Vannezza Zandra A. Zapata

395 5 5
                                        

"Hayyy" pagbangon ko, nag'unat muna ako. Ang sarap talaga matulog at dapat sulitin na dahil malapit na ang pasukan.

Makapag'exercise na nga muna para medyo pumayat. Aasarin kasi na naman ako ng magaling kong kuya for sure.

Manang Taba, Tabatchoy, Panda o kung ano ano pang ipang'aasar niya sa akin. Kahit sa loob ng bahay may pangbubully na nagaganap. NASAN ANG HUSTISYA?!

"1,2,3,4,5,6,7,8,8,7,6,5,4,3,2,1" lundag dito lundag dun, kapagod magjumping jacks pero I need to burn these fats. Paano ba naman hindi ako tataba, sa tuwing uuwi na lang ako dito bawal ang diet. So sira ang routine ko.

Pagtapos ng Jumping Jacks yung iba naman. I can feel na medyo pinagpapawisan na ako and that's good! Nahulog ko yung bimpo sa floor. Nung inabot ko medyo alanganin yung position ko.

"ARAY" napaiyak ako sa sakit. Parang nabanat yng buto ko sa likod tas sobrang sakit.

Napaiyak na lang ako sa sobrang sakit. Bakit naman kasi ganito. Hindi ko maigalaw ang katawan ko.

"Ate anong nangyari sayo?" bungad ni Gian nung pagpasok niya ng kwarto.

"Bakulaw ka na umiiyak ka pa din" di ba eh kung sana tulungan niya ako di ba. Hindi lang physically ako nasasaktan pati emotional nadadamay.

"Gian eh kung tulungan mo kaya si ate tumayo? Ang sakit kasi ng bewang ko"sabi ko sa kanya. Tinulungan naman niya ako tumayo pero ano sabi niya ?

"Kasi naman bakit ang taba taba mo ate? Ang bigat mo kaya ako yung sasakitan ng katawan eh. parang pinagbuhat ako ng sako ng bigas"

Matapos ang nakakamatay na exercise pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig.

"Anak tumawag si Kate sabi enrollment niyo na daw. Mag'enroll ka na bibigyan na kita ng pangtuition mo" sabi ni Papa habang uminnom ng kape at nagbabasa ng dyaryo.

"Ganun po ba papa? Thanks. Mag-reregister po muna ako para makapagbayad sa bangko mamaya."

"teka anak bakit parang nangangayayat ka na? Hindi ka ba kumakain?" tapos tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"eeehh kasi po papa nag--"

"masama magpapayat anak baka magkasakit ka niyan. Alam mo naman ikaw na lang prinsesa namin sa bahay. Umupo ka dito kumain ka" eeehhh si papa naman eh masisira ang diet ko >.<

"pero pa"

"No buts. Upo !" he commanded siyempre sunod naman ako agad. Siya naglagay ng pagkain ko sa plato kaso ang dami ee wala akong takas T.T

Bank

"Goodmorning Mam. Ano po transaction niyo?" tanong sakin ng manong guard.

"Magbabayad po ng tuition sa SIS Acoount po"

"Ay dito po mam" ginuide ako ng mamang guard kung saan may i-fifill up pa akong form tapos he gave me the instructions. Ang bait naman nila sakin.

Magsasagot na sana ako pero walang tinta yung ballpen. Ang malas naman =____=

So no choice lumipat ako ng pwesto kaso nag-agawan kami sa puwesto ng isang lalaki.

"Hhmm kuya sorry pero ako yung nauna eh" sabi ko while holding the ballpen tapos siya din nakahawak

"Pero miss nauna ako sayo dito. May kinuha lang ako saglit"

"Eh sa inalisan mo na agad. Saka sa pagkakaalam ko wala naman may ari nito di ba?!" sarcasticly kong sabi sa kanya. Mukha naman siyang inis na inis kasi kita naman sa namumula niyang mukha.

The 11 Painful ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon