Stanza 12
Akalain mo yun, may RV na kami? Actually, it was just a customized bus. Kuya bought a big bus and replaced the chairs with sofas and beds. Graduation gift niya daw yun sa akin kaso di niya inasahang magkakatrabaho ako kaagad kaya heto, ngayon ko lang nalaman na nag-eexist pala to. Syempre, dinamba ko si kuya nang makita ko ang loob. Isa to sa mga life goals ko no!
Ang matutulog dito sa bahay for now ay syempre, ako at si Jethro, si Loisa, at si Troy. Chinecheck namin yung hitsura ng sasakyan namin para sa trip bukas. And OMG, it's too good to be true. Pagkapasok ko ng bus, pakiramdam ko anlaki ng bus pero normal lang naman siya tingnan. Para siyang pinalaking RV. Sa dulo ng bus ay isang double-deck na kama, syempre mas mababa ito sa normal na double-deck na nakikita natin sa mga kwarto; may dalawang sofa na magkaharap, isa sa left at isa sa right side ng bus; may shelves na pwede mong lagyan ng kung anu-ano; at syempre ang harap ay yung traditional na hitsura ng bus: driver's seat, at may apat na passenger's seat pa, dalawang tao sa isang upuan.
"Oh! Si Kuya Roland ang magmamaneho para sa inyo. Pasalamat kayo at napapayag ko siya." Sabi ni kuya Nat. Nakatayo sa tabi niya si kuya Roland, ang dakilang driver.
"Thank you po, kuya Roland!" Sabay-sabay naming sabi. Ngumiti siya sa amin at sinabing walang anuman. Trabaho rin naman niyang dalhin kami sa kung saan-saan.
"May food sa shelves. May icebox diyan na maglalaman ng drinks. Ilalagay ng maids bukas. You're all set for a long road trip." Sabi ni kuya Kev habang pababa siya ng bus.
"Saan kasi tayo pupunta?" Tanong ko. Hindi ko naman alam kung ano ang naplano nila. Basta lang umuwi ako para makasama sa kanila. "Bakit pakiramdam ko napakahaba ng biyahe na to?" Ngumisi sa akin si Jethro and seriously, he creeped me out.
"Sa villa namin."
"You have got to be kidding me."
~
Si Drei na lang ang hinihintay. Nakapwesto na kami dito sa loob ng bus. Malamig na yung aircon. It's 4am, hence, malamig talaga. Nakahiga na nga lang ako sa kama dito eh. Si Shane nasa sofa, inaantok pero gising pa rin at nakasandal sa balikat ni Mervin; katabi naman nila si Rean at Melisse, ganun din ang posisyon pero si Rean tulog rin at nakapating ang ulo niya sa ulo ni Melisse; si Loisa nasa top deck, double deck yung kama eh. Pinikit ko ang mga mata ko, inaantok.
"Oy Steph. Kilala mo yung isa sa mga shareholders ng MJH Fashion na si Min Jun?" Napadilat ako sa tanong ng kambal ko. Min Jun, ang super loyal ex-boyfriend ni Junhee.
"Ah... Syempre, lumabas na siya once sa magazine namin. Bakit?" Sabi ko. That was just once at hindi pa masyado known ang Diamond Magazine noon.
"Tinawagan niya kasi ako kagabi, tinatanong niya kung pwede ba daw siyang sumama sa outing. Philippine number yung gamit niya." Agad akong napabangon.
"Sure! Naging kaibigan ko rin naman yun. Atsaka mabuti na rin para may makausap ako, hindi yung magsawa ako sa kanonood ng live romance film." Tulad ngayon.
Sana pala pinasama ko na lang si Kristoffe. Nagkatampuhan kasi kami eh kaya hindi ko na pinaalala sa kanya na ngayon yung outing. I feel bad. "Ako na tatawag. Akin na phone mo." Inabot niya sa akin ang phone niya at hinanap ko ang pangalan ni Min Jun. Nagring ng apat na beses bago niya sinagot ang tawag. Bilis ah.
"Yes, Miss Marino?" Sagot niya sa kabilang linya. May energy pa siya ganitong oras eh. Hindi ba to natutulog.
BINABASA MO ANG
Another Song For You[ASFY2]
Genç Kurgu[ON GOING] They all ask her the same question, "What if babalik siya sayo?"