Stanza 16
***
Napansin ko nang nabasag na ni Steph ang basong hawak-hawak niya habang tulala siya. Ako yung unang tumawag ng pangalan niya kaya napatingin silang lahat sa kanya at sila na ang nagpatuloy sa pagtawag sa kanya.
Nag-aalala ako.
Hindi normal sa culture ng babae ang makabasag ng baso gamit ang isang kamay at kamay lang mismo. They need outside force. But looking at Steph, the force came from the inside. Hindi yan matutulala kung hindi malalim ang iniisip niya.
Naalarma lang ako nang hinimatay siya. Siguro dahil yun sa sugat niya. Agad naman siyang binuhat ng fiance niya. Patuloy ang pagdugo hanggang ngayon. Pumunit ako ng maliit na piraso sa table cloth sa cottage at pinambalot ito sa kamay niya.
"First aid kit won't be enough." Sabi ko habang tinatakpan yung sugat niya para macontrol ang pagdugo. "Ray, may kotse ka ba dito?" Tanong ko kay Jethro.
"Nasa garahe. Nasa shelf ang susi." Sabi niya. Tiningnan ko ang fiance ni Steph at agad naman niyang nakuha ang mensaheng gusto kong iparating.
Tumakbo kami papunta sa garahe at agad pinasok si Steph sa back seat.
"Samahan mo siya sa likod. Ako na magmamaneho." Utos ko sa fiance niya. Tumango naman siya at umupo sa likod. Yung ulo ni Steph nasa mga binti niya. Tinamaan ako ng selos. Shit! Ano?
Pinaandar ko ang kotse at saka pinatakbo ito ng mabilis para madala si Steph sa pinakamalapit na ospital.
~
"Mabuti at nadala siya agad sa ospital. Kung hindi, baka nagka-infection pa siya. Malalim na malalim yung sugat niya at kinailangan ng surgery dahil na rin sa mga basag na piraso na nakapasok. She's fine now. She'll wake up in a while." Pagpapaliwanag ng doktor sa akin. Nagpasalamat ako sa doktor at pumunta sa cubicle ni Steph. Nasa emergency room lang kami dahil hindi naman ganun kagrabe yung sitwasyon niya.
Nakaupo yung fiance niya sa upuan sa tabi ng kama, nakayuko. Napansin kong dumilat na si Steph. Ngumisi ako.
"You woke up earlier than expected." Sabi ko. Sinubukan niyang itayo ang sarili niya pero napa-aray siya dahil sa kamay niya. Agad naman akong lumapit sa kanya at inalalayan siya. "Careful. Malalim yung sugat mo."
"Okay na ako. Okay na. You can let go of me now. Please." Sabi niya. Inalis ko ang pagkakahawak ko sa kanya. "Thank you." Napaupo na rin nang maayos yung fiance niya.
"Melissa." Sambit nito. So he doesn't call her Steph. Special people lang ang tumatawag ng Steph sa kanya. Pero fiance niya ito, why call her Melissa? Baka naman nago-overthink lang ako. Oo nga naman.
"Okay na ako. Pwede na ba tayong bumalik sa resort?" Tanong ni Steph. May bandage yung kanang kamay niya. May bakas ito ng dugo.
"Let's ask the doc—" Naputol yung sasabihin ko dahil sumulpot siya.
"Ang purpose lang na dinala niyo ako dito ay ang magamot ang malalim kong sugat. We're all fine now. Fees paid?" Napatingin siya sa fiance niya. Tinanguan siya nito. "Let's go then." Sabi ni Steph at bumangon. Nakita kong napangiwi siya dahil nagamit niya yung kanang kamay niya. Naunang naglakad yung fiance niya dahil may tumawag sa kanya.
BINABASA MO ANG
Another Song For You[ASFY2]
Teen Fiction[ON GOING] They all ask her the same question, "What if babalik siya sayo?"