Stanza 1
Nakaupo ako sa swivel chair ko, sa harap ng macbook pro ko. Nakatitig lang ako sa screen at hinihintay ang submissions ng mga employee ko. I'm now in New York and the editor-in-chief of Diamond magazine. Biglang bumukas ang pinto ng office ko at sumilip ang secretary ko.
"Miss Melissa, your 9:30 is here." Sabi niya.
"Ok." Sabi ko at sinara ang macbook ko. Inayos ko ang sarili ko at hinintay ang pagpasok ng kameeting ko ngayon.
Ilang sandali lang, pumasok ang secretary ko kasama ang isang babaeng naka corporal suit. Mukha siyang pinoy. Pinaupo ko siya sa sofa na narito sa office ko at inutusan ko ang secretary ko na ipaalala sa iba ang deadline ng submissions nila.
"Goodmorning, Miss Melissa." Sabi niya nang makaupo ako sa couch.
"Goodmorning, Miss..." Inilahad ko ang palad ko. Tinaggap naman niya.
"Rodriguez." Sabi nya.
"Oh. Pilipino ka?" Tanong ko.
"Yeahp." Sagot niya. Good. 'Cause I'm tired of speaking English. Nginitian ko siya.
"So Miss Rodriguez, anong maaari kong maipaglingkod sa inyo?" Tanong ko. Nginitian rin niya ako. Siguro masaya siya dahil hindi niya kailangang mag-English ng bonggang bongga.
"Head po ako ng advertising department sa isa sa mga pinakamaimpluwensyang kumpanya sa Pilipinas. I'm here to ask the editor-in-chief of the Diamond magazine to feature the company and its CEO." Pagpapaliwanag niya.
"Hmmm... That's good. Wala pa namang nagsubmit ng main feature sa akin para sa next year's August issue. Good thing you came. But you could have just e-mailed me." Sabi ko. At hindi ko na naman napigilan ang page-English ko. Nasanay kasi eh.
"Yes, yun nga sana ang gagawin ko pero sabi ng kapatid ng CEO, I have to see you personally. Hindi ko alam kung bakit." Sagot niya. Tinanguan ko na lang siya. Kinuha ko ang iPad ko mula sa coffee table at binuksan ang calendar.
"So kailan pwedeng i-interview si Mr. CEO?" Hinanap ko ang calendar ng September para maipasok sa schedules.
"He is free on..." Binuksan niya rin yung iPad niya. "...on October 18. 10am." Tiningnan ko ang calendar at tinype sa October 18 ang CEO interview.
"October 18 is good. Pupuntahan kayo ng interview team sa kung saan man kayo sa araw na yan."
"Nasa Pilipinas lang kami niyan." Sabi niya. Tumango ako.
"Okay. The interview team will be there... uhmmm... where, did you say, is the company?" Tanong ko. Naglabas siya ng calling card at ibinigay ito sa akin. Nakalagay doon ang pangalan niya at ang address ng kumpanya. One Step Enterprises, Inc. Hmm. Never heard of it. "Thank you."
"Miss Melissa," Napatingin ako sa pinto dahil sumilip ang secretary ko. "Ms. Melissa is here." Sabi niya.
"Tell her to wait." Sabi ko. Tumango ang secretary ko at sinara ang pinto. Hinarap ko muli si Miss Rodriguez.
"Well then, nice business talk with you, Ms. Rodriguez. I assure you a good 4-page feature about your CEO." Inilahad ko ang palad ko at ngumiti. Ngumiti rin siya at nagshake hands kami. Lumabas na siya ng office ko at ilang sandali lang pumasok ang kambal ko.
Umupo na naman ako sa harap ng macbook ko at tinitigan ang screen. May submissions na, mabuti iyan. Baka gusto nilang mawalan ng trabaho kung hindi pa sila nagsubmit.
BINABASA MO ANG
Another Song For You[ASFY2]
Novela Juvenil[ON GOING] They all ask her the same question, "What if babalik siya sayo?"