Stanza 4
To: Ate Axie
Hindi naman ako imbitado. Okay lang, babatiin ko na lang siya sa text.
From: Melissa Shane
Not coming to the hotel. With Ate Anne right now.
Hindi ko nireplyan ang kambal ko. Alam kong pupunta rin siya sa party mamaya, kung party nga ba talaga ang hinanda. Imposible naman kasing simpleng handaan lang. Napatingin ako sa orasan ng phone ko, 4:45 pm na. Parang bumilis yung oras ah. Tumayo si kuya Kevin at kinuha ang jacket niya.
"Hindi ka sasama?" Tanong niya.
"Not invited." Sagot ko.
"Why do I doubt that? Anyway, ingat ka dito. See you later." Sabi niya at tumungo sa pinto.
"Enjoy!" Sabi ko at lumabas na siya ng tuluyan.
***
Unti-unti nang nagsidatingan ang mga bisitang inimbita ni Jun Hee. Well, siya kasi ang nag-organize ng party. Halos businessmen ang lahat ng imbitado. Kung may holdaper dito, maswerte siya. Puro big time people. Inisip ko tuloy na parang hindi ko 'to birthday celebration. It's very formal, actually. Parang may company celebration, company thanksgiving, or something like that. Sabi ko sa kanya na simpleng party lang ang gusto ko, mga kaibigan lang ang imbitado.
"Did you invite Steph?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya at nagsalita.
"She's one of our business partners, don't you know that? Parte siya ng advertising team." Sabi niya. Bakit hindi ko alam yan?
"Kailan lang?" Tanong ko.
"A year ago. Dahil sa kanya, nasa international magazines ang MJH." Sabi niya habang ngiti nang ngiti sa mga dumarating na bisita.
Dumating ang mga kapatid ni Steph. Muntik ko nang mapagkamalang si Steph si Shane pero naalala kong hindi nagsusuot si Steph ng pink.
"Happy birthday, Drei!" Bati nila sa akin. Isa-sa nila akong binigyan ng regalo. Pinasa ko naman to sa butler.
"Thanks. Kayo lang?" Tanong ko.
"Wala sila mommy at daddy eh. As usual, nasa ibang bansa pero they sent you this." Sabi ni Ate Lyza at may inabot na envelope sa akin. "Hindi ko alam kung anong nandiyan." Dagdag pa niya.
She didn't answer my question, somehow. Pero hindi ko na lang pinahalata at nagpasalamat sa regalo. Umupo sila sa table kung saan nakaupo ang mga kapatid ko.
"Jun Hee, let's go." Inalalayan ko si Jun Hee papunta sa table nila Shane. Bakit ba kailangang may kakambal si Steph? Para namang pinapamukha sa akin ni tadhana na nakikita ko nga siya pero hindi naman siya.
"Hello, guys! Thanks for coming talaga." Sabi ni Jun Hee. "Alam kong busy kayo kasi may kanya-kanyang schedules kayo but you still came."
"Syempre, sino ba namang hindi pupunta sa birthday ng kapatid?" Sabi ni ate Axie. Natawa naman sila. Panay tingin ako sa pinto dahil baka posibleng makita ko ang hinahanap ko pero mukhang imposible na.
BINABASA MO ANG
Another Song For You[ASFY2]
Teen Fiction[ON GOING] They all ask her the same question, "What if babalik siya sayo?"