NOT A STANZA, JUST A SEGWEY.
Ano nga ba ang story ng limang magkakapatid? Sino ang magkadugo at sino ang hindi? You may have been very confused. Okay. Here is the story.
Ma. Stella Tonde. Siya ay anak ng isang hotel and resort chairman. Ipinagkasundo siya sa anak ng may-ari ng isang restaurant chairman, Moises Gonzales. Internationally known ang dalawang kumpanya. Bente anyos silang pinagkasundo. Huwag ka na magulat dahil 18 ang marrying age sa business world.
Si Stella ay maganda, matalino, maputi at matangkad. Habulin siya ng mga lalaki, kasali na doon si Moises. Ngunit, hindi si Moises ang gusto ni Stella kundi si Stephen Marino, ang kanyang childhood friend. Pero hindi ito alam ni Stephen.
Nang ikinasal ang dalawa, ikinasal rin si Stephen. Masakit para kay Stella pero kailangan niyang tanggapin si Moises. Mahal naman siya ni Moises kaya hindi malaking problema yun. Maliit lang dahil hindi mahal ni Stella si Moises. Si Stephen rin ay pinagkasundo sa anak ng isang businessman na kaibigan rin ni Stella kaya panatag siya. Nakakatawa pa nga dahil magkaapilyedo ang dalawang babae pero hindi sila magkadugo. Well, uso naman yan matagal na.
Lumipas ang 5 buwan, umalis si Moises ng bansa para magpalago ng business. Nasiyahan si Stella dahil wala nang maninigaw sa kanya. Oo, hindi asawa ang turing ni Moises sa kanya kundi isang katulong. Pero hindi siya sumuko sa kadahilanang nakasalalay ang kayamanan ng pamilya niya rito. Isang taon nawala si Moises at hindi niya alam na iniwan niya ang asawa niyang nagbubuntis pala. Ang batang yun ay si Nathaniel Stephen Tonde Gonzales. Subalit, tinago niya ito. Alam niyang anak lang ang habol ni Moises sa kanya at kapag nagkaroon ay iiwan na siya. At dahil doon, itinago niya si Nathaniel sa mga Marino.
"Please, Stephen. Alagaan niyo siya." Pagmamakaawa niya. "Treat him like your own son. Like your very first son."
Pumayag naman ang mag-asawa dahil alam nila ang sitwasyon ng kaibigan. Tinrato nga nilang anak si Nathaniel. Sumobra isang taon ang nakalipas, nagkaanak rin si Stephen ng kanya. At yun si Kevin Seth Tonde Marino. Wala pa rin silang balita mula kay Stella. Nag-aalala na ang mag-asawa para sa kanya.
"Matatag at matapang si Stella. Alam kong hindi siya basta basta magpapaapi kay Moises." Usal ng asawa ni Stephen.
"Oo alam ko. But she is not invincible. Masasaktan at masasaktan pa rin siya."
Lumipas ang dalawang taon at nagkaanak ulit ang mga Marino. Lyza Shaina Marino. Ngunit, sa kasamaang palad, namatay ang ina sa panganganak.
"Doc, hindi na po ba talaga siya mabubuhay? Gawin niyo lahat doc. Please lang po. Tatlo po ang anak namin. Maawa ka!" Hawak hawak niya sa kwelyo ang doktor.
"I'm sorry, Mr. Marino. We did everything we could." Sabi ng doktor at lumabas na ng operating room.
Dalawang taon na ang nakalipas magbuhat ng mamatay ang asawa ni Stephen. Wala pa rin siyang balita sa kaibigang si Stella.
Malalim na ang gabi at malakas ang ulan, naglalaro ang dalawang batang lalaki sa kanilang kwarto. 5 years old at 4 years old. Binabantayan nila ang kanilang tulog na kapatid na si Lyza, 2 years old. Nadistorbo sila nang may nagdoorbell.
"Baby Lyza, dito ka lang ah. Babalik lang sila kuya." Sabi ng batang Nathaniel sa natutulog na Lyza. Sinara nila ang pinto at bumaba para tingnan kung sinong dumating.
"Maam Stella! Naku! Bakit po kayo sumugod sa ulan? Magkakasakit kayo niyan!" Sumilip ang dalawang bata mula sa likod ng pader na nakaharang bago makapunta sa sala nila.
"Kuya, sino siya?" Bulong ng munting Kevin sa kuya niya.
"Siya yata yung mommy ko. Kamukha niya yung nasa picture eh." Sagot naman ni Nathaniel.
Sinabi ng daddy nila ang katotohanan tungkol kay Nathaniel kaya naman hindi na nagulat ang dalawa pero natatakot pa rin sila dahil baka isang kidnapper na nagpapanggap pala yun.
"Heto po maam. Magpatuyo po kayo. Naku! Yung bata pa! Kawawa naman. Teka lang po maam ha."
"Bata?" Sabay na usal ng dalawang kuya. Tumakbo sila palapit kay Stella. Nagulat naman siya.
"Nathaniel?" Sambit niya. Tumakbo naman sa kanya si Nathaniel at niyakap ito.
"Mommy!" Sambit niya. "Mommy, si Kevin po. Kapatid ko." Sabi niya with matching quotation mark sign pa. Tumawa naman sila. Nilapitan ng dalawang bata ang sanggol na nakalagay sa basket.
"Mommy, is she my sister? She looks like me!" Masayang sabi ni Nathaniel. Hinawakan naman ni Kevin ang pisngi ng sanggol.
"Woow. Mommy--oops." Tinakpan ni Kevin ang bibig niya dahil natawag niyang mommy si Stella. "Sorry po." Lumuhod naman si Stella para magkalevel sila ng bata. Hinawakan niya sa ulo si Kevin.
"Okay lang yun. Pwede mo naman akong tawaging mommy."
Alam ni Stella na namatay na ang kaibigan. Kaya sa isip niya, siya na lang mag-aalaga ng mga anak ng kaibigan niya. Dumating si Stephen at laking gulat niya nang makita niya si Stella dala dala ang isang sanggol.
"Well, 5 months old na sila. Tumakas ako dahil di ko na talaga kaya." Paliwanag ni Stella.
"Sila?" Pagtataka ni Stephen dahil isa lang naman ang dala ni Stella.
"May kakambal siya pero nakuha ng papa. Siguro nasatisfy na siya dahil may anak na siya. Sana naman alagaan niya si Shane." Niyakap ni Stephen si Stella.
Naging ina si Stella sa mga anak ni Stephen. Mommy na ang tawag nila sa kanya. Inaalagaan ding mabuti ng ate at mga kuya ang kanilang bunso. Unti unti ring nahuhulog ang loob ni Stephen kay Stella. Tatlong taon ang nakalipas, nagpakasal ang dalawa. Pinalitan na rin ang apilyedo ni Nathaniel at ang kapatid na si Melissa Steph.
"You had your first son named after me, pati na rin ang bunso mo. Why?" Tanong ni Stephen.
"I loved you way way back, Stephen. Loyal ba?" Natawa naman silang dalawa. "Thank you."
At yan ang kwento kung paano naging magkapatid ang limang Marino. HUERHUERHUERHUER KORNEH HAHAHA. Sinasagot ko lang naman yung tanong niyo. Atsaka yan naman talaga yung nasa imagination ko. I just did not find any reason to put it in the story. Pero ngayon, naguluhan pala talaga kayo. HUERHUERHUER Ayan na. May tanong pa? PM lang.
BINABASA MO ANG
Another Song For You[ASFY2]
Teen Fiction[ON GOING] They all ask her the same question, "What if babalik siya sayo?"