CHAPTER 32

16.9K 330 42
                                    

"The Engagement.."

“Jocel.” Natigil ako sa pagpupunas kay daddy ng tawagin niya ako. Nilagay ko ang bimpo sa katabing mesa at hinawakan ito sa kamay.

“Do you need anything dad?” Umiling ito sakin, pero hindi nakaligtas sakin mga mata ang nagbabadyang luha nito. Mahigpit nitong hinawakan ang aking kamay.

“Jocel wag mo akong iiwan.” Sa nahihirapan nitong pagsasalita. Tumango ako at ako na ang nagpunas ng luha niya.

Simula ng nagising siya ay iyon lagi ang kanyang bukang bibig sakin. Siguro nga, malaki ang naging impact ng ginawa ko sa kanya. Naghahalo halo ang kanyang emosyon at natatakot siyang pang-iwanan ko.

“That’s not gonna happen dad. I will take care of you.” I squized his hand. Hindi ko rin maiwasan mapaluha sa nakikita kong kalagayan ni daddy. Hindi siya deserved sa kung ano ang nangyari sa kanya. Kasalanan ko ang lahat.

Biktima siya ng pagiging hibang ko sa pag-ibig.

Hindi ako umalis sa kanyang tabi hangga’t nakatulog ito. Palagi ko iyon ginagawa lalo pa’t palagi rin ako nitong hinahanap.

Minsan ay pumapalit sakin si kuya kasama si JD. Somehow, kapag nasa mansion ang pamangkin ko, nagkakaron ng kulay ang bahay namin.

Ang sarap pakinggan ang hagikhik at mumunting tawa nito. Kahit san sulok ng bahay, tila musika sa pandinig sa mga tulad namin matagal nang walang bata sa bahay.

“ I will take my car kuya, mauna na kayo sa hotel.” Gusto akong isabay ni kuya jayson papunta ng Shangri la. May dadaanan pa ako kaya hindi ako makikisabay sa kanila. Alam na rin ito ni lake at hindi na rin siya nagpumilit pang sumundo sakin.

Ngayon gabi ang engagement namin. Desidido na ako sa gagawin kong ito lalo pa’t alam ko na mapapaganda ng pag merge ng kompanya namin at nila lake.

Sa ganitong desisyon, walang talo. Walang uuwing luhaan at dehado.Pero kapalit ng kasunduan ito, ay ang tuluyan kong paglimot sa isang damdamin minsan nagparamdam sakin ng saya.

Pinilig ko ang aking ulo. Hinawakan ko ng mahigpit ang manibela ng aking sasakyan habang patuloy na binabaktas ang daan. Hindi ko alam kung san ako pupunta? Iyon ang totoo.

Gusto ko lang na mapag-isa habang lumalapit ang oras ng engagement. Kailangan kong isink in sakin isipan na magpapakasal ako sa taong hindi ko mahal.

Again, kailangan ko itong gawin. Para kay Daddy, para sa kompanya namin.

Iginilid ko ang sasakyan sa pamilyar na parke at binaba ang salamin para pasadahan ng tingin ang mga taong naroon.

Wala nang masyadong nakatambay sa park. Medyo basa ang lupa dahil sa bahagyang pag-ulan. Pumasok ang malamig na hangin sa loob ng aking sasakyan, pero dinadaig ng init ng luha sa gilid ng aking mga mata ang lamig na dulot ng sakit sakin puso.

Bakit ganito? Hindi ba ako pwedeng maging Masaya dahil gagawin ko ang alam kong tama.

Bakit ako pilit na tinitikis ng estupidong pagmamahal ko kay Rafael.

At ang hindi ko maintindihan, ay kung bakit ako nasasaktan ng ganito.

Pinagmasdan ko sa malayo ang lugar kung san kami umupo ni Rafael noon. Sa mga oras na ito ay nakikita ng aking isipan ang mga nakaraan namin. Binibigyan ng larawan at kulay sakin puso ang mga ngiti at pagkislap ng mga mata ng lalaking hindi ko magawang patawarin.

Swear, gustong gusto ko nang tapusin kong ano man itong nararamdaman ko. Gustong gusto ko nang magmove on at kalimutan ang lahat.

Tonight, everything will change. I will be the fiancé of one of the bachelor in the Philippines. Ang lalaking maglalagay ng singsing sakin daliri ay minsan ko na rin pinangarap na maging akin. Ang mahirap nga lang, dahil inevitable ang changes, nagbago ang pagpapangarap ko sa kanya at natuon ito kay Rafael.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon