya. Inilayo ko agad yung phone ko sa tenga ko. Masakit lang naman sa tenga yung sigaw niya.

The 11 Painful ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon