CHAPTER 62

15.1K 393 30
                                    

 Warning: 

Please don't forget to Vote and Comment...

Enjoy reading...

"He doesn't have any Idea na sasama ka sakin." umupo si Anton at inabutan ako ng alak. Maingay na sa loob ng kanyang Bar at katatapos niya lang rin kausapin si Rafael.

"Are you sure na pupunta ka talaga don?" I can feel na hesitant siya na isama ako sa lugar nila rafael. umiling ako at sinimsim ang alak sakin labi.

"I only have few days para sa project nato at kailangan kong madaliin ang pagbalik ko ng states dahil marami akong napang-iwanan na trabaho." bigla ko na naman naalala ang anak ko.

My Joss. Halos hindi ako makatulog ng maayos sa kakaisip sa kanya. Ilang araw palang ako dito pero pakiramdam ko ilang taon na ang lumipas.

Palagi naman akong tumatawag at chenecheck ang ginagawa niya. kadalasan ay kausap ko rin sila ni lake sa skype at hindi ko maiwasan hindi maiyak habang nakikita kong malayo ang aking anak. 

Gusto ko siyang yapusin at halikan, patulugin sakin tabi pero imposible naman mangyari yun.

" Jocel ikaw na ba yan!!" lumaki ang ngiti ko ng makilala ko ang isang matangkad na lalaki. nakasuot ito ng stripes na polo at gumegeywang ang krus na kwintas nito sa leeg.

" Matematico, laking mama talaga ah." siniko ko siya at yinapos ako nito ng mahigpit.

Lumingon ako sa likod nito. nagbabakasali na makita ko sila Cyrus at Nilo pero hindi nito kasama.

"Nasa Northern Samar ang dalawa para sa bago nilang negosyo." si kelvin at umorder ng alak sa bartender.

kumunot ang aking noo. 

"Ano naman gagawi ng dalawa don? mangingisda?"

Nagkibit balikat si kelvin at uminom ng alak. ginala ko ang aking mga mata sa mataong lugar na bar.

bigla akong may naalala. ito ang lugar kung san hinalikan ako ni rafael, then nung gabing din yun, nawala ang virginity ko.

 That night, don ako nagkaron ng pag-asa na minsan sa buhay ng isang tao, makakatagpo ka ng iyong katapat na magpapabago sayo sa lahat ng iyong mga maling pananaw sa buhay. and that's him.

Wala akong pinagsisihan sa mga nangyari samin. Akala ko iyon na ang pinakamagandang nangyari sakin. not until Joss.

Nagkwentuhan pa kami nila Anton. marami akong nalaman sa kanila. Ilang taon na rin hindi kami nagkita liban sa libing ni Daddy. and I swear, hindi ko maiwasan hindi magulat sa mga nalaman ko sa kanila.

Si Anton, happily married, sabi niya.. yun nga lang minsan MIA ang asawa niya na si Joy. meron kasi itong small business na furniture shop sa may Masbate at hindi sila nagsasama ng matagal dahil pareho silang commited sa trabaho.

Kinasal si Anton dahil pinagkasundo siya ng kanyang pamilya kay Joy kapalit ng pagmerge ng Saludaga incorporated at Santillan Brewery. Negosyo ng pamilya nila joy ay mga alak na siyang inaangkat naman ni Anton.

"Hindi mo pa rin ba nahahanap si Nika?" at si kelvin. He was looking to a girl named nika, na ayun sa kwento niya ay nabuntis niya 7 years ago nung nag-aaral palang sila sa Ateneo.

Umiling ito at halata na problemado. 

" Mahirap hanapin ang taong nagtatago." ani pa nito at uminom muli ng alak. Nagkwentuhan pa kami. may mga babaeng lumalapit at gustong makipagsayaw sa mga kasama ko pero palaging tinatanggihan. Aniya ako daw ang kanilang kadate at baka magselos pa ako.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon