Chapter 10

394 6 0
                                        

Don't take it back. I mean your feelings towards me. Please don't take it back

Don't take it back. I mean your feelings towards me. Please don't take it back

Don't take it back. I mean your feelings towards me. Please don't take it back

It keeps on repeating on my head. Hindi na nga ako makapagconcentrate sa kinakain ko. Masyado akong bothered sa sinabi niya. Hindi ko alam kung joke lang ba yun o seryoso.

*bzzzzzztttttt*

one message received

From: PINKAM_Aica

San ka? Punta ka na dito sa school NOW NA! for sure you will love it! ;)

Eh? Nasa school ba si Lee Jong Suk o si Song Joong Ki? Tsss malabo yun.

WTF! Seriously? 87 unread messages. Yung totoo?!

86 messages from Louie

1 message from someone, pero si Louie pa din yun, nakitext lang.

Ano na naman ang problema nito?

"HUWAAAAAA!" nagulat ako nung pumasok sina Mariz at Jane sa kwarto.

"Anyare dun sa dalawa? Naloloka na naman ba?" Tanong ni Claire, isa sa mga kaboardmate ko.

"Lagi naman eh" kumagat ako ng pandesal. Napalingon yung dalawa sa akin at lalong umiyak.

"It can't be!" sigaw ni Mariz.

"True. Lalo na sa kanya pa?" sigaw din ni Jane.

"Hoy kayong dalawa, ano na namang drama yan?"

"S-si ate Paula!"

"Anong ako? Hoy wala akong ginagawa aah" defense ko. As if naman meron, eh minsan ko lang naman pansinin yang dalawa.

"Dahil sa iyo sira na ang future namin. Dahil sayo brokenhearted kami!"

"Luh! Sige push nyo yan. Imba wala nga akong ginagawa sa inyo"

"Pumunta ka ng school para malaman mo"  tapos lumabas sila ng kwarto. Ano na naman problema ng mga yun. Mas lalo akong tinamad pumasok.

Hindi ko alam kung the best way yung pag iwas sa kanya o sadyang tanga at paranoid lang ako dahil sa kanya.

This is not so ME.

Hindi naman ako nagmadaling kumilos this day. Talagang tinatamad na lang ako.

"Ate Paula"

"Sige pasok lang" si Nichole pala.

"Ate tumawag po si kuya Louie pinapatanong po niya kung may load daw po kayo?"

"Pakisabi wala. Bakit daw?"

"Kuya wala daw" sabi niya sa phone. Ahh kausap pala niya si Louie ngayon. Problema na  naman nung isang yun.

"Ay ate anong oras ka daw po ba papasok?"

"Hindi ko pa alam" sadyang nilakasan ko para marinig niya. Iniistorbo pa ang ibang tao to spy on me? So annoying.

"Okay bye kuya. Sige ate labas na din ako. Sorry ang kulit kasi ni kuya"

"Okay lang" nagpatuloy na lang ako ulit sa pagpapatuyo ng buhok ko.

"Balita ko may event ngayon sa plaza and it is not just an ordinary event" narinig ko sa dalawang babae.

Ano kaya yun? Siguro concert ng sikat na banda.

The 11 Painful ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon