PLEAS DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT....
Wala kaming imikan tatlo ng magkaharap harap kami sa hapagkainan. Hindi ko alam kung maganda bang ideya ang sumama ako kay Ramona at nandito sila. Aalis na sana ako kanina nung magkasalubong kaming tatlo pero agad akong pinigilan ng kapatid ni rafael. palihim ako nitong pinandilatan ng mata at siya naman dating din ng asawa nito na si danny.
Nahiya na akong umalis dahil nakahanda nadaw ang pagkain. Para akong hangin lumagpas sa kanilang dalawa. walang batian at nginitian na nagyari. para kaming hindi magkakilala pero nasa iisang bahay kami.
" Isasama kita bukas Jocel sa pamamasyal ah. sasakay tayo sa Yate ko." excited nitong sabi. agad akong lumingon sa kanya.
"Wow, ang taray muna talaga. May yate kana."
"Naman. salamat sa aking mana at nakabili ako ng bonggacious na yate." tumingin ito kala hillary at kumindat.
Katahimikan uli ang nangyari. wari'y pareho namin tinitimbang ang mga nagaganap. Kailangan mag-ingat, kaharap ko ang kalaban at kailangan kong pag-isipan ang aking mga galaw.
Kailangan mag-isip. wag magbasta basta.
Tumikhom si Ramona at nag-angat ako ng mukha. nakatingin ito kay Hillary.
"Kamusta ang Engagement niyo kagabi? balita ko umalis ka rafael, iniwan mo na naman itong fiance mo." hindi ko alam kung anong ibig sabihin don ni ramona. Well hindi ko siya nakita sa Party.
Binaba ni Hillary ang kutsarang hawak. hindi ito lumingon pero ramdam ko ang tensyon sa paligid.
" It's okay. May inasikaso lang ako, pero bumalik din naman ako agad." sagot ni Rafael. nahuli ko ang pasimple niyang tingin. Umikot lang ang pupil ng aking mga mata. The Hell I care.
"So kelan talaga ang plano niyong kasal?" si ramona muli. Okay. relax Jocel. Nangako ka sa sarili mo na wala ka nang mararamdaman sa taong ito.
"Next year ate."
"Next year? ang tagal naman. hihintayin mo ba munang manganak yan si Hillary bago kayo ikasal!!" bigla akong nasamid sa pagbulalas ni hillary. I didn't expect what she says.
" Okay kalang day?" tumango ako kahit panay ang aking ubo. naririnig ko ang pagsinghap nila hillary at alam kong nasakin ang kanilang mga mata.
" We were planning na sa UK kami magpakasal next year. don na rin ako kasi manganganak eh." magalang na sabi ni hillary.
Magalang? eh bruhilda kaya ang isang yan. isa siyang mangkukulam na nagtatago sa magandang mukha na yan.
" UK? babalik uli kayo ron?" nagtaas ng kilay si ramona. nakita kong hinawakan ni danny ang kanyang kamay para pakalmahin. ni hindi ko alam kong ano ang dahilan ng pagngitngit ng damdamin nito.
" We just think na mas maganda kung don manganak si hillary at don na rin kami ikasal."
So it's true. buntis si hillary sa kanya. Lord, give me strength. Wag niyo po sanang hayaan na magkamali ako sa kanilang harapan.
" But don't worry ate, kukunin namin ang buong pamilya niyo na abay." hinaplos ni hillary ang braso ni rafael at humilig sa dibdib nito.Ngumuso ako. kahit na umuusok na ang aking bunbunan sa kung anong selos ang nararamdaman ko, kailangan kong kontrolin ang aking damdamin.
Kung masaya sila eh paki ko.
"Hindi naman yun hillary ang inaalala ko. Alam ninyo na ang buhay ko ay nasa Puerto, hindi rin namin pwedeng iwanan ang mga negosyo namin dahil lang don, ang gusto ko lang sana ay dito na kayo ikasal, alam niyo naman na ayaw kong bumalik ng UK diba." ramona said pleadingl. I frowned. knowing that she's upset.
BINABASA MO ANG
The One that got away.....
General FictionWhat if the One that got away comes back? Are you willing to win him back just to prove how sorry you are? Are you willing to give up everything just to be with him? Or will you just accept the fact that he already found the love that his looking fo...