Charmaine C. Oliva

394 5 3
  • Dedicated kay Charmaine Oliva
                                    

"Mhein kelan mo ba ako sasagutin" tanong ni Ambo sa akin habang nakatambay sa labas ng tindahan.

"Magtigil ka nga! Kilabutan ka naman sa sinasabi mo dyan. Umalis ka diyan baka malasin pa yung tindahan namin. Chupi!" buti naman at umalis na siya. Ayoko sa lahat pinaliligiran ako ng mga aswang este ng abnormal tulad nun.

Err araw araw ko na lang nakikita yung pagmumukha nun. Bukod sa nakakasawa, ang scary pa ng mukha. Sorry medyo mean.

Hindi ako naniniwala sa Feng Shui, sa horoscope, sa anting anting at kahit sa shooting star na sinasabing nagbibigay ng swerte sa tao. Wala akong dugong Chinese, half Filipina and half Spanish bread ako. Okay kidding aside.

Sabi ng nanay ko swerte daw ako nung pinanganak niya ako at hanggang ngayon. Well inborn na nga sa akin kung ganun. A lucky girl. Buti nga di Lucky ang nickname ko. Malayo sa name ko noh.

As of now sa Cubao ako nakatira. Taga Rizal talaga ako pero dito muna ako makikituloy sa Tita Rita ko. Wala kasi siyang kasama at para may magbantay na din ng tindahan. Advantage din to sakin binibigyan niya ako ng allowance at malapit lang sa university.

"Eh bunso lagi ka na lang nagsusungit sa mga parokyano natin. Wag ganyan baka lumipat sa kina Aling Bebang yan" sabi ni Tita Rits habang naglilista ng pamimili niya.

"Kasi naman Tarits baka lalo tayong malasin niyan. Mawawalan ng bisa ang powers nung pusa" turo ko dun sa pusang de baterya na taas baba yung kamay. Naniniwala ako kapag tumigil yung pusa ibig sabihin may malas na dumating.

"Wala namang malas, sa ganda lang ng tindera yan. Oh siya mamimili muna ako sa palengke huh. Singilin mo si Aling Osang sa utang niya kapag dumaan siya" sabi ni Tarits habang nag aayos ng bag niya.

"Opo. Tarits sa second sem dito po muna ako"

"Walang problema. Mas okay para may kasama naman ako" nagmano muna ako bago siya umalis. Kahit minsan masama ang ugali ko, mabait na bata pa din to noh.

Si Tita Rita or Tarits, for short, ay single na ata forever. 36 years old na kasi siya. Pero sa lahat ng single na gurang siya ang kakaiba. Hindi masungit kaya naman magkasundo kami niya parang barkada ko nga siya eh.

Tanghali na at walang gaanong tao sa kalye. Nanood muna ako ng Eat Bulaga para malibang naman. Napansin kong may pumaradang trak sa tapat ng tindahan.

Ay harangan ba ang tindahan? Sino ba may ari nito at baka ipahila ko na yung trak nito. Sinilip ko kung anong meron kasi puro balibagan at nakita kong may nagbaba ng gamit. Siguro bagong lipat sa kabilang big house.

"Ohh new friendly neighborhood. Sino naman kaya itong mga to?" pinagmamasdan ko yung mga gamit na binaba isa isa at take note mukhang mamahalin ang mga gamit. Rich kids.

"Miss pagbilan nga ng isang Coke" busy pa din ako sa pakikiusisa ng gamit. Kaya naman pinagkasya ko yung ulo ko sa butas ng tindahan para makita ko pa yung nagpukaw ng atensyon ko.

"WOW! Ang yaman grabe" ang ganda ng chandelier nila. Hindi siya yung mga ordinaryong chandelier dahil mas modern yung design niya. Tapos sunod na binaba yung malaking kama. Siguro ang sarap magpagulong gulong diyan.

"Wow talaga it costs 65k. Hey wait pabili nga!" naalibadbaran ako sa bumibili na to.

"AY GWAPONG NAHULOG SA LUP-" napasinghap ako sa kagwapuhan ng lalaking ito. Ngayon ko lang nakita ang taong ito. Mukhang foreigner ang isang to. Maya maya ay sumakit ang ulo ko sa pagkakauntog ko sa bakal.

"Aray! Kasalan mo to eh bigla bigla kang nanggugulat diyan" buti na lang nagkasya pa yung ulo ko sa butas. Hinimas ko yung ulo ko tas nakapa ko na may bukol na pala ako.

"Hey miss okay ka lang?"

"Sa tingin mo ba okay ako? Palit kaya tayo ng puwesto at ikaw ang tatanungin ko ng ganyan?!! Ngayon lang ata ako minalas ng ganito huh" bulyaw ko sa kanya.

"Consider you're lucky miss. Isang sikat na modelo ang bumibili sa tindihan mo. Hindi malas ang tawag diyan katangahan mo lang yan. Dali pagbilan mo na ako" medyo slang pa siya magtagalog. Aba kung maka insulto tong isang to akala mo perpekto.

Sikat? Eh hindi ko nga nakikita ang pagmumukha mo sa mga billboard dito sa EDSA. Feelingero to si kuya ah.

"Daming daldal. Ano bang bibilin mo kasi?" tinarayan ko siya at isang evil grin ang sagot niya.

"One bottle of Coke"

"Wala kami nun RC cola lang ang meron" Sabi ko at mukhang napaisip siya.

"Okay. One big can na lang ng Del Monte Pineapple juice" tapos ngumiti siya. Kunwari hindi ko yun pinansin pero shit with capital S ang gwapo niya! Wait, self control girl remember that.

"Wala din. Tang juice lang ang meron"

"WALA DIN?! Eto miss anong wala sa paninda niyo yun ang bibilhin ko?" reklamo niya. Aba namimilosopo tong isang to. Kanina pa talaga to!

"HA HA HA! Mantakin mo yun nakatatlong tawa ako sa iyo? Madami kaya layas na"

"Can you tell this a "Sari sari store"? Kulang kulang kayo ng items"

"Hindi pala kumpleto eh pengeng puhunan para ibili ko yung mga kulang at maitinda sayo. Nakakahiya naman po kasi sayo" tapos nilahad ko yung kamay ko.

"Aba ano ka sinuswerte?"

"Oo at matagal na akong swerte" I cross my arms.

"Oh really?" may halong nakakaasar yung expression ng mukha niya.

"Just a little piece of advice, sa grocery ka na lang bumili para hindi mareklamo. Umalis ka na nga diyan kasi kota na ako sa kamalasan sayo ngayon pa lang" nakakainis yung sobrang arogante niya.

"And a little bit piece of advice. Sa susunod papakilala kita sa suklay. I think you badly need that"

"Paco!" may tumawag sa kanyang isang mestisang babae sa may katabing bahay tas umalis na din naman siya.

Paco is the Mr. Arrogant's name at  siya yung boy next door? Oh nose!!!!

Sa wakas umalis na yung arogante/pilosopo/maarteng lalaking yun. Grabe ngayon lang ako napahiya at sa nilalang pa na yun. This is so bad!

Nagulat ako nung nakita kong hindi na gumagalaw yung pusa. Don't tell me?! Siya ba yun o naubusan lang ng baterya?

The 11 Painful ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon