Isang malaking A.W.K.W.A.R.D. moment ang naganap samin ni rafael pagkatapos ng mainit na halikan sakin kwarto. sunod sunod ang pagmumura ko sakin sarili dahil para akong tangang maagang bumigay dahil lang sa init na aking nararamdaman.
Mabuti nalang rin at hindi na nagtanong si joss patungkol sa kung ano ang ginagawa namin. malamang sa alamang, dahil matalino ang isang to, mangungusisa ito sa kung ano ang kanyang mga nakita.
"Dad look oh!!"magiliw na tinuro ni Joss ang grupo ng mga dancer na nagsasayawan. Mas lalo pang namangha ang anak ko dahil nagrorobotic ang mga ito.
Saglit namin pinanuod ang mga nagsasayawan at maya maya lang ay nagtuloy kami sa department store ng mall. Araw ng linggo kaya marami ang mga tao. hawak hawak ko sa kaliwang kamay si joss habang nasa kanan kamay naman si rafael.
aakalain mo talagang isa kaming buong pamilya dahil sa ginagawa namin. sad to say, we are not. ang anak ko ay bahagi ng nakaraan namin ni rafael na kahit gustuhin ko man na balikan, hindi na maari.
Nakarecieved ako ng tawag galing kay lake nang nasa sasakyan kami. hindi siya makaalis dahil sa bagyo sa Brunie. Labis labis na rin ang pag-aalala nito dahil kasama namin si rafael. Sabi ko naman ay wag na siyang mag-aalala samin dahil maayos naman na ang pagkikita nila ni joss.
Walang pakundangan sa pagpili ng laruan si joss. Gusto ko sanang sawayin pero si rafael na mismo ang nag-aalok sakin anak. Ayokong espoil si joss sa mga bagay na hindi naman niya kailangan. Oo mayaman kami, pero mas improtante pa rin para sakin ang malaman niya kung ano ang dapat niyang mga kailangan sa hindi.
Ngayon ina na ako, nalaman ko na may mga bagay na mas mahalaga kesa sa pansariling interes. Nalaman ko na mas mahalagang ituro sa anak ang mga mabubuting bagay na hindi mo nagawa noon. Dahil dito, nagkakaron tayo ng silbi bilang mga magulang sa kanila. Pwede mo silang hainan ng kung anong mararangyang bagay sa mundo, pero kailangan mo rin itanim sa kanilang utak na hindi lahat ng magandang nakikita nila ay kailangan nila.. Mas sapat na ang kung ano ang kailangan nila. mahirap pagsobra sobra, mahirap rin pagkulang.
Kailangan balanse ang pagbibigay at nasa katwiran ka sakaling may mga bagay na ayaw mong ibigay sa kanya.
Maigi ko nalang silang pinagmasdan habang tumitingin ako ng mga bagong furnitures para sa kwarto ni joss. iyon naman sana ang pakay ko kung bakit ako sumama sa kanila. Nagkataon lang na dahil ilang taon hindi nagkita sila ni rafael, malamang ay susulitin nito ang kanilang pagsasama.
Palihim kong pinagmasdan si rafael habang kunwari ay abala ang aking mga mata sa pagtingin ng mga materyales sa kwarto ni joss. Hindi ko talaga lubos maisip na madali kong naibaba ang bandera ng aking pride dahil lang sa kapusukan namin sa isa't-isa. Oo babae ako at may pangangailangan ako pero hindi iyon dahilan para maagang bumigay at isuko ang bataan.
Naguilty tuloy ako para kay lake. Siya ang fiance ko at kahit matagal na kaming magkarelasyon ay hindi niya ako pinagtangkaan na gawan ng labag sakin kalooban. Labis labis ang respeto niya sakin bilang babae at alam niyang hindi pa ako handa para sa ganun kaintimate na pangyayari.
Pero kay rafael, talaga naman. Isang kalabit lang, ni hindi ko nga nagawang magprotesta sa kanya, bigay agad. laglag panty kahit na alam kong bawal.
Hindi ko rin maintindihan ang aking nararamdaman sa kanya. Ang totooý galit pa ako pero yung galit na yun, bunga ng pagmamahal ko sa kanya, which is nagkocontradict sakin isipan.
Ang puso ko naman, parang ewan. pilit nitong sinasaksak sakin isipan ang natitirang damdamin ko kay rafael.
Ayaw kong mangyari na ang nangyari samin nakaraan. Sapat nang malaman ko na kahit na anong gawin ko para ipaglaban siya, hinding hindi niya gagawin iyon sakin.
BINABASA MO ANG
The One that got away.....
General FictionWhat if the One that got away comes back? Are you willing to win him back just to prove how sorry you are? Are you willing to give up everything just to be with him? Or will you just accept the fact that he already found the love that his looking fo...