CHAPTER 2

37.2K 591 10
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT


"Unang Engkwentro.."

" Hindi pa ba tapos yan." inip kong tiningnan si Anna habang binabalanse ang wiring ng project ko sa Home Economics. Although kaiba ito sa kanyang napiling subject pero masasabi kong magaling siya pagdating sa pagkabit kabit ng mga kung ano ano.

Bilib din ako sa isang to, ang tyaga tyaga niyang trabahuin yan samantalang ako naggive up na dahil hindi ko makuha ang tamang sukat ng mga wire na ikakabit sana. nakailang ulit akong sumubok pero ni isa ay di ko napagtagumapayan pailawin ang main light ng project ko.

"Oh hayan." abot tenga ang ngiti ni Anna pagkatapos nyang kalabitin ang switch at umilaw ang buld light.

"Pwede mo nang ipasa yan bukas." ani ulit nito habang naglalagay ng alcohol sa kamay.

napakabanedosa rin ng babaeng to. kailangan may alcohol na hawak. kinuha ko ang aking project at nilagay sa taas ng cabinet para hindi abutin ng bwesit na alagang pusa ng kuya jayson ko.

Jeez, kung may option lang talaga na  hindi gawin ang project na'to ay ginawa ko na. nagsisisi tuloy ako kung bakit electrical ang kinuha kong subject imbes cosmetics..

"Uuwi ka na ba?' napansin kong nagliligpit na nang mga gamit si Anna pagkatapos kong ilagay ang project sa taas ng cabinet.

Sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang mukha at tila pigil iyon sa paglaki.

My hidden agenda ang babaetang ito na ayaw sabihin sakin.

" Hooy ano yan, mag-iinstalk ka na naman no." Wala akong maisip na ibang dahilan liban sa palihim na pagsunod nito sa love of his life na boyfriend ng kanyang kapatid.

" Pupunta sila sa bahay mamaya, narinig kong paalam ni tricia kay papa, hindi ko alam kong anong gagawin nila sa bahay, pero chance ko na'to para makita si Cyrus." feeling nito nagsparkle ang kanyang mga mata dahil nagtwingkle twinkle ang pilik mata nito. para itong bata na sinabihan magbeautiful eyes siya.

" Jeez, wala ka na bang pag-asa sa bulag mong pag-ibig dyan sa jowa ng sisteret mo, If I know, kapag nalaman ni tricia na may hidden desire ka sa man of her life, malamang sa alamang, magdedeklara yun ng world war Z sa bahay niyo." nagcross ako ng arms sa kanyang harapan habang ito nama'y napatigil sa ginagawa.

Simula ng makita niya talaga ang lalaking yun, gumawa na siya ng sariling mundo siya at siya rin lang ang nakakakita. umaasa ito sa lalaking may mahal nang iba at nagpapakatanga sa pag-ibig.

naiiling akong muli habang iniisip yun.

"Samahan mo nalang kaya ako sa bahay,"

"Huh, no way." tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Alam mo naman forbidden ang aking pagmumukha sa mansion niyo diba, baka pagtungtong ko palang ng subdivison, makita ko na agad ang aking pagmumukha sa guard house at nagsasabing bawal ako sa lugar niyo." 

Nagsimulang umiinit ang dugo sakin ng papa ni Anna nung nasa grade 6th kami. niyaya ko siyang umakyat ng puno ng mangga sa likod ng bahay nila dahilan para mahulog ito.

nagkaron ito ng bali sa braso at nasemento pa..

hindi nila ako derektang pinagsabihan pero ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng kanyang pamilya lalong lalo na ang bratinilang si tricia. The nerve of that girl. mahilig manliit. mahilig manlait.. hindi porke't maganda at matalino siya ay kayang kaya na niyang apihin ang kung sino man. 

"Sige na, wala naman si papa sa bahay, nasa business trip siya sa singapore. okay lang naman kay mama na nandon ka, tsaka maliligo nalang tayo sa pool." she giggled at pinamulahan ng pisngi. kapag ganito ang nagiging reaksyon ng kaibigan ko, malamang sa alamang, na ngangati ang kalandian nito. 

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon