Ilang araw na laging ganito ang set-up ng panaginip ko. Malalim ang gabi, madaming bituin sa kalangitan.
Parang ang gwapo nung lalaking yun na nakasuot ng puting amerikana . Nakatalikod siya sakin at mukhang hindi niya alam na nandito ako sa likod niya .
Lalapit na sana ako sakanya pero bakit parang ang layo layo niya ? Nakikita ko lang ang tagiliran ng mukha niya. Sino ba siya ? Curious lang ako malay niyo naman di ba gwapo tong boylet na to.
Tinry kong lumapit sa kanya pero bakit parang lumalayo naman siya o ako lang tong di makausad sa pwesto ko. Sinubukan ko ding tumakbo pero wala pa din.
"HOY KUYA!!!!" sigaw ko sa kanya pero hindi pa rin siya nalingon. Nakailang tawag ako sa kanya pero parang hindi niya ako naririnig. Anong problema nito?! Ehhh ano ba to bingi. Try pa nga
"HOY POGI!!" mukhang narinig na ata ako kasi medyo gumalaw siya. Gusto pa tawaging pogi?! Meron na pa lang POGI ang pangalan sa mundo kung sabagay may Beauty nga eh pogi pa kaya?!! Hay laboo.
Aktong lilingon na siya ng biglang biglang lumiliwanag ng onti onti. Yung silhoutte lang ng mukha niya yung nakita ko.
Ehh?! Gabi tapos umaga agad?! Oh di kaya siya si San Pedro o di kaya yung lolong nakaputi sa Lord of the Rings?!!
"AHHHHHH!!!" napabangon ako sa kama. Takteng sikat ng araw na yan oh. Kailangan ba isampal sa muka ko na sikat siya?!! Ou na isa lang naman akong SOMEBODY at SOMEONE else sa Pilipinas.
Napatigin ako sa alarm clock ko. Sheytness late na akoooo !!!!! Kaya naman dali dali akong pumunta sa banyo para maligo . Kung minamalas malas ka naman oh. Ang haaaaaaaaaaaaaaaba ng pila sa banyo. So maghinhintay ako matapos ang mga ka-boardmate ko . Ganun?! Lesson number one di dapat maging sleeping beauty ang peg.
"GoodMorning Paula" bati sakin ni ate Crystal. Ka-boardmate/bestfriend ko dito sa boarding house. Hassle kasi taga Cavite pa ako kaya nagboboard ako.
"Why nakasimangot? First day na first day BV agad? Hulaan ko nanaginip ka ulit at siya na naman noh? Feeling ko soulmate mo yun?" soulmate? Ganun ba yun? Eh sabi din ni Aica na magkikita na kami ng soulmate ko ayon sa hula niya. Maniniwala ba ako dun? Eh parang jinojoke lang ako nun.
"Sana naman na maranasan ko naman magka-lovelife" sagot ko. Proud NBSB here. Pag-aaral lang muna kasi ang inaatupag ko pero sabi nila Christine masarap daw ang feeling na mainlove.
Nang matapos ako sa lahat ng ritwal ko bago pumasok. Syempre papasok na sa sintang paaralan ang PUP o Polytechnic University of the Philippines.
As usual kapag first day bago lahat from head to toe. Pero para sakin tama na ang simpleng pormahan. Baka masabihan pang OA ako pumorma o sadyang wala lang silang taste of fashion?!
Proud kong pinakita ko yung I.D ko sa guard na himala ay ngayon nagchecheck ng I.D tapos after a week hindi na magchecheck ang labo din ng mga guards dito eh.
Yung I.D picture ko? Wag niyo na tanungin ang itsura ko dun. Parang nasa primative stage ako dun kaya naman tinapalan ko na lang ng 1x1 picture ko na inedit sa Tronix.
Namissed ko ang PUP kahit papaano. Pinapaganda na nila ang mga facilities dito, aba dapat lang ng hindi na magrally ang mga aktibista dito dagdag ingay lang sila kapag may klase.
Madaming pumasok ngayon at madami din akong nakikitang bagong mukha.
Habang paakyat sa first room, iniisip ko yung panaginip ko kanina. Actually ilang beses nauulit yung ganung panaginip ko. Ano bang subconcious meron ako kaya ang weird ng panaginip ko. Yan kasi napapala ko kakabasa ng Wattpad. Minsan kasi ganun yung mga gusto kong story ng love life ko.
BINABASA MO ANG
The 11 Painful Things
Romansa11 painful things 1. bringing back the feeling you've learned to forget 2. reminiscing the good times 3. trying to hide what you really feel 4. loving someone who loves another 5. having a commitment with someone you know would not last 6. shielding...