Chapter 19

71 1 0
                                        

Day 1 is worth memorable. A magical night. Pero sa tuwing nadadagdagan ng araw, pabawas din ang panahon na magkasama kami.

Day 2

"Kainin mo ito, ito, tapos ito din" nilabas niya yung packed lunch na dala niya. Buong barkada ay sabay sabay kumakain ng lunch ngayon sa university garden.

"Wow ang dami. Niluto mo ba to lahat?" tinikman ko yung niluto niyang Kare Kare.

"Oo"

"Oy Louie marunong ka palang magluto. Akala ko puro pagpopogi lang ang alam mo" sabat ni Aica.

"HARD!" sigaw nila Kate.

"Anong akala mo sa akin? Wag mong titikman yung niluto ko" pagyayabang na sabi ni Louie. Pero dahil sa makapal ang mukha ni Aica, kumuha siya ng adobong luto ni Louie.

"WTF! Man ang sarap!" tumikim na din yung iba ng ulam. Kare kare, adobo, morcon, at fish spring rolls ang niluto niya.

"Okay binyagan na ang luto ni Lasconia! First amd last time na natin matitikman to" sabi ni Charmaine.

"Oy Nikko gusto ko ganito na lang yung lulutuin mo sa akin next time hindi yung puro prito" reklamo ni Aica sa kanya. Kelan lang ay umamin yung dalawa na may Mutual Understanding daw sila.

"Dude. Hopya ka pala eh. Sa susunod manood ka sa Lifestyle Network o di kaya kay Chef Logro" payo ni Louie. Yung totoo? Pinanonood nya yun? So gay.

"So ano bang sikreto ng mga lalaki bakit masarap ang luto nila?" tanong ni Christine kay Louie. Nagisip muna siya ng isasagot niya.

"Cook with love. Yun ang sikreto dun"

"Yun oh! Ang cheesy haha!"

"Oh okoy kainin niyo na" siyempre kapag ganitong eksena, masarap kumain. Sama sama kayo tapos share share din sa pagkain. Wala kaming ginawa kundi magtawanan dahil sa kakulitan nina Aica at Nikko.

"Nabusog ka ba?" bulong ni Louie sa akin. Sa totoo lang ang sarap ng mga luto niya. Totoo nga na mas masarap magluto ang mga lalaki.

"Hindi ba halata? Simot na simot nga yung pagkain sa plato"

"Much better. Next time, I will cook for you. Mas madami pa dyan" bigla akong nalungkot. Next time, meron pa kayang next time?

Ningitian ko siya. Ayoko na ipakita sa kanya na malungkot ako.

"You owe me that next time. Mamimihasa ako niyan. Mamimiss ko yung luto mo. I love you" tapos niyakap ko siya yung mahigpit.

"I love you more" he kiss my forehead.

"Oy oy oy PDA yan"

"Group hug na lang kasi tayo" suggestion si Nezza. Imbes na group hug ang nangyari, nadaganan kami ni Louie.

"Ang ganda ng group hug niyo. ARAY! Ang bigat niyo!" reklamo ko.

"HAHAHAHA!" nagtawanan lang sila samantalang ako bigat na bigat na sa kanila.

"Louie pagdating mo dun chocolate ko aah" sabi ni Nezza.

"Akin signed CD ni GDragon" si Aica. Kpop lover eh.

"Sweatshirt sa akin, yung cute" si Kate.

"Dress sa akin, maxi dress or floral dress" si Christine.

"Buong South Korea iuwi mo sa akin Louie" si Charmaine.

"Friend kaya mo ba yun? Lols" sabi ni Aica kay Louie.

"Sa akin brad buong GG na lang" si Nikko.

The 11 Painful ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon