CHAPTER 25

18.9K 347 16
                                    

 "His neice.." 

"Wala pa rin bang balita?"nanlumo ako ng makita kong umiling si Rafael sakin. sapo ang aking ulo at napapaiyak na naman ako.

"Nasan ka na ba Anna?"naramdaman ko ang paghaplos ni rafael sakin likod. Ilang linggo na rin kaming naghahanap sa kanya. pero ni anino nito, hindi namin mahagilap.

Halos malibot na naman ang buong luzon subalit wala pa rin makapagsabi kung nasan siya. 

"Here."inabot sakin ni rafael ang bottled water at tinanggap ko naman. pagkatapos kung mahismasan ay sinandal ko ang aking ulo sa upuan at tiningala ang bubong ng kotse niya.

Mabigat pa rin ang aking nararamdaman. at kahit na anong gawin ko ay hindi mabawasan ang kabigatan sakin puso. 

Masyado akong nasaktan at nahihirapan sa pagkawala ng aking kaibigan.

Hinahabol ako ng aking konsensya at hindi mawala ang pag-aalala namin kay Anna lalo na sa kalagayan nito.

We didn't expect na ganun kadali itong makakaalis sa kanila gayun akala namin lahat ay maayos na ito. na unti unti na niyang natatanggap ang isang katotohanan kahit kelan ay hindi na mababalik pa ang lahat sa kanyang pamilya.

Yes she is broken and need to heal. Pero hindi gamot ang pagtakbo nito sa lahat ng sakit na kanyang nararamdaman.

Kung sana'y meron gamot lang na kayang magpatanggal ng lahat ng kirot. Kahit mahal ito ay bibilhin ko mawala lang ang sugat sa puso ni Anna.

Kahit maoverdose siya at maging manhid, ayos lang. atleast umeepekto ang gamot. 

Pero wala ngang reseta ng kahit na sinong magaling na doktor ang makakatanggal ng trauma ni Anna. Isama pa ang mga pinaggagawa ng baliw nitong kapatid na sana'y mabulok nalang sa rehab at don nalang tumira.

nakokonsensya ako sakin nagawa at alam kong kasali ako sa mga nangwasak sa kanya.

Hindi ito normal na sugat na kapag nilagyan mo ng betadine ay hindi mo mararamdaman ang kirot.

Hindi ito simpleng pagkabale na kapag senemento mo ay babalik din sa dating ayos.

Ang sakit na kanyang nararamdaman ay sakit na hindi kayang rurukin ng anumang salita at tamang paliwanag. Dumadaing sa kirot ang kanyang kaluluwa at lumuluha ng dugo ang kanyang buong pagkatao. Umiikot sa kanyang isipan ang paulit ulit na pangyayari at nakatarak na sa kanyang puso ang galit na hindi kayang suklian ng pagmamahal.

Ang masaklap pa'y hindi lang isang parte ng kanyang katawan ang nasaktan bagkus buo niyang pagkatao. at ang sakit ay dinadama rin ng kanyang isipan na siyang nag-iisip ng delubyong nangyari sa kanya.

"Sleep, I'll wake you up kung nandon na tayo."patungo kami ng munisipyo sa batangas. magbabakasalaki na humingi ng tulong sa paghahanap.

mabigat ang mga talukap ng aking mga mata na pinikit ito, pero maging sakin pagpikit ay hindi ko mawala wala ang imahe ni Anna.

Her life is under perdition and no one can take her out of the hell. 

Dinilat kong muli ito at nadako ito sa daan tinatahak namin. Sandali kong inaliw ang aking sarili sa pagtingin sa mga tanawin nadadaanan namin.

maya maya lang ay nakaramdam ako ng pagod na matagal kong hindi ininda nitong mga huling araw.

nakapikit ako kasabay ng pagsiklot ng aking mga daliri sakin kasama. Kung sana'y sa pagggising ko ay dumating na ang solusyon sa lahat ng aming mga problema ay ginawa ko na. pero hindi eh. No one can take away the pain that Anna's feeling right now. 

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon