PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT..
INGAT PO SA LAHAT..
"PAPA!!"kumaripas ng takbo si joss patungo sa kadarating palang na si lake. hindi ko maiwasan mapangiti dahil biglang nagbago ang mukhang pagod na mukha ni lake.
"How's your day big boy?"joss giggled ng kilitiin niya ito sa tagiliran.
"Good and I've meet kuya Carlo and Cristine. then Baby Trina. I'm asking momma if we can go to the philippines, pero sabi niya, I should ask you too as well. " nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ni lake at napatingin sakin.
Hindi ko talaga kaya minsan na pigilan ang pagiging madaldal ni joss, kapag nagsasalita ito talagang tuloy tuloy. binaba ni lake ang aking anak at lumapit ako sa kanya. kinuha ko ang bag nitong dala at hinalikan niya ako sa labi.
"I'm sorry, hindi ko nasabi sayo sa phone kanina."pagkatapos kong makausap si Anna ay tinawagan ko rin si lake. pero hindi ko sinabi sa kanya ang dahilan.
Hindi ito sumagot at nagpatuloy kami sa pagpasok sa bahay.
"Papa what Philippines looks like? is it big? Trevor said it's a nice place." Kinuha ni joss ang spare na tsinelas ni lake sa gilid at nilapag nito sa paanan.
Joss always did that whenever lake was home. Tumingin sakin si lake at kasunod ay kay joss.
"It's a nice place joss. don kami pinanganak ni momma mo."tumabi ako kay lake at hinaplos nito ang aking balikat. I mouthed sorry to him.
"It's okay."sabi lang nito. Ang daming mga tanong ni joss tungkol sa pilipinas na matyaga naman sinasagot ni lake. This is what I like about him, mahaba ang pasensya niya. Siya yung tipo ng tao na hindi basta basta nagagalit.
Nang matapos kami kumain ay hinatid ko na si joss sa kanyang kwarto para patulugin. Nang makatulog na ito ay naabutan ko si lake sa Veranda. may hawak itong bote ng beer.
"So kelan ang balak niyong bumalik ng Pilipinas."bungad niya sakin at tinungga ang beer na hawak. ang mga mata nito ay nakatutok sa batis na katabi ng bahay.
"Hindi ko alam lake. hindi ko rin naman gustong bumalik don eh." naramdaman ko ang kamay niya sakin beywang at kinabig ako nito sa kanyang tabi. niyakap niya ako ng patagilid habang ang mga mata nami'y nasa labas.
"You know I hate seeing joss disappointed with what he want's."
"I know, pero.."wala akong maapuhap na mga salita samin pag-uusap. gusto kong sabihin sa kanya na natatakot ako sa kung ano ang posibleng mangyari, pero baka mas lalong mag-alala siya. Ayaw ko rin naman na madisppoint ang aking anak dahil hindi namin siya napagbigyan.
"it's okay jocel. kung ano ang magpapasaya kay joss don ako."hinaplos ko ang kanyang pisngi at hindi ko maiwasan maantig sa kanyang mga sinabi.
Mahal na mahal ni lake ang aking anak kahit hindi ito kanya. He will do anything for my son para maging masaya lang ito.
"Stop that face jocel." at mas lalong humigpit ang yakap niya sakin. This man is so inlove with me na hindi ko alam kong deserving ba ako. napakaswerte ko rin naman pala minsan dahil iniwan man ako ng ama ni joss, pero binigyan niya naman ako ng katulad ni lake na minamahal ako unconditionally.
Malapit na rin ang aming kasal. Ilang taon na rin kasi kaming magkarelasyon at alam ko matagal nang gusto ni lake na itali ako. kaya nung gabing nagpropose siya sakin hindi na ako nagdalawang isip. alam ko naman na hindi niya kami pababayaan ni joss at kung meron man lalaking dapat ko rin mahalin ay siya yun.
BINABASA MO ANG
The One that got away.....
General FictionWhat if the One that got away comes back? Are you willing to win him back just to prove how sorry you are? Are you willing to give up everything just to be with him? Or will you just accept the fact that he already found the love that his looking fo...