CHAPTER 57

14.7K 322 24
                                    

"Ngayon araw daw ang alis niyo papunta ng Pilipinas. Ang bilis naman ata." I can sense the bitterness on her voice. Tumango ako at uminom ng tubig.

Pumalatak ito ng nakakalokong tawa at kumuha ng tissue. nagpunas ng luha sa pisngi. hindi ko alam kung ilang beses na itong umiiyak, pero base sa mukha nito, alam ko na wala pa itong tulog.

" Stupid love." sabi pa niya at hinagis ang tissue sa mesa.

" Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa sayo jocel." napalunok akong muli ng makita kong may dinukot siya sa kanyang bag. alam ko na may hidden agenda siya sa lihim namin pagkikita pero hindi ako magpapatalo.

May inabot siya sakin papel. Hindi ko alam kung ano yun, pero may nakaimprintang pangalan ng sikat na ospital sa may Tampa.

" Take a look." she hand me over the paper at wala akong maintindihan don liban sa findings ng doktor na isang sakit na hindi ko rin naman alam kung ano.

" I have a tumor cancer Jocel. and I'm dying." mariing nitong sabi. wala sa sariling binasa ko ang papel  at kahit hindi ko maintindihan ay pilit kong iniiscan ang bawat detalye sa kanyang sakit.

" How come? I mean.. kelan ka pa..."

" I stop doing the session  when we found out na wala na akong sakit when I was 18. Then, 2 years ago, they just found out na meron na naman bagong tumor, and worst, wala na silang magagawa sa pangalang pagkakataon sakin."

nanlalaki ang aking mga mata sa kanyang mga sinabi. She doesn't look sick. wala sa mukha niya ang magdadala ng ganito kahirap na sakit. 

" I only have few years para mabuhay jocel. O baka buwan, o di kaya araw nalang ang meron ako dito sa mundo." ngumiti siya ng hilaw at nagpahid muli ng mga luha.

" And I only have one wish bago ako mamatay, iyon ay ang matutunan akong mahalin ni rafael, nang higit sa pagmamahal na meron siya sayo." nagpalitan kami ng tingin. hindi siya bumibitaw ng mga mata sakin, samantalang ako ay hindi ko kayang titigan siya.

" Pero ngayon,mukhang imposible na atang mangyari na mahalin niya ako dahil nandito kana. Lahat ng ginawa kong pagtyatyaga para makuha ang kanyang puso ay nawalan parang bula, na katulad niya, alam kong hindi na siya magiging akin." 

Yumugyog ang balikat nito at napalingon ako sa buong paligid. mabuti nalang at nasa 2nd floor kami ng restaurant at walang katao tao don liban samin.

" Jocel sana hindi kana lang bumalik." tumagos hanggang buto ang mga salitang iyon sakin. knowing I'm the reason of her missery.

" Kasi maayos naman kami nung wala ka eh. nakikita at naririnig ko siyang tumatawa. masaya siya sa piling ko. at alam ko, kung ipagpapatuloy ko ang ginagawa kong pag-aalalay at pagsuporta sa kanya, mamahalin niya ako. makakalimutan ka na niya.." 

Suminghot ito at nagpunas muli ng mga luha. 

" What do you need jocel? anong gusto mo? gusto mo ba ng expansion ng kompanya niyo sa  UK. I can give it to you in a snap. Do you need anything else rather than him? please tell me jocel.. tell me kung ano ang pwedeng magpabago ng isip mo para layuan mo siya." naawa ako sa kanyang ginagawa. 

Hindi ako sumagot at hinayaan ko lang siya na humagulhol.

Again, walang atrasan na ito. I've been so selfless in a way na kaya ko nagawang layuan si rafael noon ay dahil sa mga taong nasaktan ng aming pagmamahal. mga taong di kami tanggap.

But now, hindi ko pwedeng ulitin iyon ng dahil lamang sa may sakit siya o dahil mamatay na siya.

Hindi si rafael ang gamot sa kanyang sakit. Hindi ang kanyang puso ang kayang magpagaling sa kanya.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon