Stanza 20

101 7 0
                                    

Stanza 20


***


Huminto ako sa paglalakad at hinarap si Steph. Mabagal ang pace ng paglalakad niya at nakasimangot siya. Mukhang may iniisip ah. Napapatingin tuloy ang mga tao sa kanya. Napabuntong hininga ako at bahagyang natawa. Ancute talaga niya kapag nakasimangot. Hindi niya namalayang nasa harap ko na pala siya kaya nabangga yung mukha niya sa dibdib ko.


"Sana sa labi ko na lang yan bumangga." Biro ko. Pero sa totoo lang, gusto ko siyang halikan. Kanina pa. Nagpipigil lang talaga ako dahil sa usapan naming dalawa at sa pustahan namin ng fiance-niyang-hindi-pala-niya-fiance.

"Haynako, Drei ha. Kanina mo pa pinagnanasaan ang mga labi ko." Sabi niya at ngumiti. Nagulat ako sa sinabi niya. Nauna na siyang maglakad. Napailing na lang ako habang nakangiti.


Pagdating namin sa parking lot, napahinto si Steph sa labas ng pinto.


"Oh bakit ka huminto sa paglalakad?" Tanong ko.

"Hindi ako manghuhula para malaman kung saan ka nakapark." Sabi niya. Pinisil ko ang ilong niya. "Ya!"

"Tara na nga! Baka maunahan pa tayo ng kambal mo sa bahay. Magtaka pa yun." Sabi ko at hinila siya papunta sa kotse ko.


Pinagbuksan ko siya ng pinto, sumakay naman siya. Nilagay ko sa trunk yung mga pinamili niya para kay Fanie bago ako sumakay sa driver's seat. Huminga ako ng malalim at tiningnan siya. I missed her so much. Pinaandar ko na ang makina at pinatakbo ko na ang kotse.


Sa totoo lang, kaya kami nasa mall dahil tinawagan ako ni Mervin kanina. Sabi niya nasa mall daw si Shane at nagpapasundo maya-maya dahil marami siyang dala. Syempre, ano namang kinalaman ko kay Shane, diba? Kasunog niyon ay sinabi rin niyang magkasama sila ni Steph, marami ring dala. Inisip ko, okay naman nang tulungan sila ni Mervin. Tatlo sila, magtulungan sila. Nangibabaw sa isip ko yung katotohanang natalo ako sa pustahan namin ni Kristoffe. Pero naisip ko ring ang pustahan namin ay titigil sa pagkuha ng damdamin ni Steph ang matatalo. Hindi ko naman kinukuha ang damdamin niya, tutulungan ko lang naman siya sa mga dala niya. Kaya ayun, pumayag ako na sunduin siya sa mall.


"So, susunduin ba natin si Jun Hee?" Tanong niya.

"Of course, not. Nasa Korea siya. Doon siya magpa-Pasko. That's a given. Every year." Sagot ko. Napatingin siya sa akin.

"What? Hindi pa kayo nag-Pasko together? That's a weird thing for a couple to do." Sabi niya. Bahagyang natawa ako.

"You really think we're a couple huh?"

"Duuh. Kinasal na kayo. And since business got  you married, both of you should have worked everything out. I mean... hindi naman mahirap gustuhin at mahalin si Jun Hee. Nasa kanya na ang lahat, kinasal ka pa sa kanya. Swerte mo nga eh. Si Min Jun, ayun, mahal pa rin si Jun Hee pero wala siyang magawa." Well, that's because she is not you.

"Haba ng sinabi ah." Sabi ko.

"Wow. Yan lang ang masasabi mo? Ariel Drei is Ariel Drei." Sabi niya at sumandal sa upuan. Napatingin ako sa kanya saglit. Tinabi ko yung sasakyan. "Uhh... May problema ba?" Tanong niya.


Hinarap ko siya at nilapit ang mukha ko sa mukha niya, layo naman siya ng layo hanggang sa napadikit na siya sa bintana. Napapikit siya ng mariin. Napangiti ako. Ancute niya. Nilapit ko pa ang mukha ko hanggang sa less than one inch na lang ang pagitan namin. Nagulat ako nang dumilat siya at ngumisi.

Another Song For You[ASFY2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon