Stanza 15

107 8 0
                                    

Stanza 15

Naglakad ako pabalik ng bahay at pilit inaalala kung ano nga ba talaga ang nangyari sa akin kagabi. Kung kailan naman kailangan ko ng sudden flashbacks, doon pa nawala. Haynako. The paradox of life.

Sabi ni Kristoffe, kinausap ako ni Drei sa bench. Nakarating ako sa harap ng bahay at ang unang napansin ko ay ang bench. Tinanggal ko ang shades ko at umupo dito. Umupo lang ako at nagmuni-muni hanggang sa biglang nagpop si Drei sa harap ko, dumilim at parang gabi na.

"Leave me alone." Taboy ko sa kanya. I am drunk, yes, but I can think straight.

"Steph, you're drunk. Hindi kita pwedeng pabayaan lang." Sabi niya. Hahawakan na sana niya ang kamay ko pero inilayo ko ito sa kanya.

"Then don't touch me." Kalmadong sabi ko. "Six years. Six years akong nagpakalayo sayo para kalimutan ang feelings ko, para matupad yung napag-usapan na natin na we will be the same Steph and Drei without the feelings. Pero wala." Hindi ko alam kung ito ang tamang panahon para ilabas ko lahat sa kanya, pero nasabi ko na eh. Wala nang bawian.

"Steph, I—"

"Akala ko makakalimutan kita dahil lumayo ako. Yun pala, lalo kitang namiss. Masakit, Drei. Alam mo ba yun? Para akong nakatapak ng land mine at hanggang ngayon... hanggang ngayon, hindi pa rin ako gumagaling." Nakita kong may luhang tumulo mula sa mata niya. He is crying.

"Noong huli tayong nag-usap nang maayos, hindi ko inasahang lalabo din agad ang kung anuman ang meron sa amin ni Jun Hee. Tapos napagtanto kong, I am only with her because she's my fiancee, now my wife. Hindi dahil malalim ang nararamdaman ko para sa kanya." Pinahid niya ang tumulong luha. "Naalala ko yung sinabi ni Loisa sa akin, na baka nagulat lang daw ako kay Jun Hee dahil nariyan siya noong wala ka. And for the first time, I agreed she's right." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinahid ang mga luhang tumutulo.

" Gusto kitang balikan, gustong-gusto! Pero magmumukha kang second choice at alam kong ayaw mo yun. Isa pa, noong unang beses kitang nakita after 6 years, mukhang masaya ka na. At nakatali na rin ako kaya kung babalikan kita, magmumukha kang kabit at ayaw kong manyari yun dahil mahal kita. Mahal na mahal pa rin kita!"Lalo akong napaluha sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita, dala na rin siguro ng pagkakahilo.

"Alam kong nasaktan kita dahil sa padalos-dalos kong desisyon, inaasahan kong makakahanap ka ng mas deserving pa kaysa sa akin. Pero the fact na nakikita kita at sa iba ka na napunta, di ko matanggap." Tumulo na naman ang mga luha ni Drei. Pinahid niya ito.

"At alam kong wala na akong magagawa doon. I have to face the consequences. But I want you back, Steph. Alam kong hindi mo fiancee si Kristoffe, I can read you. Pero alam ko rin ang tungkol sa nararamdaman niya para sayo at gagawin niya ang lahat para makuha ang loob mo. Pero hindi ko hahayaang mawala ka na naman sa akin ngayon." Sabi niya. Pinahid niya muli ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata niya. Dinikit niya ang mga noo namin.

"Wait for me, Steph. Please. Huwag ka munang bumigay sa efforts ng mga lalaking gusto kang makuha. They don't love you like I do." Tinulak ko siya palayo. Sinubukan kong tumayo pero nahilo ako at natumba. Nasalo ako ni Drei.

"But your defenses are up so high and strong dahil ikaw si Melissa Steph." Sabi niya. "But then again, ako si Ariel Drei." Binuhat niya ako na parang bagong kasal at muling nagsalita. "It's funny that I'm saying this to you now." Nag-umpisa siyang maglakad at nagsalita muli. "Makakalimutan mo rin naman to bukas."

 

Napatakip ako ng bibig. Maldo andwae! May ala-alang nagpop na naman sa isip ko. Lumulutang ako tapos naramdaman ko na lang ang malambot na kama sa likod ko.

Another Song For You[ASFY2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon