Chapter 8

416 8 0
                                        

Louie's POV

Tumambay muna kami ni Paula sa garden. Gusto ko ng peace of mind. Gusto ko makalimutan yung kahapon. Buti na lang si Paula nandiyan lagi. Siya lang naman ang nakikinig at umiintindi sa akin.

“Bakit? Hindi ka pa moved on sa kanya?“ tanong niya sakin pero pinutol ko na lang kasi masakit sakin ang word na MOVE ON. Hindi ko naman kayang magawa.

“Sad to say, not yet” sobrang mahal ko si Faith. Hindi ko alam kung paano at bakit biglang ganun.

Pinikit ko ang mga mata ko. Naalala ko na naman yung araw na yon. Yung araw na namatay din ang puso ko.

Flashback

*kriiiiiingggg*

Nagising ako sa alarm clock ng cellphone ko.

HAPPY 3rd MONTHSARY MY ANGEL

Bumangon ako agad at kumilos. Nung natapos ako ay dinala ko na yung mga gamit na dapat kong dalhin. Matagal ko ng pinagplanuhan ang date na ito dahil gusto ko maging masaya siya sa araw na sinagot niya ako.

"Oh anak may project kayo sa school?" naghain si mommy ng almusal sa lamesa.

"Ah hindi po. May surpresa po ako kay Faith"

"Naku ang anak ko binata na. Sa susunod papuntahin mo si Faith dito para maghapunan. Gusto ko siya makilala"

"Opo nay. Alis na ako nay, baunin ko na lang  tong sandwich. Bye"

Habang nasa bus ako di ko mapigilang di mapangiti. Excited na excited ako para mamaya. Nilabas ko yung kwintas na ibibigay ko sa kanya. Pinagipunan ko pa to.

To: My Angel <3

Goodmorning angel ko. Happy Monthsary. Kita tayo ng lunch. I love you. Ingat ka.

Pagdating ko sa university ay dumiretso na ako sa garden. Nakita ko sila Joseph na nagseset up na.

"Pre. Ano ayos na ba to?"

"Ayos na. Salamat pre aah"

"Wala yun. Saka wag kang masyadong kiligin, halata sayo eh"

"Dapat lang akong kiligin dahil importante tong araw na to"

"Sabi mo eh. Sige akyat na ako sa room nagtext na si Steff"

Inayos ko yung set up. Gusto ko maging perfect lunch date ito para sa kanya. Tinignan ko yung phone ko pero wala pa ring text o tawag galing sa kanya.

Buti na lang wala akong pasok ngayon at madami akong oras para maghanda.

10:30 tinawagan ko yung phone niya pero walang sumasagot. Hindi pa siguro tapos yung klase niya.

12:00

“The number that you dial is temporarily not available” anong nangyari dun.

1:30

“The number that you dial is temporarily not available”

Sa unang pagkakataon hindi siya sumipot.Niligpit ko na lang yung mga gamit. Hindi na siya dadating dahil may klase na siya ng ganitong oras.

"Louie!"

Napalingon ako sa likod at may nakita akong isang anghel na papalapit sa akin. Pero yung mukha niya hindi ko maipinta.

LOUIE?! Ngayon lang niya ako tinawag sa pangalan ko.

Unless,

Bakit ganun parang may mali? Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mangyayari.

The 11 Painful ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon