CHAPTER 82

18.7K 433 45
                                    

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT...

FEW CHAPTER'S LEFT!! MALAPIT NA PO TAYO SA ENDING...

SALAMAT PO SA WALANG SAWANG SUPORTA....

They said that forgiveness holds the possibility for expanding our capacity to love. Kung gusto natin makalaya mula sa multo ng ating nakaraan, mula sa masalimoot na pagkabigo, mula sa pagkakulong ng ating puso sa lahat ng galit, if we want put our heart to be open again, it means na handa na tayo kalimutan ang mga nakaraan at lumakad ng matuwid sa kasalukuyan,

pero bakit nga ba hirap tayo na magpatawad ng ibang tao, o kung bakit ayaw natin kalimutan ang mga masasakit na nangyari satin nakaraan.

Nalaman ko, base sakin mga naging karanasan, isa sa mga dahilan kung bakit hindi natin magawang magpatawad ay dahil may mga bagay satin nakaraan na nakatarak satin puso't isipan. Ito ay ang poot, galit, hinanakit, paghihirap, sakit na minsan naging bahagi ng estorya satin buhay at paulit ulit na nangyayari satin isipan.

Sabi pa nga, para itong mga unwanted na bisita na kahit gustong gusto mo na paalisin, hindi sila umaalis. kasi, nang simula kang magsaboy ng buto ng poot sayong damdamin, diniligan mo ito ng lahat ng galit, unti unti itong nagkakaugat at nagiging puno. Nagkaroon ng sanga sangang emosyon hanggang sa unti unting yumabong at magbunga ito ng kung ano ang iyong tinanim.

Unti unti nitong sinasakop ang iyong kalooban hanggang sa makulong ka sa isang napakapait na kalagayan dahilan para hindi makapasok ang kaligayahan iyong hinahanap.

Kaya nitong nakawin ang lahat ng kakayahan mong magmahal ng iba. Pinupunan ng kadiliman ang lahat ng espasyo hanggang sa unti unti itong maging karimlaman. at higit sa lahat, kaya nitong isarado ang tarangkahan ng pintuan sayong puso upang papasukin ang katotohanan sayong buhay.

dahilan para matigil sa pagdaloy ng pagbabago, nang lahat ng pagtanggap, nang lahat ng mga bagay na magpapasaya sayo.

Nagiging biktima tayo kalaunan ng isang mapait na nakaraan, dahilan para tayo maging mahina, mawalan ng kapangyarihan, tumalikod at manisi ng iba.

Ang pagpapatawad ay hindi tungkol sa mga taong nanakit satin. ito ay tungkol sa sarili mo, kung pano mo papalayain ang lahat ng hinanakit sayong puso at kung pano ka makakalakad ng panatag ang loob.

Hindi ito patungkol sa dami ng mga taong nanghingi sayo nito, o sa dami ng sinabing "I'm sorry" sayo ng taong nagkasala, hindi ito nila hinihingi para lang sa sarili nila, para ito sayo at para makalaya ka sa lahat ng hinanakit sayong buhay.

Wala tayong kontrol sa mga nangyari sa nakaraan, walang paraan para maibalik at maitama ang lahat ng mga nangyari, Oo iniisip natin na nakapaunfair naman ng buhay, bakit kailangan ikaw pa ang makaranas ng lahat ng sakit kung wala ka naman ibang ginawa kundi ang gawin ang tama.may kasabihan nga tayo na minsan, nangyayari ang masasamang bagay sa mga taong matutuwid. For what the Bible said, mapalad ang mga taong nakakaranas ng ganitong uri ng suliranin sa kanyang buhay, kasi sa panahon mahina nga, don nahahayag ang kabutihan ng DIYOS at don tayo lumalakas.

 Wala tayong kontrol sa mga mangyayari, pero kaya nating obserbahan ang ating sarili sa panahon nilalamon tayo ng kapighatian. kaya nating matutunan lagpasan ang lahat at tanggapin ang mga nangyari ay nangyari na.

Pinutong ko ang aking buhok at muli kong pinagmasdan ang aking sarili mula sa replika ng salamin. Napangiti ako sakin sarili ng makuntento ako sakin ayos. Susunduin ko si joss ngayon ospital at masasabi kong mahimbing ang naging pagtulog ko sa loob ng napakahabang panahon. Nawala ang bigat na aking nararamdaman at tila may nilalang na nakalaya sakin sarili at nag-iwan ng malaking bahagi sakin katawan na puno ng kasiyahan.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon