Chapter 13

310 5 0
                                    

Tinitigan ko ang babae nasa harap ng salamin ngayon. Ang ganda ng damit niya. Black cocktail dress. Mas lalong naging elegante dahil sa mga sequins.

"Ang ganda" natutuwa ako sa nakikita ko ngayon. Mukhang isang prinsesa katulad sa mga fairytale.

"Aww. Thank you Nichole" halos maluha ako. Siya kasi ang nagayos sa akin. Hindi ko alam na may passion pala sa pagmamake up. Isa na ata ako sa mga masterpiece niya.

"Wala yun ate. Wag ka ngang madrama dyan masisira yung make up eh. Oh tissue" pinunasan ko naman yung luha ko.

"Baka magustuhan ka na lalo ni kuya. Teka nga muna did he asked you to be his date?"

"Yes he did but I refused him" seryoso kong sabi habang inaayos ko yung gamit sa handbag ko.

"Ay bakit naman? I guess he is really disappointed"

"You're right. Everything is back to normal" This past few days hindi niya ako pinapansin. He is back to his cold version. Hindi ko rin naman siya masisisi.

I'm still doubting kung seryoso siyang hindi siya pupunta.

Medyo madami ng tao nung pumunta ako sa venue. Maingay ang mga tugtog at makukulay ang mga ilaw.

"Pasulat na lang po yung name and pakisuot po itong mask pagpasok"

Bago ako pumasok sa gymnasium ay sinuot ko na yung mask ko. I didnt bother to text them kung nasaan sila dahil maaga silang pupunta.

The early birds catches a good worm

Yan ang principle nila. Mga brains talaga. Nakita ko naman sila di kalayuan sa may stage.

"Ang aga niyo. Talagang prepared na magpaganda" umupo ako sa tabi ni Christine.

"Kaasar nga eh. Sayang lang yung make up kung hindi naman makikita" reklamo ni Christine.

"Ayos lang yun. Exciting mamayang 12" sabi ni Kate.

"Bakit anong meron?"

"Traditional na ginagawa sa isang masquerade ball na kapag 12 o' clock ay tinatanggal na yung mask. And kung sino yung partner mo that moment ay siya daw ang soulmate mo"

"Hindi naman yan totoo. San sina Aica at Charmaine? Si Neneng bakit wala pa?" lumingon ako sa paligid at no sign of them. NO SIGN OF HIM

"Si Aica, ayun namimingwit na ng kadate niya sa tabi tabi. Sinamahan ni Charm baka kasi maging dalawa si Aics pagtapos ng ball"

"Si Neneng malalate pa. Nag last minute shopping sila ni Arturo sa dress niya. Ang comservative kasi ng lolo mo"

Maya maya ay dumami na din ang tao. Nakita ko din yung ibang classmates namin. Yung ibang di ko kilala, umaasa ako na isa sa kanila si Louie.

"Hi guys! Sorry late ako. Natraffic kami ni Arthur and hinanap ko pa kayo eh hindi ko kayo makita. Naiwan ko yung contact lens ko sa pagmamadali" hingal na hingal na sabi ni Vannezza.

"WE KNOW!" sabay saby naming sagot at nagtawanan kaming lahat.

Nasaan kaya siya? Hindi ko pa siya nakikita simula kanina. Palingon lingon ako sa paligid pero wala siya. Nakita ko kanina sila Nikko kaso di siya kasama. So sineryoso niya yung di pagpunta?

"Oh kumpleto na pala tayo" sabi ni Aica na may kasamang boylet.

"Ahh oo nga pala. Guys si Charles, Charles friends ko" pinakilala kami isa isa ni Aica kay Charles at nalaman ko na Senior namin siya at same major din. Ilang oras ang lumipas no sign pa din of Louie.

The 11 Painful ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon