CHAPTER 20

19.3K 349 7
                                    

 "Don't ask me to let you go..."

" Lake!!" hindi ko maiwasan mapabulalas at humiwalay ng bahagya sa kanya. nakunot bigla ang noo nito sakin inakto.

" Hey jocel it's just me." hindi na ito nagtangka na lumapit muli. nakangiti siya pero ramdam ko ang pagtataka nito sakin.

"Are you not going to hug and kiss your future FIANCE?' napalunok ako sa tinuran ni daddy, nagpalitan ako ng tingin sa kanila.

nagbaba ako ng tingin kay lake at napapikit ng mata. No this Can't be. I am not going to marry the man that I didn't love.

Hinawakan ko ang aking sentido at nakaramdam ako ng pagkahilo. nalulula ako sa sobrang pagod, sa antok, sa dalawang taong kaharap ko ngayon, si rafael. nagkakarambola sakin isipan ang mga nangyayari at pakiramdam ko ay bibigay na ang aking katawan.

"Are you okay?" napalinga ako sa lalaking pinangakuan ko ng kasal noon. Hindi, mali.. maling mali ang mga ginawa ko. Pano ko ba nadala ang aking sarili sa isang bagay na hindi ako sigurado at para sa pera. 

Oo inaamin ko noon na may gusto ako sa kanya, nadala ako ng damdamin ko noon na walang tao ang nararapat para sakin at lahat ay iikot lang sa pera at kayamanan. nakulong ako sa edelohiyang ang mga taong nagmamahal ay miserable ang magiging buhay.

kaya napadali ako sa pagsang-ayon kay Daddy na ipagkasundo ako kay lake at gawin kasunduan ang aming kasal katulad ng kay kuya.

napailing ako kasabay ng pagkawala ng balanse ng aking katawan.

"What is happening Ocel." namalayan ko ang kamay ni kuya sakin.

hindi ako makatingin ng deritso sa kanya, I deluded myself for something that I used to believe before. 

na kahit kailan ay hindi ako makakaramdam ng pagmamahal sa lalaking gusto kong makasama habang buhay.

"I'm okay." habol ang aking hininga at nakahawak ang aking kamay sa hagdan.

Pakiramdam ko ay naghahalucinate na ako. Umiikot ang paligid at nanginginig ang aking mga tuhod. hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakin.

at hanggang sa hindi ko na makayanan. pumikit ang aking mga mata kasabay ng pagdilim ng buong kapaligiran. wala na akong marinig kundi ang mabilis na pagtibok ng aking puso.

//~//

nakaramdam ako ng paghaplos sakin pisngi at masakit ang aking mga mata na minulat ito. tumambad sakin ang amoy ng aking kwarto at ang lalaking nakadungaw sakin.

sumilip ang mapuputi at pantay nitong ngipin. Ang mga mata nito'y bahagyang nagtago at lumalim ang dimple nito sa pisngi.

"Lake.." bumaba ang aking boses at parang nawawalan ako ng tinig.

hinaplos nitong muli ang aking buhok at hinalikan ako sa pisngi. hindi ako makagalaw dahil pakiramdam ko ay bulto bulto ang mga bato na nakadagan sakin katawan.

" Nagcollapse ka kanina pagdating mo. ano ba nangyari sayo." inalalayan ako nitong makaupo. sinapo kong muli ang aking ulo dahil medyo kumikirot pa ang aking sentido.

"I don't know, napagod lang ata ako sa byahe." sagot ko ng di tumitingin sa kanya. katahimikan ang sumunod na nangyari. tanging ang ugong na nanggagaling sa aircon sakin kwarto ang naririnig namin.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon