CHAPTER 80

18.9K 432 43
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT..

" Mom where are we?" humigpit ang kapit ni joss sakin ng bumaba kami sa isa sa mga kilalang ospital sa Pilipinas. nagbukas ang pinto at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni rafael.

kanina pa siya balisa dahil sa pagtawag ng mama ni hillary, aniya'y inatake na naman ang anak at kelangan maconfine ulit. nauna na ito samin umalis dahil kelangan nitong makita ang anak.

"Dad.." lumapit si joss sa kanya at kinarga ito ni rafael palabas ng sasakyan. saglit akong natigil sakin sarili. ito ang kauna unahan pagkikita namin ng kanyang anak. hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko sa mga oras na'to.

I hope the result of my action is not repercussion. Pareho naman ang gusto namin ni rafael eh. Ang mapagaling ang anak nitong may sakit.

" Are you okay?" hayun na naman ang pag-aalala ni rafael sakin. Tumango ako. pero ang totoo, kagabi pa ako hindi makatulog dahil sa labis na pag-iisip. What if hindi si Joss ang match na donor kay hope? o di kaya may mangyaring masama din sa anak ko.

Hindi ko maiwasan hindi mag-isip ng ganun dahil dalawang buhay ang nakasalalay dito. 

napabuga ako ng hangin at sinundan ko ang kanilang yapak sa ward ng ospital. mula samin kinaroroonan ay naririnig namin ang humahalahaw na sigaw ng isang bata. Malakas ang iyak nito dahil sa iniindang sakit. 

"Hope.." takbong lakad na ang ginagawa ni rafael at naiwan ako sa paglalakad. humgipit ang kapit ni joss sa kanya.

"Daddy." napansin kong tila natatakot si joss. Alam kong ayaw na ayaw niya sa ospital Nung dalawang taon kasi siya ay nagkaron siya ng tigdas at ilang araw kaming nanatili sa ospital. kalbaryo para samin ng aking anak ang mga nangyaring yun dahil pareho kaming takot na takot.

Natigil kami sa isang private room at agad na inabot sakin ni rafael ang aking anak. kumuyapit ng hawak sakin leeg si joss at idiniin ang mukha sakin balikat.

"It's okay anak." 

"I'm scared mom." humigpit ang yakap nito sakin. hinaplos ko ang kanyang likod. nagbukas ang pinto at ang sigaw sa buong hallway ay dito nagmumula.

" Daddy ko!!!" sigaw ni hope. nakita ko ang umiiyak na babae sa tabi nito na pinapatahan ang apo.

" I'm here hope." agad na lumingon ang bata sa kanya at ang bughaw nitong mga mata ay nanlalaki sa kabila ng malaking eyebag nito sa mga mata.

May IV nakakabit sa kanan kamay nito at mas lalo itong umiyak ng makita si rafael.

"Daddy ko!!!" 

"Hush baby, daddy's here.." nakita ko kung gano kahigpit ang yakap ni rafael sa kanyang anak. nanatili kaming nakatingin ni joss sa kanilang dalawa habang pinapatahan ni rafael ito.

Mahal na mahal niya ang kanyang anak na babae.Walang tanong tanong don dahil kitang kita ko kung gano nag-aalala si rafael. Alam ko ang pakiramdam na yun dahil magulang din ako.

Maya maya lang ay tumahan na ito at nilagay sa lap ni rafael ang bata. nagkatingin kami ng babaeng nagbabantay kay hope. tumango ako bilang pagtugon sa kanyang pagngiti sakin.

" Ma, this is jocel and my son Joss." nanlalaki ang mga mata ng babaeng nagpakilala sakin heather at nagpalipat lipat ito ng tingin samin ni joss. 

Hindi ko alam pero naiiyak ito habang nakahawak sa bibig.

" My name is heather. ako ang mommy ni hillary." natigil na naman ako sakin sarili ng malaman ko ang ugnayan nito sa babaeng minsan nang nagtangka ng buhay namin ng aking anak. lihim akong napahigpit ng kapit kay joss at gusto ko nalang na itago siya rito.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon