Chapter 9

398 7 0
                                    

Christine's POV

Eto ako loner lobby at hinihintay na lang ang PINKAM. May meeting daw sila sa Humanities nila. Nahiwalay kami ng grupo buti na lang kasama ko pa si Paula.

Hindi ko naman close yung iba naming classmate kasi mas prefer kong kasama ang girlfriends ko. Asan na ba yung bruhalitang yun? Kinidnap na siguro ni Lasconia.

Magbabasa na lang muna ako ng wattpad tutal wala pa naman sila.

Maya maya ay may tumabi sa akin. Napalingon ako sa katabi at nagulat ako, kaya naman napaatras ako sa pagkakaupo.

"Suprise?" Ang cute talaga ng mga dimples nito.

"Ako? Hindi noh. Mukhang di na kagulat gulat kung bakit ka nandito" sabi ko kay Darrel.

ECE ang kinukuha niyang degree. Cute na matalino pa. Para siyamg kabute na sumusulpot na lang bigla. Alam ba niya mga lakad ko? Stalker siguro to.

"Sorry my bad. I thought you are just surprised. Ako kasi na surprised nung nakita kita dito. So, wala namang magagalit kung tatabihan kita"

Feelingera! Ang hilig mong mag assume agad Christine.

Nilapitan ko siya at pinisil yung right cheeks niya. Lumapit naman ako sakanya at pinisil ang right cheeks niya. Ang fluffy kasi kahit kailan. Ang cute talaga.

"Ay sorry. By the way, may pasok ka today?"

"Yup. Sa 6th floor kami ngayon. Bakit nga pala di ka na nagtetext sa akin? Nagaalala ako sayo"

Haba ng hair. Nagrejoice ako girl!

"Ah yun ba? Tinatamadnakasiakopumuntasatindahanatmagpaload"

Mukha atang wala siyang naintindihan sa mga sinabi ko.

"Ay mabilis ba, sorry. In short tinatamad ako"

"Style mo bulok" tapos ginulo niya yung buhok ko.

"Teka kumain ka na ba?"

"Hindi pa eh tsaka maaga pa"

"Ha? Eh past 12 na kaya. Nako ginugutom mo yung sarili mo" tinignan ko yung relo ko at tama nga siya.

"Ayos lang saka sabay kami ni Paula, hinihintay ko lang siya"

"Si Paula? Nakita ko siya sa may garden kanina may kasamang lalaki eh hindi ko naman kilala and mukha silang may importanteng pinag-uusapan. Kaya if you don't mind tara kain tayo" may lahing chismoso din siya noh. Mantakin mo yun mas nauna pa siya sa balita.

Si Paula naglalandi na naman.

Nilabas niya mula sa bag niya ang 4 pieces na burger. Uso po sa PUP yung buy one take one.

"Hindi ka naman prepared niyan?"

"Wala eh. Boy scout to, always handa. Oh sayo tong dalawa"

"No. Isa lang yung akin besides busog na din ako sa isa" kinuha ko yung isang burger.

"Hep! Sayo yung tatlo sa akin yung isa. Hindi ka mabubusog sa isa lang" sabay interchange niya ng pwesto nung mga burger

"Sa akin yung isa sayo tong tatlo. Alam ko namang kulang sayo tong isa. Ikaw pa halimaw ka kumain" sabay palit ulit ng puwesto nung burgers. Okay ang kulit lang naming dalawa dito.

"Busog pa ako at para sayo talaga yang mga yan. Sige na Tinay please?" dinadaan na naman niya ako sa pagpapacute niya. His charm is so irresistable.

"Sige na sayo na yan, busog pa ako pramis" palit ulit ng puwestong sa mga kawawang burger pero pinigilan niya ako.

Yung awkward nung hinawakan niya yung right hand ko.

The 11 Painful ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon