"LAKE.."
Sumakay kami ni rafael sa yate para mag island hopping. Naka plano talaga ang aming mga gagawin sa araw na'to. pupunta kami ng BALISIN Island at susunod sa ALABAT island. Hindi summer kaya hindi ganun karami ang mga tao at turista sa lugar.
But I find it more interesting at maapreciate ko ang ganda ng lugar kapag kunti lang ang tao.
Walang eeksena, walang mga photo bummer, walang sisira ng momentom namin dalawa.
nakikita ko ang aking repleka sa dagat habang nakadungaw ako upang tingnan ang mga isdang nagdudumugan samin kinalalagyan.
Mula sakin pagdungaw ay para akong nanalamin at kitang kita ko ang kailaliman ng karagatan.
Tiningnan ko ang aking katabi na kanina pa click ng click sa SLR. ako lang halos kinukahanan niya ng litrato at hindi ang magagandang tanawin sa lugar.
Nakasuot ito ng puting sando at nagpuputukan ang muscle nito sa katawan. naka board short ito at labas na labas ang mabalahibo niyang tuhod.
I was wondering kung san pinaglihi ang isang to. Maganda siguro ang nanay niya kaya nakapangasawa ng may lahi.Pati rin ang tatay nito ay gwapo marahil. Dahil magandang kumbinasyon ang success story ng kanyang pamilya, Boom. linuwal ang mala Diyos na Rafael Kyle Monteverde. at siguro dahil maramot ang mga magulang niya pagdating sa physical appearance, hindi ito natulog at hinintay ang pagpapaulan ng Diyos ng magagandang parte ng katawan. Gumamit ang mga ito ng lambat at walang kwestyon na binigay ang lahat sa nag-iisa nilang lalaki.
Will, Theory ko lang naman yun. parang theory kung panu nabuo ang mundo at kung anong kaanik anikan pa.
Naisip ko rin tuloy, na minsan, iyon mga taong hindi pinagpala ng magandang mukha, pinagpala naman sa kagandahan loob. pero hindi pa rin nila mapapalitan ang maasilumuot na katotohanan na kahit pangit sila, pangit pa rin talaga sila.
At dahil ang mundo ay ginagawang negosyo ang kagandahan ng mukha, marami ang napipiling magpeke nalang at magpalit ng mukha. Hindi sila kuntento sa kung ano ang biyayang binigay sa kanila ng Diyos, O kung biyaya nga bang matatawag ang may pangit na mukha?
Well marami din naman nagiging success story sa kanila. sabi nila, iyon daw ang true love. You are looking beyond physical appearance. Eh di sana kung lahat ng tao, iyon ang basehan sa pagmamahal, marami na rin sanang Success story.
I remember one of the provinces in Cabacungan. May isang isla don na pugad ng mga kano at iba't ibang lahi. Para silang mga ibon na nanggaling sa ibang gubat, nakakita ng isang kalapati na matayog ang lipad. sinundan, inasawa, inanakan at pinayaman ang kalapati. Nagpatayo ng bonggacious na mansion at napiling don nalang magnegosyo kasama ng kanyang napangasawa.
Sabi ng lolo ko na huwag kung tularan ang tulad nila, hindi naman daw masama na maghangad ka ng mataas pero kailangan ikaw ang magsumikap nun para sayong sarili at pamilya. Walang magandang maidudulot kung iaasa mo ang pang-araw- araw na pangangailangan ng pamilya mo, kapitbahay mo, kapitbahay ng kapitbahay mo. kapatid ng kapitbahay ng kapitbahay mo, mga tambay sa kanto, mga lamok sa kanto, mga kaibigan ng lamok na tambay sa kanto na ultimo pambili ng Colgate na Close up ay iaasa sa Balibkayan box na irarasyon sa buong barangay kapag dumating.
Ayy ano ba'tong naiisip ko. nawawalan na nang sense ang pamamasyal namin ng aking Mahal. mahal? charutira.
Naalala ko na naman ang kaibigan hilaw ni rafael. Mabuti nalang at hindi na sumama samin si hillary. mahiya naman siya, lumayo na nga ako sa kanila ni rafael kanina para masolo niya ito tapos sasama pa rin.
BINABASA MO ANG
The One that got away.....
General FictionWhat if the One that got away comes back? Are you willing to win him back just to prove how sorry you are? Are you willing to give up everything just to be with him? Or will you just accept the fact that he already found the love that his looking fo...