Chapter 16

103 0 0
                                    

"Yiiee gosh I'm soo excited like OHEMJI" excited na sabi ni Aica habang hinihintay namin yung iba sa entrance ng OLLH.

"Buti ka pa excited" plain kong sagot.

"Girlalu wag ka ng malungkot. We all know flylalu na si Papa L mo to KPop. Di ka ba happy dun? Di ba pangarap niyang maging singer. Eh di one step closer na siya sa dreams niya"

"May idea ka ba Aica kung gaano kalayo ang Korea?"

"Ano akala mo sakin bobita like you at hindi ko alam. Syempre malayo yun"

"Yun na nga eh. Parang ang hirap ng long distance relationship. I have trust naman pero ewan ko"

She tap my shoulder para sinasabing 'girl okay lang yan'

Sigh.

Ni hindi pa nga kami naguusap simula nung araw na nalaman ko yun. Much better kung sasabihin kong iniiwasan ko siya. Ang bad kong girlfriend.

Kumpleto na kami nung umakyat kami sa office ng HR ng OLLH. Syempre kabado kasi new environment at bagong taong pakikisamahan namin. Good thing lahat kaming PINKAM ay natanggap dito.

"Welcome nga pala sa Our Lady of Lourdes Hospital. I'm Cristina San Juan. So malaki ang expectation namin pagdating sa mga PUP students dahil madaming PUP graduates ang may regular na job position dito sa hospital. Ahh i-aassign ko na kayo sa designated departments niyo" shems this is it pansit!

"I need one volunteer na maassigned dito sa HR. May two boys trainees din kami galing FEU at dito naka-assigned. So sino sa inyo?" walang patumpik tumpik ay tinaas ni Aica ang kamay niya. Syempre ano pa nga ba?!

"Ronnica Cundangan po mam" sabi niya at nilista ni mam sa resume niya ang designated department niya. Alam niyo naman when it comes to boys, si Aica ang champion diyan.

"So ikaw Charmaine at Vannezza sa Accounting Department kayo. Tapos si Katerine sa Central Warehouse and Purchasing tapos si Christine sa Customer Relation Office at ikaw Paula sa HMO" 

Akala ko sama sama kami ng department hindi naman pala.

"Dadalhin ko na kayo sa training stations niyo para makilala niyo na din ang mga staffs at personnels dito" sumunod kami kay Mam Tina palabas ng HR office. Unang hinatid sila Vannezza st Charmaine. Sumunod si Kate tapos si Christine at ako.

Habang nasa hallway kami bigla na lang nagvibrate ang phone ko.

One message received

From: Louie <3

Sorry. Sorry sorry sorry. Sasabihin ko din naman sa iyo. Yun lang ang pangit tignan dahil sa ibang tao mo pa nalaman. Look, I don't want you to think na iiwan kita. Forever nga di ba? Ngayon pa lang namimiss na kita. I don't want to bother you on your first day sa OJT kaso hindi mo ako pinapansin. Talk to me. I'll listen and explain everything. Goodluck. I love you :*

He said he love me,right? At the moment, yun muna ang panghahawakan ko.

To: Louie <3

K. FINE! LATER NA. BUSY AKO

"Grabiti lang mga te ang pogi ng mga kasama kong trainees" bungad agad ni Aica nung makahanap kami ng upuan sa canteen. Lunch break kaya sabay sabay daw kami kakain.

"Sus anong bago dun? Malanturay ka, for sure araw araw puro pa cute lang ang gagawin mo dun" sabi naman ni Kate.

"Tse. Makaorder na nga" tumayo na si Aica then sumunod naman si Nezza at Tine para bumili. Ako?! May baon ako eh uso ang salitang nagtitipid.

"Pero eto tiyak na gwapo" napatingin ako kay Charmaine. Weeh di nga? Totoo bang nagkuwento to about sa gwapo?

"May pumunta kanina sa office na lalaki. Akala ko nga may artista kasi bigla na lang nagkagulo yung mga tao sa office" seryoso kaming nakikinig ni Kate sa kanya.

"Shemay ang gwapo sobra mga te!" at nanlaki talaga ang mata niya ibig sabihin seryoso siya.

"Ivan ata pangalan niya eh" Anooo?! Si Sir Ivan?!!!

"Teka wag mong sabihin si Sir Ivan Galang yun?"

"Yun ata yun eh. Hindi ko kasi alam yung surname basta ang naalala ko ang gwapo niya" tas kinikilig kilig pa siya nyan pero di nga gwapo ba si Sir Ivan?

Matangkad at maputi siya tas mukang pormal at professional sa lahat ng bagay pero hindi siya gwapo sa paningin ko. Siguro iba na ang standard ng gwapo ngayon.

Dapat maputi ka ganun?!!

"Narinig ko itech yan. Trulalu may gwapong lalaki ang na spot ng radar ko. Nakita ko kanina sa HR at halos maglaway sila dun" singit naman ni Aica.

"Sana naman makita ko din siya. Balita ko heartthrob talaga siya ng OLLH" sabi naman ni Kate.

20/20 pa ba ang vision ko o sila ang kailangan magsalamin na may grado na 700. Hay iba na talaga sila.

"Eh kamusta naman yung may jowa dyan?" napatingin silang lahat sa akin.

"Bakit na naman napunta sa akin ang usapan aber? Akala ko ba nagpapantasya pa kayo kay Sir Ivan?"

"Boss mo si S-sir Ivan? Seryoso?" halos mabulunan si Aica.

"Yep. Si Sir Ivan Galang. Yung hot topic niyo kanina"

"So kung boss mo siya, well then araw araw akong dadaan sa office nyo pa-" tinakpan ni Christine yung bibig ni Aica.

"Wag ka nga Aica. Segway na eh. Oh anyare na sa inyo ni Louie?" Ano ba naman tong mga to. Wala akong takas kainis!

"Maguusap kami mamaya. Pero hanggang ngayon di ko alam ang gagawin ko" sinapo ko ng palad ko yung noo ko. Sa panahon na ganito kailangan ko ng makikinig sa akin.

Ang mga kaibigan ko lang ang tiyak na makakaintindi. Sila lang naman ang saksi sa lahat. Kung iisipin ko yung about sa amin ni Louie, ngayon pa lang namimiss ko na siya.

"Pau ito yung mga listahan ng phone numbers ng mga doctors dito, kapag yung pasyente nagtanong ikaw ang mag-aassist sa kanila" tinturuan ako ni Mam Ana kung ano yung magiging daily task ko within my training period.

Siguro mahirap sa umpisa, pero kaya ko to! Isa atang Pabuna to, at ang mga Pabuna di alam ang salitang "Back Out"

"Hay nakakaasar si Ivan kagabi, akalain mo yun party animal na nga, ang chicboy pa grabe" kwento ni Mam Via habang nanonood ng T.V

"Eh kay ganda ng lahi. Nasan na ba yun aba di ko pa nakikita ngayon?" tanong ni Mam Ana. Perhaps kung si Sir Ivan ang pinaguusapan nila, grabe ang lalabo din pala ng mga mata nila.

Kung titignan mo naman kasi si Sir Ivan, mukha namang disente at professional. Ang layo ng description ni Mam Via sa kanya. Pero malay nga naman natin sabi nila may chance mag iba ang aura pag madilim ang lugar.

"Nasa Accounting inaasikaso yung bills ng pasyente"

Syempre first day hindi pa masyadong hassle ang ginagawa ko. Inaayos ko muna ngayon yung mga leaflets ng mga healthcards. At seriously, tambak yun.

"HELLO EVERYBODY" may pumasok na nilalang sa office namin. Hindi ko naman magawang tignan siya dahil busy ako sa pagaayos. You know, pa impress sa mga boss.

"Hoy Ivan san ka galing?" Sus si Sir Ivan lang pala.

"Sa taas may inasakaso lang"

"Ay si Paula nga pala. OJT natin from PUP" pagharap ko halos malaglag ang panty ko este yung panga ko sa nakikita kong magandang nilalang sa harap ko.

"Hi Paula. Ivan Patrick De Vera ng Medicare, Patz na lang for short" nilahad niya yung kamay niya para makipagshake hands sa akin.

The 11 Painful ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon