"Ako na magdadala." kinuha sakin ni rafael ang aking backpack at isang travelling bag.
"No, ako na." pero agad itong nauna sakin palabas ng pintuan habang si betchay nama'y tumatalon at nakikipagharut pa sa kanya.
" Mam, pasensya na ho, hindi ko na kayo mahahatid sa train. Pinatawag kasi ako ng boss ko para sa delivery mamayang gabi." napakamot ng ulo si Dindo habang hinahatid kami nito sa labas ng bahay.
" Ayos lang iyon Dindo. Pasensya na sa pang-aabala." naramdaman ko ang presensya ni rafael sakin tabi at hinawakan ako nito sa beywang.
" Naku mam wala ho yun." tumingin ito kay Rafael at napansin ko na may dinudukot siya sa kanyang bulsa.
" Ito pare, alam kong malaki ang maitutulong nito sa kapatid mo. Kapag tinawagan niya yan, sabihin mo ang magic word." he winked at him at nahihiyang inabot nit Dindo ang kapiraso ng papel na bigay ni rafael.
" Maraming salamat talaga pare, malaking tulong to sa intern ng kapatid ko."
Siniko ko si rafael pero parang wala man lang itong naramdaman at nakipag-usap pa kay Dindo.
" Wala yun, pasensya ka na rin nung nakaraan araw." tumingin ito sakin. "Tsaka yung tungkol pala don sa..." naglaro ang mga mata nito. hindi ko alam kung san siya titingin, kung sakin ba o kay Dindo. pero lumapit ito kay dindo at may binulong.
Nakita ko ang paghagikhik ng dalawa at mas lalong nakunot ang aking noo.
mamaya lang ay bumalik ito sakin tabi at kinabig ako sa beywang.
" Oh siya, alis na kami." paalam pa nito at tumango si dindo samin dalawa.
napansin ko si betchay na panay ang pagsayaw ng buntot.
Lumuhod ako para abutin siya.
" Alis na kami Betchay. bantayan mo ang bahay ha." napangiti ako ng tumahol ito at hinimod ang aking kamay na humahaplos sa kanya.
Nakiluhod din si rafael at siya naman itong nilapitan ni Betchay.
"Sorry betchay, this is your home. As much as we want to stay here, we can't." nagtama ang aming mga mata ni rafael. siya naman itong nginitian ko.
I can see the kindness and sincerity in his eyes. How can he love my dog sa loob lamang ng ilang araw. ganun din si betchay sa kanya.
Posible bang mahalin mo ang isang tao o hayop sa madaling panahon lang.
Well, siguro nga.. kasi ito ang nakikita at nararamdaman ko sa kanila.
Tumahol si betchay sa kanya at naririnig ko na naman ang hagikhik ni rafael habang dinidilaan siya nito sa mukha.
This is why Love moves in misterious ways.. (ano sabi ni author)
Sa araw araw na kasama mo ang isang tao, don mo makilala ang iba't iba nilang sides. There flaws, there differences.. but at the end of the day, before you close your eyes and aim for another tomorrow. hindi mo pwedeng ikaila na habang lumilipas ang ilang araw, yung pakiramdam mo sa taong yun, lumalalim.
Na kahit alam mong imposible.. nagiging posible.. kasi ang Love, hindi ito isang pakiramdam na pinili mong maramdaman.. This is unexpected. undiniable, indiscribable..
Na para kang tumatawid sa kalsada na may nakatagong sign na jaywalking.. hindi mo malalaman na jaywalking ka kung walang mmda na lalapit sayo at maninita..
na katulad ng pagtawid sa kalsada sa gitna ng mga humaharurot na sasakyan.. hindi mo mararamdaman ang pagdating ng bawat kotse hanggang sa tamaan ka nalang..
BINABASA MO ANG
The One that got away.....
General FictionWhat if the One that got away comes back? Are you willing to win him back just to prove how sorry you are? Are you willing to give up everything just to be with him? Or will you just accept the fact that he already found the love that his looking fo...