CHAPTER 51

15.8K 326 15
                                    

Heto na naman ako sa may CR. as usual, nag-iinarte na naman ako sa pagsuka. Mabuti nalang at umalis si Rafael. kasama niya si Dindo at pumunta sila ng falls.

Infairness, close na silang dalawa. Kunting push lang ng usap sa kanya at naintindihan naman niya. Tsaka mabuting tao naman si Dindo at alam ko malaki ang respeto niya sakin.

Sa tagal nang naninilbihan ng pamilya nito samin, alam ko na ang loyalty nito ay nasamin.

Sumandal ako sa malamig na tiles at pumikit. pinakalma ko ang aking sarili.

Hindi ko alam kung anong oras na kami nakatulog ni rafael. panay ang kwento niya sakin ng kung ano ano. Balak niya rin umuwi ng Pilipinas at isasama niya ako. kung maari ay pagkatapos ng bakasyun na ito ay uuwi kami.

Sabi ko sa kanya ay malabong mangyari dahil kailangan kong ayusin ang mga maiiwan ko. naintindihan naman niya iyon. sabi niya pa'y aayusin niya ang relasyon niya sakin pamilya.

He will talk to every people who's been involve with his messed.

Sandali pa'y nagdesisyon na akong lumabas. kailangan ko palang magluto ng makakain pag-uwi nila. 

Gusto rin kasing ipakita ni Dindo ang race track na siyang libangan ng mga tao sa Colorado. Nagkainteres naman ang isang yun at sinama pa pati si king.

Bumalik ako ng kusina at nakita ko muli ang traydor na sibuyas. 

Kinuha ko ang mask na lihim kong binili kahapon sa palengke kahit kasama ko si rafael.

Binabad ko iyon sa tubig na halos lumutang lutang na.

Dyan ka!!

naghiwa ako ng kamatis at gulay. 

Kinuha ko rin sa fridge ang hipon. Shit matitikman na din kita, kahapon pa akong nagpipigil na lutuin ka.

Dali dali akong nagpakulo ng tubig. Feeling manic sakin niluluto.

habang naghihintay ako ay pinagkaabalahan kong ayusin ang mga gamit ni rafael na nagkalat sa sofa.

Nasa gilid lang kasi ang mga damit na binili nito sa palengke. Pero naagaw ang aking atensyon ng magring ang cellphone nito.

Hindi ko sinasadyang masilip ang tumatawag at nakita kong rumihistro ang pangalan ni Hillary.

Pinagmasdan ko lamang itong nagbavibrate habang sinasabayan ng kantang "Map" nang maroon 5.

maya maya lang ay natigil ito. hindi na ulit nagring at nagkibit balikat nalang ako. ayaw kong pakialaman ang kung anong meron sila ni hillary.

kahit na selos na selos ako at gusto kong sabihin sa kanya na hiwalayan na ito agad ay hindi ko pwedeng gawin yun.. 

Kailangan namin maging maingat ngayon. higit sa mga taong pwede namin masaktan. Pero alam ko naman na hindi iyon maiiwasan, sabihin man namin agad agad o hindi, may masasaktan kami..

ngayon, choice nalang nila kung panu ihahandle ang sakit.

Biglang sumagi sakin si Lake.

Heto na naman ang guilt na namumuo sakin damdamin.

I don't want to hurt him. pero don din naman tutungo ang lahat.

Maya maya lang ay ang cellphone ko naman ang nagring. agad akong nagtungo sa fridge kung san ko yun pinatong.

nakunot ang aking noo ng unknown # ang nakaregister don.

Saglit ko pa iyon tiningnan at nagdesisyon sagutin.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon