Stanza 2

192 6 0
                                    

Stanza 2

***

Nagtouchdown ang eroplano, madaling araw na. October 18 na ng umaga. Mamayang 10 am ang interview. Nakatulog naman rin ng maayos sa eroplano kaya hindi problema ang tulog. Medyo jetlagged lang pero kakayanin.

"You guys good?" Tanong ko sa team. Nagthumbs up naman sila. Nilapitan ako ng isang lalaking nakasuit.

"Miss Marino, nasabihan po kami ng kuya mo na pasakayin kayo sa chopper para makaiwas sa traffic." Sabi niya.

"Oh my gosh. I've had enough flying for now, thank you." Sabi ko. Agad naman akong nilapitan ni Shane.

"Steph, tama siya. At kailan ba naging mali si kuya?" Pinanliitan ko siya ng mata.

"Fine." Tinanguan ako nung lalaki.

"Dito po tayo." Sabi niya at naunang maglakad. Nilingon ko naman ang team.

"C'mon guys, we're going!"

~

Hindi ko alam na may helipad na pala dito. So much had happened huh. Bumaba kami mula sa helicopter. Inalalayan kami ng mga lalaking na corporate attire.

"Welcome to MS Hotel, Miss Melissa." Sabi ng isang lalaking may hawak na radio. I guess siya ang chief?

"Hi." Sabay naming bati ni Shane.

"Wait, MS?" Tanong ko. Tumango siya.

"Ako po si Rick, ang chief of security niyong mga Marino. Narito po kayo sa bagong hotel niyo." Sabi niya. Wiw. Did not see that coming.

"Oh. Daming nangyari nang mawala ako ha." Sabi ko. Ngumiti lang siya.

"Pumasok na po tayo nang makapagpahinga kayo." Sabi niya.

Nauna siyang maglakad. Sumunod naman kami. Nagulat ako nang akbayan ako ni Kristoffe. Napatingin ako sa kanya. Mukhang kulang ang tulog niya. Pinabayaan ko na lang siya. Pumasok kami sa elevator at pinindot ni Rick ang number 8. So sa 8th floor ang rooms namin. Bumukas ang elevator door at lumabas kami.

"Dito sa 8th floor ang mga kwarto niyo. Nasa may doorknob ang keycard. Pwede niyo akong tawagin by pressing the emergency button on the hotel phone." Sabi niya.

"Thank you, Rick." Sabi ko. Pumasok siya muli sa elevator at nagsara ito.

"I guess we get to choose our rooms!" Sabi ni Shane. Nagsaya naman agad ang mga kasama ko.

Kanya-kanyang pasok ng kwarto. At dahil masyadong malaki ang isang kwarto para sa isang tao, dalawa kami sa isang kwarto. Kasama ko si Shane, as usual. Ang kasama naman ni Kristoffe ay yung nag-iisang lalaki na sinama ko sa interview team. At yung tatlong babae, si Lady, Clary at ang secretary kong si Faye naman ang pagkasama.

"Anong meron sa inyo ni Kristoffe?" Tanong ni Shane nang maibagsak niya ang sarili niya sa kama. Nakaupo ako sa kama ko ngayon.

"Friendship?" Sagot ko.

"Bakit parang answeet niyo? May paakbay-akbay pang nalalaman." Sabi niya. Napangisi ako.

"Hindi ka rin naman maniniwala kung sasabihin kong mali ka ng isip." Sabi ko.

"Point taken."

Another Song For You[ASFY2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon