Lubdub Lubdub
Parang tumigil na naman ang lahat. Kulang na lang magshut down ako. Napatitig na naman ako sa mga mata niya. Hindi na siya katulad ng dati. Iba ang datingan nun sakin.
Hindi ko alam kung anong klaseng mukha ang ihaharap ko sa kanya. Dapat ba akong matuwa kasi tinawag niya ako ulit? Oh kabahan ?
"Bakit?" normal kong sinabi.
Bigla siyang ngumuso.
Pffttt HAHAHA ! Natawa ako dun. Ibig sabihin ba niyan nakikipagbati siya sakin?
"Ano?!"
Ngumuso siya ulit. I don't understand bakit kailangan pa niya gawin yun eh aminin natin na gwapo siya.
"EHEM Ms. Pabuna!" nagulat ako sa sumigaw na matanda na ang boses. Napaharap ako at ayun bengga may professor na pala sa harap.
Kunwari napangiti ako "Ahehe Goodafternoon po Mam" napakamot ako sa ulo. Nakakainis naman !
"I guessed physically present ka pero mentally absent ka. Kanina ka pa nagdadaydreaming miss and you didn't notice na kanina pa ako dumating kasi napaka-busy mo sa ginagawa mong non-sense"
Napaisip ako kung talagang nagddaydreaming. Kainis unang araw ng klase pinagalitan ako.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" sabay nagtawanan ang mga bully kong classmates even him tinawanan niya ko.
"Eh sa hindi naman talaga ako mam nag-dadaydreaming eh. Malay ko bang dumating ka na sa liit mong yan makikita ba kita ? Kung pagalitan mo ako parang nanay kita huh?" sa isip isip ko yan ang gusto kong sabihin sa kanya.
Pero syempre as a sign of respect hindi ko siya sinagot. Sayang ang scholarship ko kapag sinagot ko to.
Ano pa ba ginagawa tuwing first day? Kundi yung walang kamatayan na pagpapakilala. After ng klase namin may oras kami for breaktime.
"Tssss hindi ka kasi makiramdam. Huwag mong sabihin na hanggang ngayon pinapagana mo pa ba ang pagpapantasya mo? pshhh" sabi niya bago siya lumabas ng room. Louie
Ganyan ba ka-big deal sayo ang feelings ko sayo ?! Kung alam lang niya gaano kahirap magmove on sa nararamdaman ko.
"Ano yun?" tanong ni Charmaine. Siguro medyo narinig niya na nagparinig si Louie sa akin.
I just shrugged habang inaayos ko yung gamit ko.
"So ano naman ang feeling Pau na napagalitan sa first day? Bueno mano huh hahahaha" Katerine.
"Leche!" gusto ko na talaga magpalamon sa lupa. Jackpot sa pagpapahiya sa akin kanina tapos papaalala pa sayo ng mga kaibigan mong bully.
"Pau tara C.R muna tayo" aya sakin ni Christine.
Naghanap kami ni Christine ng C.R at nakaabot kami ng fourth floor.
Bigla akong napatigil ng makita ko siya. Hindi ko alam para bang nakaramdam ako ng inggit at sakit. He is smiling wide. Parang ibang Louie ang nakikita ko ngayon.
Buti pa siya Masaya.
He is with someone else. Si Faith Romero. Girlfriend niya. That girl is everyone's apple of the eye. One of the popular people in PUP. Bagay nga sila parehas popular.
I felt pain.
Rejection.
Heartache.
Ok lang eh kasi wala akong karapatan para magselos pero bakit ganun I felt sadness everytime nakikita ko siya kasama siya.
Napatingin ako sa sarili ko. Ano bang meron sa kanya na wala ako. Actually walang walang talaga ako kung ikukumpara sa kanya. Ideal girl nga siya.
"Ang hirap talaga magmove on noh,
lalo na kung hindi naman naging kayo" natauhan ako ng tinatapik ni Charmaine ang balikat ko.
It's a sign na dapat ako naman ang maging masaya ngayon. Sa kaartehan ko ewan ko bakit kinukulong ko ang sarili ko sa nangyari.
"Oo tama ka Charmaine tama na"
"Friend hindi naman naging kayo eh kaya madali lang yan. PRAMIS!" kahit minsan abnormal ang mga kaibigan ko, pagdating sa ganyang payo na gumagaan ang loob ko.
"Pero syempre wag ka maginarte te as if naman naging kayo. Itsura mo" sabi ng malditang si Christine. Panira ng mood noh.
After namin mag-C.R nagyaya si Christine bumababa sa canteen. Tamang tama gutom na din ako.
"Bendita isa nga pong beef submarine. Tapos isang order din po nito saka isang extra rice"
"Lakas Paupy" sabi ni Charmaine. Comfort food eh.
Pagkatapos namin bumili ay umakyat na kami sa next room namin. Andun si Katerine hinihintay kami. Si Vannezza pinuntahan si Arthur tapos si Ronnica ewan kung na saan.
"Bakit na naman ba ganito mukha nito?" tanong ko sa kanila habang nakatitig ako sa kanya.
Papunta siya sa amin.
Malungkot.
xx ayayaica

BINABASA MO ANG
The 11 Painful Things
Romance11 painful things 1. bringing back the feeling you've learned to forget 2. reminiscing the good times 3. trying to hide what you really feel 4. loving someone who loves another 5. having a commitment with someone you know would not last 6. shielding...