CHAPTER 86

59.6K 985 245
                                    

EPILOGUE

 

After 7 years..

 

Jocel

Nilagay ko ang dala kong bulaklak sa lapida ng libingan nang namayapa kong asawa. Ikadalawang anibersayo ng pagkamatay ni lake mula sa pagsabog ng planta nila sa Brunie. 

Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang pait na mawalan ka ng taong minahal mo. Inalis ko ang mga tuyong dahon don at nilinang nang aking mga daliri ang bawat letrang nakatarak sa lapida.

Limang taon lang ang itinagal ng aming pagsasama. pero sa loob ng limang taon na yun ay natutunan kong ipagkatiwala sa kanya ang aking puso.

Nagkaron kami ng isang pamilyang ninanais ko. Nagkaron kami ng dalawang Anak bukod kay Joss. but then, pagkatapos ng anniversary ng kasal namin, ilang linggo lang ay kinuha na siya samin ng maykapal.

Nagkaron ng pagbabanta ng terorista sa bansang Brunie. Isa sa mga pinapasabog na mga planta ay ang negosyo nila. Dahil sa kagustuhan namin na maayos ang gulo at matigil na ang pagbabanta ay minabuting makipagkasundo si lake sa pagitan ng mga terorista at kaanib namin ang gobyerno ng Brunie.

Akala namin ay masasagot nun ang lahat ng problema pero hindi pala. Ilang araw matapos maibigay ang hinihiling ng mga rebeldeng sibilyan ay pinasabog ng isa pang grupo ng mga rebelde ang planta nila lake at kasalukuyan nandon ang aking asawa.

Abo na nang iuwi samin si lake at nakakalungkot dahil hanggang ngayon, naghahabol kami ng hustisya para sa kanya.

Galit na galit ako sa mga taong pumatay sa asawa ko. naawa ako para samin mga anak kasi sa murang edad nila Ladylyn and Levi ay pinagkaitan sila magkaron ng ama.

Travis, my brother in law took charged with everything. mabuti nalang at hindi ito nadamay kahit nasa parehong lugar sila ni lake ng araw na yun.

pero hanggang ngayon, sa tuwing dumarating ang araw ng pagkamatay ni lake, nananariwa ang sakit. parang kelan lang ay masaya kaming magkasama at tahimik na namumuhay pero ngayon, nabalot ng kadiliman ang tahanan minsan napunan ng kasiyahan.

Pinahid ko ang aking luha. 

Araw araw akong nagtatanong sa panginoon kung bakit ang asawa ko pa ang kinuha. maraming masasamang tao sa mundo pero bakit si lake? wala akong mahanap na magandang rason sa mga nangyari, kasi napakabuting tao ng aking asawa.

Wala kaming inaargabyado sa negosyo. Sana, ang mga terorista nalang na yun ang mga namatay. hindi ang mga inosenteng tao na walang ibang ginawa kundi ang gumawa ng mabuti sa kapwa.

Pero hindi ko hawak ang kapalaran ni lake. walang sinuman ang hahangarin na mangyari iyon sa kanya, lalo na ako..

Napakaunfair lang para sakin pamilya ang lahat.

" Mom nandito na po si Daddy." napalingon ako kay joss at sinalubong ko ng tingin ang lalaking nagmamay-ari ng kulay bughaw na mga mata.

tumingin ako sa lapida ni lake at sandali ko pang hinaplos iyon. sandali pa'y tumayo ako at napansin kong nakasandal lamang si rafael  sa kanyang sasakyan. hindi siya lumalapit.

" Mom I'm hungry." sabi sakin ng anak kong babae. Inabot ko sa kanya ang dala namin pagkain. binigyan ko rin sila Levi na kasalukuyan naman nilalaro ni Joss.

napangiti ako.

Nawalan man ako ng asawa, nandito pa rin ang aking mga anak. sila ang natitirang magagandang alaala ni lake sakin. at masayang masaya ako dahil nabigyan ko ng mabubuting anak ang aking asawa bago ito namayapa.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon