" JD "
"Ready?"nakahalukipkip ang mga kamay ni rafael at nakasandal sa kanyang sasakyan ng matagpuan ko ito sa parking.
Alas syete na nang gabi. medyo late na kumbaga sa normal na paglabas ko na alas singko palagi.
Sinalubong niya ako ng halik sa labi at kinuha ang aking bag.
Well, medyo nasasanay na ako sa kanyang pagsundo sundo sakin pag-uwi. may mga nagtatanung sakin kung sino ang lalaking palagi kong kasama at kaholding hands, pero ngiti lang ang ginaganti ko.
Hindi naman sa nahihiya ako o kinahihiya ko siya, Well siya pa ikahihiya ko!! ikaw ba naman magkaron ng juwa na sobrang hot at head turner ng lahat ng mga bakla at mga kababaihan. baka siya pa nga mahiya sakin eh, subukan niya lang.
Ayoko lang na panggugulan kami ng panahon ng mga tao na pagchismisan at pagkwentuhan. hangga't maari, gusto kong maging pribado ang lahat samin. yung maging Discreet.
"Sorry tinapos ko lang yung Audit, gusto mo kumain muna tayo bago umalis?"hinaplos ko ang kanyang braso at siya naman itong padausdos ng kanyang kamay sakin beywang.
"Not a problem, marami pa naman tayong oras. Bumili na ako ng pagkain, nagtake out na ako sa Jollibee." pinagbuksan niya ako ng pintuan nang sasakyan at umibis rin agad siya para sumakay na sa driverseat.
Inabot nito sakin ang jollibee champ at fries.
"Do you need anything else? pwede pa tayong dumaan sa malapit na mall baka may gusto kang bilihin."
Umiling ako at inabot nalang ang kanyang kamay. I never thought na ang isang Rafael Kyle Monteverde ay ganito mag-alaga. He always ask kung ano ang mga nararamdaman at kung ano ang gusto ko. Siguro bumabawi siya sakin, pero hindi naman niya kailangan gawin yun eh. Nakalimot na ako sa mga nangyari at wala siyang kasalanan don.
"Alright, so we should go then."binuhay niya ang makina nang sasakyan at pinaandar.
We are going to atimunan for out of town vacation. Tuloy kami sa Villa Cruz and when I saw the pictures and blog sa internet, na amaze ako sa ganda ng resort. Isa iyong Island sa Quezon. pagdating namin ng atimunan ay sasakay kami ng ruro at iiwan lang namin ang sasakyan niya sa pantalan.
"You can sleep babe, medyo mahaba pa ang byahe natin."
"Nah, as if naman makakatulog ako habang gising ka. mag-usap nalang tayo para hindi ka rin antukin."
Umiling ito sakin at inabot muli ang aking kamay. "What do you want to talk?" sinubo ko sa kanya ang burger na kinakain ko.
Sandali akong nag-isip. Ang totoo'y halos maubusan na ako ng tanong sa kanya. naikwento na niya sakin ang buong buhay niya.
He was born in Scottland. liget na briton ang isang to at may halong pinoy. Taga Puerto Galera ang nanay niya.
Pagkatapos niya ng grade school ay dito na siya nanirahan sa Pilipinas. hindi na rin bumalik sa Scottland dahil ayaw niya nang buhay kasama ang kanyang papa at bago nitong pamilya.
When his mother died, nag-asawa agad ang kanyang papa. Hindi naging mabuti ang trato sa kanila ng kanyang ate ng madrasta at pati mga step brothers and sisters niya. Dahilan para magdesisyon silang manirahan dito sa Pilipinas at manatili nalang rito para walang gulo.
He even told me na ayaw na nilang makipagcommunicate sa kanyang papa. ni hindi niya nga ginagamit ang surname nun eh. He is using his mother's last name.

BINABASA MO ANG
The One that got away.....
General FictionWhat if the One that got away comes back? Are you willing to win him back just to prove how sorry you are? Are you willing to give up everything just to be with him? Or will you just accept the fact that he already found the love that his looking fo...