Chapter 11

374 6 0
                                        

"Ayiiieeee !!! Nandito na ang couple of the year" sigaw ng Ultimate Chismosa na si Queenie.

If I know kanina pa ako gustong sabunutan niyan pero dahil plastik siya, kunwari mabait sa harap ni Louie.

Isa siya sa mga officers ng "LAB" meaning Louie's Avid Believers at sobrang dying hard fan to. Lahat ng updates about kay Louie eh alam niya. Siguro alam din niya kung ano kinain ni Louie ngayong araw at anong oras ng pagutot niya. Hard to believe pero ganun sila.

Sabay kasi kaming pumasok ni Louie ng room buti na lang wala pang prof. Pagpasok pa lang namin lahat ng mata ay nakatingin sa amin. Yung iba ayos lang pero yung iba nanlilisik.

"LOUIE SINAGOT KA NA BA? PABURGER KA NAMAN !! BURGER BURGER" sigaw ni Joseph at sumabay na din ang iba sa pang aalaska sa amin.

"Swerte naman ni Paula. Magiging trending ang loveteam nila"

"Let's see kung may believers at bashers pero for sure madaming haters to"

"Ang sweet ni Louie kaya di impossibleng walang magkakagusto sa kaniya"

"KATAHIMIKAN!!!" sigaw ni Louie tapos tinaas pa ang dalawang kamay. Naupo ako sa pwesto ko sabay subsob ng mukha sa desk.

"MALAPIT NA TIWALA LANG" napaangat naman ang ulo ko sa sinabi niya at tinignan ko siyang ng masama. Makuha ka sa tingin huh.

"Hoy Mr. Lasconia umupo ka na sa upuan mo. Tapos na ang eksena mo kanina sa plaza" bigla kasing pumasok si Prof. Alcantara at nanahimik ang lahat.

"Manahimik nga kayo hindi kayo makamove on eh noh"

Ang ingay nila as usual syempre kami ang topic. Matutulog na nga lang ako dahil hindi ako interesado sa mga usap usapan nila.

"Oy Paula Bianca Bondoc Pabuna" sabay kurot ni Kate sa tagiliran ko.

"Aray ano ba?!!" naiiritang sagot ko sa kanya. Pagtingin ko sa kanila, ayan na naman sila sa mga reaksyon nila. Onti na lang mababaliw na ako dito.

"Seriously kung tatanungin niyo ako about kanina, no comment" sabay subsob sa desk ulit. Hindi naman na nila ako kinulit pero nagusap usap sila about dun sa eksena kanina.

"Effort kung effort si Louie kanina siguro kilig na kilig tong isang to kanina pa" Christine.

"Sana ganun yung gawing surprise sakin ni Arthur sa anniversary namin" Vannezza.

"Wag ka nga wala namang kakilig kilig sa katawan yang si Arturo" sabat ni Christine.

"Grabe si Louie noh. Kung ako yun talagang kikiligin ako much" Aica.

"Kaso hindi ka naman si Paula noh" Kate said sarcasticly

"PINKAM MEMBERS please pay attention to the reporter okay and pakigising nga Ms. Dramayo si Ms. Pabuna" sabi ni Prof. Alcantara

"Oy Pabuna, gumising ka nga diyan" sabay siko sa akin ni Kate.

Hindi ako nagising sa boses niya eh kundi sa pagsiko niya sakin. SADISTA!

Umupo naman ako ng maayos at kunwaring nakiking sa reporter. Siyempre lutang ako ngayong araw na ito. Sa totoo lang nabobobo na ako sa mga nangyayari ngayon.

Nakikita ko sa peripheral vision ko si Louie nakatitig sakin. Siguro kung may bagay na nalulusaw ng dahil sa tingin. Kanina pa siguro ako nalusaw.

"Psssh staring is rude" sabi ko at tumingin sa may powerpoint presentation. Grabe ang boring ng subject na ito.

The report is all about SURGERY. I hated math. I hated science even all the minor subjects I hate them all. Ano pang sense na pagaralan ko pa ito. I just need that diploma.

The 11 Painful ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon