Kung sansan na kami napadpad, pasa ng resume dito pasa ng resume doon. Mauubos na ang budget ko para sa pamasahe. Bakit pa kasi kailangan ng mga ganitong kaartehan.
So ayun na nga last stop namin sa Our Lady of Lourdes Hospital. Kung ako ang tatanungin, push ko na dito kasi convenient, malapit na sa boarding house at iwas late pa.
"Tatawagan na lang namin kayo if tanggap na kayo for internship program. I just need to confirm sa admin at HR Head"
Ako na nagsasabi sa inyo. MAHIRAP po maghanap ng hospital company na pwede mag-intern kayo. Kaya OJT TIP 101, if sa curriculumn niyo po may OJT kayo make sure to list down all the possible companies na may internship program.
Sa experience namin, kapag sinabing tatawagan kayo ay nako 90% wag ka ng umasa dahil hindi na kayo tatawagan ng mga yun.
"Thanks po mam" sabay naming sabi. Nakalimutan ko na yung pangalan nya pero panalo ang mukha nya dahil super ganda niya. Siguro madaming manliligaw na nurse o doctor dito. Gising na gising ata sya nung nagpaambon ang diyos ng kagandahan.
"Sige girls thank you saka ingat kayo" lumabas na kami ng office at hinintay bumukas ang elevator.
"Guys hala pano yun? Wala pang sure na pwede tayo mag'OJT sayang sa pamasahe ko wala din palang patutunguhan" sabi ko.
"Oo nga baka mamaya niyan sila nagsstart na mag'OJT tayo hindi pa" Vannezza
"Ano ba guys. Patience lang. Di ba sabi nila tatawagan tayo? Tiwala lang. Don't be on a pressure" sabi ni Christine.
"Tss as if naman? Duh wag nga tayo umasa sa mga paasa and kalma lang. Aabot pa naman ng next sem yung OJT natin" sabi ni Aica.
Naman ang dami kong problema. Kailangan patong patong di pa pedeng isa isa lang.
"Hay nako pahirap naman yang OJT na to"
Tinggg!
"Hep bago ang lahat C.R muna tayo kanina pa ako naiihi" yaya ni Katerine. Ang daming taong sumalubong sa amin at ako naman nasiksik na lalo dito sa dulo.
Kailangan gamitan ng ninja moves dito.
"Ay saglit lang. Excuse me po" sabay hawi sa kanila ng bonggang bongga. Mga atat lang sumakay.
Inayos ko muna yung damit ko mukhang nalukot pa sa kasisingit ko.
"ARAY" nauntog ang ulo ko sa isang tao. Nahulog tuloy yung mga papel ko. Nako nakita ko yung freaking picture ko kaya naman bigla kong pinulot iyon bago pa ako mapahiya.
Nahulog din yung gamit niya agad din niyang pinulot. Di ko na muna initindi ang itsura ng lalaking ito dahil sa mga basura ko.
"Hay ano ba yan" reklamo ko.
"Sorry" sabi niya at umalis na siya. Sayang likod na lang niya yung nakita ko. Hindi ko man lang nakita yung itsura nun. Ang sakit kaya ng noo ko. Ikaw ba naman mauntog sa matigas na ulo din.
"Oh! Anyare?" tanong ni Kate sakin habang nagpupulbo siya.
"Nauntog kasi ako tapos nahulog pa yung folder ko nagkalat yung mga papel" hinihimas ko yung noo ko kasi ang sakit.
"Omo may bukol ka sa noo friend" worried na sabi ni Aica. Tumingin ako agad sa salamin at oo nga may bukol na tas namumula pa.
"Oh nose! Ang panget tuloy tignan"
"Sino ba bumangga sa iyo? Ang tigas ha" tanong ni Charmaine.
"Lalaki eh. Gosh ang sakit tuloy. Naku ayoko irampa to sa labas" hinawi ko na lang ng bangs yung noo ko para di gaano halata. Mamaya paguwi lagyan ko ng yelo.
BINABASA MO ANG
The 11 Painful Things
Romance11 painful things 1. bringing back the feeling you've learned to forget 2. reminiscing the good times 3. trying to hide what you really feel 4. loving someone who loves another 5. having a commitment with someone you know would not last 6. shielding...